Old woman and young boy (Photo Credit: hermelness.com)

Ako si Dr. FREDRICK SANTOS, 40 years old, 5 years na akong single. Hindi naman ako pangit. Sa katunayan may itsura ako. Gwapo, matangkad at hindi ako halos napagkakamalang pinoy sa pinagtatrabahuan kong isa sa pinaka-sikat na ospital dito sa London. Hindi ko kailanman nakilala ang tatay ko, sabi ng nanay ko nabuntis daw siya ng isang Amerikano noon sa Pampanga. Sampung taon lang ako nang mamatay ang nanay ko. Sanay ako sa hirap dahil marami na akong napagdaanan sa buhay. Hindi ko nga lubos maisip na magiging Doctor ako at yumaman ng husto. Halos lahat ng gusto ko kaya ko nang bilhin, nakatira ako sa malaking bahay, may tatlong sasakyan, maid, sariling driver at bodyguard. Dahil nandito ako sa London, kung tutuusin, hindi naman ako mayaman dito pero nasisiguro ko kapag bumalik ako ng Pilipinas, titingalain ako ng lahat.

Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga dati kong kaibigan kapag nakita nila ako. Ang pag-uwi sa Pilipinas ay isang bagay na kailanman hindi ko na ginusto pang mangyari dahil marami akong gustong takasan. Mga karanasan na nais ko nang burahin sa aking isipan. Pero heto ako ngayon at sumasagi sa isip ko ang bumalik na sa Pilipinas. Kung ano man ang mayroon ako ngayon, utang ko ang lahat ng ito kay Victoria. Siya ang nagbigay sa akin ng panibagong buhay at pag-asa, minahal niya ako binigay niya ang lahat pero naging gago ako at tanga dahil sinaktan ko si Victoria. Tandang-tanda ko pa ang araw na una kung nakita si Victoria sa isang kalye sa Edsa, nagmamaneho siyang mag-isa sa kanyang magarang sasakyan. Nasiraan ito at tinulungan ko, dati kasi akong palaboy sa kalye. Isa akong rugby boy, ang tanging ginagawa ay magbenta ng yosi na kung tawagin ay takatak boys at pagkatapos ang kakarampot na kita ay ibibili naman ng rugby, di kaya’y droga.

Noong araw na huminto ang sasakyan ni Victoria sa kalye kung saan ako madalas tumambay, nagbago ang buhay ko. Si Victoria ay 40 years old, matandang dalaga na siya noon at ako naman ay isang palaboy lang, ngunit hindi nandiri sa ‘kin si Victoria.

“Boy, paki-ayos naman ng sasakyan ko.  Nagmamadali kasi ako.”Dahil laking kalye ako, pabalang ko siyang sinagot,”Tang ina, nagbebenta ako ng yosi, hindi ako mekaniko!!” Napatitig si Victoria sa ‘kin at hindi siya nasindak sa angas ko.’Yun pala’y sanay na siya sa mga tulad ko dahil si Victoria ay isang Psychiatrist at minsan na ring nakapagtrabaho sa isang mental hospital sa Canada. Kaya hindi siya natatakot sa mga tulad kong sa unang tingin palang ay alam na n’yang ako ay durogista.”Boy bibigyan kita ng pera kapag napaandar mo ang kotse ko.” Pakiusap n’ya sa ‘kin pero hindi ako naakit sa pera na ibibigay n’ya, bagkus iniwan ko siyang mag-isa. Tanghaling tapat noon, matindi ang sikat ng araw, sa ‘di kalayuan pinagmamasdan ko siyang tila kinakalikot ang makina ng kotse nito. Napansin ko agad ang namumula niyang pisngi at makinis nitong balat. Bagay sa kanya ang kulay puti niyang damit. Hindi ko alam kung bakit naakit ako kay Victoria, kahit may edad na siya nagmukha siyang bata at sariwa sa paningin ko. Hindi ko rin mawari, sadya bang maganda ito o lulong lang ako sa rugby ng mga oras na yon. Halos sampung minuto na ang nakalipas hindi pa rin n’ya napaandar ang sasakyan nito. Kaya naisipan kong lumapit muli sa kanya, nang lumapit ako tumabi ako sa kanya. naamoy ko kaagad ang mabangong mamahalin nitong perfume.

Kitang-kita ko ang tagaktak n’yang pawis, at namumula nitong pisngi.  Napayuko ito at napansin ko kaagad ang malaki nitong hinaharap at likod. Tila nakaramdam ako ng libog sa paglapit ko sa kanya kaya sabi ko,”kumuha ka nga ng tubig baka na overheat lang.” May dala siyang mineral water at yun ang binuhos niya.  Pagkatapos noon, umandar ang sasakyan nito. Tuwang-tuwa si Victoria at agad na kumuha ng limang daan sa wallet at inabot sa ‘kin. Masarap ang feeling ng sinadya kung dumikit ang palad ko sa palad niya. Tuwang-tuwa ako sa laki ng pera na ibinigay n’ya kaya hindi ko manlang nakuhang magpasalamat at umalis ako agad. Si Victoria naman ay umalis na rin. Kinagabihan hindi ako makatulog at rumirehistro na naman ang mukha n’ya kapag pinipikit ko ang aking mata. Nakikita ko ang mukha niya. Gandang-ganda ako sa hayop na matandang babae na yun. Panay ang mura ko. Sa wari ko’y na pa-paranoid lang ako marahil dahil kulang ang tinira kung rugby kaya’t naghanap ako ng mabiling droga ng gabing ‘yon.

Agad akong bumangon at umalis, anak ng pating nagkita kami ulit sa isang malapit na gasoline station, doon ko nakita na naka-park ang kotse niya. At nakita kong bumili pala ito ng pagkain sa isang malapit na grocery store sa tapat mismo ng gasoline station. Napalunok ako ng laway ng nakita kong naghubad ito ng jacket dahil naiinitan. Lumapit siya sa ‘kin at namumukhaan n’ya pala ako. ”Boy gabi na, bakit hindi ka pa umuwi ng bahay?” Sinagot ko siya ulit ng pasigaw, ”walang akong bahay, h’wag mo nga ako matawag na boy, ako si Fredo.” Bigla namang sumagot ang gasoline boy ng, ”FREDONG BANGAG!” Kilala na kasi ako halos ng mga tao sa kalye kung saan ako madalas tumambay, imbes na mapikon tumawa na lang ako. Tinanong n’ya ako,”totoo bang adik ka? Sayang ang bata mo pa at may itsura ka. Huwag mong sayangin ang kagwapuhan mo.” Parang pumalakpak ang tainga ko sa narinig ko dahil ang totoo, siya lang ang unang nagsabi na gwapo ako. Hindi nga ako halos pinapansin ng mga sampaguita girls o nagtitinda ng sampaguita na mga neneng na nililigawan ko kasi nga daw mabaho ako, adik at madungis.

Sa sinabing ‘yon ni Victoria, gumaan ang pakiramdam ko, naalala ko kasi ang nanay ko na halos magkasing edad lang sila kaya lang namatay ito dahil sa T.B. Inabot n’ya sa ‘kin ang supot ng burger at soft drinks, sa ‘kin na lang daw, dahil patay-gutom ako hindi ako tumatanggi sa grasiya, kinain ko agad ito at tinanong ko siya, ”wala ka bang asawa’t anak?” Natahimik siya bigla dahil ang totoo kaka-break lang pala nila ng boyfriend n’yang Doctor din. ”Ah wala.”

Kaya biniro ko siya “kung gusto mo ampunin mo na lang ako o di kaya gawin mo akong boy sa bahay n’yo. Taga-buhat ng mga ipinamili mo o ‘di kaya’y taga-linis ng ospital, ano nga ba tawag dun? Janitor!”

Napatawa ko si Victoria ng mga oras na ‘yon, dala marahil ng katangahan ko, kaya naaaliw ito sa ‘kin.

Mag eleven pm na nang biglang lumakas ang ulan.  Nabasa kami pareho dahil hindi siya agad nakapasok sa loob ng kotse niya.  Mahinhin kasi itong kumilos, sexy kumbaga.  Dahil lumakas pa ang ulan at may kasamang kidlat isinama n’ya ako sa bahay nila.

Malaki, may swimming pool at marami silang magarang kotse, doon ko na rin nalaman na Victoria pala ang pangalan n’ya nang tinawag siya ng maid nito ng Doktora Victoria. Astig, kagalang-galang na tao pala itong nagdala sa ‘kin, isang Doktor.

Nang gabing ‘yon kinupkop n’ya ako. Nagsilbi akong boy sa bahay nila.  Kung minsan, isinasama n’ya rin ako sa mga lakad. Nagmukha na akong tao dahil ipinag-shopping n’ya ako.  Sa ‘kin natuon ang atensyon n’ya.  Wala namang naging problema sa mommy nito dahil likas itong matulungin.

Hindi naglaon, pinag-aral n’ya ako para maging Doktor.  Noong una ayaw ko dahil pakiramdam ko pinapakialaman n’ya ang buhay ko. Sinubukan ko ring maglayas at bumalik sa dati kung gawain pero si Victoria, hinahanap n’ya ako sa kahit saan mang sulok ng Maynila at pinapabalik sa bahay nila.

Isang araw, nagpunta kami sa Boracay at doon nag-stay ng tatlong araw.  Sabi n’ya sa Mommy niya, may seminar daw kaya n’ya ako isinama.  Pagdating namin doon, walang ka tao-tao. Private resort ang pinuntahan namin. Gusto n’ya pala ako masolo.  Doon ko nalaman, wala na akong kawala dahil ng mga oras na yun, tila naniningil na si Victoria sa lahat ng mga itinulong n’ya sa loob ng tatlong taon.

Nalaman ko na gusto niya ako. 18 na ako noon at mag 19 nang nangako siya na ibibigay n’ya ang lahat-lahat sa ‘kin.Napagtanto ko na tutal kaming dalawa lang naman, walang makakaalam nito. Pumayag ako sa gusto n’ya.  May nangyari nga sa ‘min at paulit-ulit itong nasundan kapalit ang lahat ng mga gusto kong bilhin. Kotse, pera, mga gamit sa school at sa laki ng matrikula ko, pinagbutihan ko ang pag-aaral ko at ang serbisyo na hinahanap ni Victoria ay pinagkaloob ko sa kanya. 23 years old na ako, halos malapit na ako makapagtapos noon ng malaman kong buntis siya sa edad na 47.  Dala marahil sa hiya sa sarili ko, ayaw kong panindigan ang pinagbubuntis niya.