Crystal Ball(Photo Credit: laspinascity.olx.com.ph)

This short story is from the indie film “Binyag” directed by Miko Jacinto. Nagandahan lang ako sa story kaya aking isinulat para maibahagi sa inyo, mga ka-df.  May konting binawas at dinagdag din ako sa istoryang ito, lalo na yung sa ending, the last part was not totally the original ending. Salamat, Mr. Miko Jacinto, sa pagpapalabas ng istoryang ito.

Kung hindi mo ngayon susubukan, kailan? Baka bukas, kapag handa ka na, ang bukas naman ang hindi handa sa ‘yo.

Ako si Sam, dito ako sinilang sa bayan ng Asfasfaffafaf. Dito daw nakatira ang mga magulang ko na hindi ko naman nakita kahit anino. Dito daw sila lumaki, pero wala namang bakas kahit mga kamag-anak nila. Wala ding naiwang litrato na puwede kong makita o masabi kung sino ang kamukha ko. Dito, tahimik; walang gulo, parang kuntento na ang lahat ng tao. Walang masyadong nangyayari. Saksi ang bayang  ito sa mga kuwentong naganap sa akin. Hindi ko alam kung may mapupulot kayo. May maganda, may hindi masyadong maganda.

Sa pupuntahan ko ngayon, walang pagdududa, maganda talaga. Ang dagat ang paraiso ko, ito ang mundo ko, tahimik at walang istorbo halos laging walang tao. Tumatakbo ang oras nang hindi mo alam kung nakakailang segundo, minuto o oras ka na dito. Maganda ang alon; minsan malakas, minsan hindi. Malinaw ang tubig;  hindi tulad ng mga nangyayari sa akin. Dito sa lugar na ito nangyari ang mga bagay na hindi ko alam kung dapat ba talagang mangyari.

Basta ang alam ko, sigurado ako nung bata pa ako, dito ang langit ko. Gaya ng nasabi ko, wala akong kamag-anak sa probinsyang ito. Siguro, mabait lang sa akin ang Diyos kaya nanatiling buhay ako kahit walang nag-aasikaso. Hindi nakapag-aral, pero hindi naman ako bobo. Marunong sumulat; marunong ding bumasa. Hindi ko alam kung paano natatapos ang bawat araw na dumadaan, basta pag nandito ako, ayos na.

May ilang tumutulong na hindi ko naman kakilala. Di mo alam kung bakit ginagawa nila yun. Pero mararamdaman mo kung ano ba talaga ang habol nila. Nagpakilala na ang tanging babaeng nakausap ko nang higit sa isang oras. Alam ko ang binabalak niya, pero alam ko din na wala siyang mapapala. Tinutulungan niya akong magsulat at bumasa. Ang dami dami niyang kuwento na minsan naman hindi ako naging interesado. Pati nga buong buhay niya halos naikuwento na niya. Ang pag-aaway ng tatay at nanay niya, ang pagkakahuli niyang nag-aaway ang tatay at nanay niya sa kama, ang pagkakaiba ng saging at kung anong sustansya ang nakukuha sa kamote. Mahilig din siya sa mga hula, may hula daw kasi sa kanya na may isang lalaking laging nasa dagat ang mapapangasawa niya, ang dami niyang kuwento talaga. Lagi niya ako pinagmamasdan, binabantayan na para bang wala nang ibang lalaking puwede niyang samahan. Umaasa siyang masusuklian ko lahat ng kabutihan niya. Pakiramam ko nga bata pa lang kami may kalandian na siya, parang ayaw niyang humiwalay sa akin. Kung nasaan ako, asahan mong di magtatagal nakabuntot na siya kaagad. Minsan nga naisip ko, itulak ko kaya siya sa dagat?

Si mang Domeng, lagi siyang nandito sa dagat katulad ko. Ako habang lumalangoy at sumasabay sa agos ng tubig, siya naman umuusad na parang hanging sabik. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Pero minsan ramdam ko kung ano bang gusto niya. Para siyang isang makata na wala namang natatapos na tula. Tatawa, titigil, tatawa ulit. Para siyang alon, paiba- iba ang sumpong. Laging ganito ang takbo ng buhay ko, tulog, gising, ligo sa dagat, konting laro kasama si Mila na para bang walang bukas, sige lang nang sige. Pero isang araw, nagbago ang lahat.

“Hindi mo mararamdaman ang kaligayahan, hindi mo din mararamdaman ang kalungkutan, kung hindi mo alam kung hanggang kailan ang buhay mo”. Mga linyang sinabi ni mang Domeng habang may ginagawang hindi ko naman maintindihan.

Hindi ko alam kung ano yung nakita ko. Pero ang sigurado ako, may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko alam kung ano, pero…. Ang bilis tumakbo ng araw, ang bilis ng balik ng alon sa dalampasigan matapos nitong sumalpok sa mga batuhan. Maraming nangyari, marami din mga dapat hindi nangyari. Patuloy akong lumalangoy sa agos ng buhay. Basta bahala na, parang agos lang naman talaga ang buhay eh. Minsan ang kailangan mo lang gawin ay sumabay. Parang si Mila, ayaw pa din akong tigilan. Lagi pa ding nandiyan at nag-aalok ng kamote’t saging, walang pagsasawa, waring hindi nakahahalata o talagang ayaw lang niyang magpahalata? Minsan nagmumukha nang kawawa.

“Hindi ka na ba talaga nagsasawang lumangoy?” Nakahiga lang ako at si Mila naman ay nakatukod ang mga siko sa hinihigaan ko habang kumakain ng mga dala niyang kamote at saging.

“Mayroon namang ibang mga lugar diyan na puwedeng pagbabaran, ‘di ba?” nakapikit lang ako at wari’y natutulog, hindi ko pinapansin kung ano man mga sinababi niya.

Hindi ka ba naiinitan?” “agrf” sabay kagat sa kamoteng hawak nito.  “

Buti pa ang init, kapag sumasapit ang gabi, naiibsan, pero araw-araw paulit-ulit lang ang init” sabay kagat ulit sa kinakaing kamote.

“M-meron daw magshu-shooting sa bayan, kaya lang hindi ko naman kilala kung sino yung mga artista sa mga sinasabi nila.” Muli na naman itong kumagat sa kanyang kinakaing kamote, talagang kinaaadikan niya na ang mga ito.

“Ang sarap ng kamote, eh ang saging kaya masarap din?” Hay, katulad ng dati, mainit na namang umuwi ng bahay si Mila, nagdadabog, parang sasabog. Ganun pa din si mang Domeng, walang pagbabago; parang makata na ang daming kinukuwento.

“Kung hindi mo susubukan, kailan? Baka pag handa ka na bukas, ang bukas naman ang hindi handa sa yo.” Ang mga katagang nasambit ni mang Domeng habang napadaan kami sa kanya ni Mila. Naintindihan niya kaya ang mga sinasabi niya? Ang nakakapagtaka, parang hindi siya tumatanda. Ano kayang sikreto niya? Ano kayang iniinom niya?

Mabuti pa si Mila; kahit makulit alam mo kung ano ang habol niya. Alam mo kung ano ang nasa isip niya. Naghahangad siya ng isang bagay na wala sa akin na hindi ko naman kayang  ibigay sa kanya. Ayun umaasa na naman siya, pero kilala ko na yan; hindi ako kayang tiisin niyan, gagawin ang lahat mapansin lang. Tambling siya ng tambling, giling ng giling, alam kong naiinis na siya pero tuloy pa din. Kulang na lang siguro pagtangkaan niya akong gahasain. Walang kapaguran na parang may inaasahan. Habang lagi siyang nakatingin sa akin sa iba naman nakapako ang aking tingin.

Hindi ko alam kung ano ba talagang binabantayan ni mang Domeng sa tabi ng dagat. At kung minsan may mga kinikilos siyang hindi mo talaga maintindihan. Na parang may mundo siya na siya lang ang tanging nakaka-alam. Dito kaya sa dagat galing ang sikreto kung bakit parang hindi siya tumatanda? May kaibigan kaya siyang syokoy at sirena? Ang daming drama ni mang Domeng, ang dami niyang seremonyas. Dapat siguro sila ni Mila ang magsama. Pareho yata silang gustong mag-artista.

“Hindi naman yata tama yung hula n’yo sa akin eh.” Kausap ni Mila yung maghuhulang nagsabi sa kanya na ang lalaking makakatuluyan niya ay ang lalaking laging nasa tabing dagat. “Lahat na ho ay ginawa ko na, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ho ako hinahalikan ni Sam… akala ko ho ba siya ang mapapangasawa ko?  Akala ko rin ho, siya ang magiging tatay ng anak ko”

“Hindi pa ako nagkamali sa hula ko, may malakas na puwersa, may kumokontra!”. Tanging nasabi lang nung manghuhula kay Mila.

Patuloy na umuusad ang araw, wala pa ding pagbabago. Ganun pa din si mang Domeng, ganun pa din si Mila at ang kayang kamote’t saging. Hanggang sa may isang dayuhang dumating.

“Ako si Larry, isang talent manager, gusto mo bang mag-artista?” Habang nagtatampisaw ako sa dalampasigan, nakatingin sa akin si Mila at sa kabilang dako naman ay isang dayuhan na ngayon ko lang nakita. Unang kita ko pa lang sa kanya ay magaan na ang loob ko. Maamong  mukha, mukhang hindi nakakasawa. Mukhang alam ko na kung anong hanap. Hindi na ako bobo pag dating sa mga kuwentong ganito. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim. Bilang na bilang ko kung ilang beses ko nang naibigay ang gusto nila sa isang tulad ko.

Una sa isang manikurista, may sariling parlor na mabaho ang hininga at paa. Sa isang mangingisda na iba pala ang gusto niyang sisirin. Medyo mabaho din siya, malansa, malansang-malansa. Sa isang kasamahan ko sa pangangahoy, hindi naman pala kahoy na matigas ang hanap. Sa kapwa tricycle driver ko na may tatlong anak na lalaki. Sa kaibigan kong nagpa-utang sa akin. Pagkatapos naming magbasketball, ako naman ang nilaro niya. At naulit ito kay manikurista at sa ikalawang pagkakataon ay binigyan ako ng singkuwenta pero mabaho pa din ang paa at hininga niya.

Sa totoo lang,sinubukan ko ang sinasabi nilang tama, yung normal daw na ginagawa. Pero kahit anong pilit ang gawin ko, iba ang hanap at gusto ng katawan ko. “Wala ba tayong gagawin dito? Maghuhubad na ba ako?” tumingin lang ako kay Mila, at di kalaunan ay nilayasan ko na siya. Bakas ang pananabik at lungkot sa mga mata ni Mila. Pero anong gagawin ko? Hindi siya ang gusto ko. Babalik na naman siguro si Mila sa paborito niyang manghuhula. Walang kasawasawa, ayaw sumuko.

”Marami nang umaangkin sa kanya, ngunit ang buong puso’t kaluluwa niya ay may nagmamay-ari na”

“Ako ho ba yun?”

“Umuwi ka na, Mila, ang hula ko, hindi ka pa nakapagsasaing”

Lalong lumalabo ang tiyansa niya, lalo ngayon na nakilala ko na siya. Iba kasi si Larry, taga Maynila kaya iba ang amoy, kakaiba, malinis ang ngipin, makinis ang balat, iba ang ngiti, parang mayaman. Basta ang alam ko ibang klase kung ano man ang gagawin namin. Hindi naman siguro kasalanan ang ginagawa ko, hindi naman ako namimilit, niyayaya lang ako. Sumasabay lang kung ano ang gusto.

Doon nagsimula ang lahat, marami siyang kinukuwento, marami siyang plano. Binuo niya sa isip ko ang isang mundo na kahit minsan hindi ko naisip na papasukin ko. Binigyan niya rin ako ng pera pero hindi singkuwenta, kundi tatlong daan. Pinainom at pinakain pa niya ako. Iba talaga ang taga Maynila, hindi mabaho ang hininga at paa.

“M-may tipo ka, may edge ka, puwede kang mag artista. Tsaka maganda yung kulay mo, barakong-barako. Pakikilala kita sa producer ko, siguradong magugustuhan ka nun.”

Naniwala ako sa mga sinabi ni Larry, nagdesisyon akong sumama sa kanya. Saglit kong iiwan muna ang paborito kong lugar. Si mang Domeng at ang mga kuwento niya, si Mila na kahit alam kong wala ako ay mananatiling maghihintay sa akin, yun yata ang hula. Nang araw na iniwan ko ang aking probinsya, alam kong darating ang araw na babalik ulit ako dito. Hindi ko lang alam kung paano at kalian, basta sigurado ako sa sarili ko na babalik ako dito, kung saan nagsimula ang kuwento ko.

Sa Maynila mas marami pa ang katulad ni Larry, iba din ang amoy, kakaiba. Malinis din ang ngipin, makinis ang balat, iba ang ngiti, parang mayaman din. Ang dami niyang ipinakilala sa akin; ang dami niya palang kaibigan. Pagkatapos niya akong ipakilala sa iba, hindi ko na siya ulit nakita. Pero yun siguro yung sinasabi ni Larry na gawin ko, makisama sa mga taong puwedeng makatulong sa akin dito. Pero kapag pala puro ganun, nakasasawa din. Hindi ko alam na ganito pala ang ibig sabihin ng pakikisama sa Maynila. Halos lahat sila, isa lang ang sinabi sa akin.

“M-may tipo ka, may edge ka, puwede kang mag artista. Tsaka maganda yung kulay mo, barakong barako. Ipakikilala kita sa producer ko, siguradong magugustuhan ka nun.”

Artista na daw ako, pictorial dun, pictorial dito. Iba-ibang kulay ng brief, iba-iba din ang kulay ng background. Lahat na yata ng puwedeng gawing props,  nagamit na namin sa pictorial. Lahat na yata ng gulay sa kantang bahay kubo ay nagamit ko nang pantakip sa maselang bahaghari ko. Chin up, chin down, wonderful , great, beautiful! Yun ang sabi ng photographer dun sa may asfsffafadfa. Ang hirap din palang magpapictorial, isang araw yun na wala akong ginawa kundi tumayo, tumihaya, bumukaka. Gagamitin daw yun sa publicity, publicity ng movie ko. Ang dami kong pinuntahang audition para sa pelikula, pero pagkatapos ng konting acting acting, paghuhubarin ako, titignan kung makinis daw ako, kung marami akong galos. Wala namang nangyari, halos nasanay na ko sa ganung pangyayari.

“Umalis na ho siya, iniwan na niya  ako, hula n’yo ho ba babalikan pa rin niya   ako?” Nasabi ni Mila habang nilalaro ng manghuhula ang kanyang baraha.

Tumakbo ng ganun ganun lang ang buhay ko. Kung gaano kabagal ang buhay sa probinsya, ang bilis-bilis naman sa Maynila. Ni wala nga akong matandaang pangalan sa sobrang bilis. Ang dami nilang nandiyan, ang dami-dami. Hindi ko matandaan kung may natuloy ba akong pelikula, hindi ko din alam kung saan lumabas yung mga litratong pinagkukuha nila. Ang alam ko lang, parang nakakapagod na, ganun ba talaga sila?

(Larry)

Paikot-kot talaga ako sa probinsya, naghahanap ng mapapasikat; yung magiging papa. Mas madali kasing kumuha sa probinsya. Madali silang utuin, hindi pa masyadong magastos. Nakabakasyon ka na, marami pang nakakalat na bonus. Kapag ayaw mo na, eh di ipasa sa iba, as easy as that. Minsan nga, kapag sinusuwerte ka, isang basketball team makukuha mo, kasama pati referee, nililibre ka pa nga ng RC Cola eh. Isang pictorial lang ang katapat niyan, eh magkano lang ba naman ang mga studio diyan sa tabi-tabi? Tapos yung mga make-up artist na bading, libre din, libre boso na, may konting haplos-haplos pa. Ano? ano? Kung sino napasikat ko? Wala pa, 8 years pa lang naman ako nagmamanage eh.

(Producer)

Madali naman maging  producer ngayon, sa hirap ng buhay kahit magkano papayag na ang mga baguhang artista na yan. Kasi pag sila ay nagkaroon ng project, tumataas ang value, nagkakaroon ng class. Lalo na ngayon; uso ang mga indie. Ang lakas pa naman ngayon ng indie film sa ibang bansa.

(Direktor)

For me I’m doing this for my own sake. Kahit hubaran, basta may kuwento, yan ang trend ngayon. Kung hindi ako sasabay, hindi ako magiging in. At isa pa, enjoy, busog na busog ka. Marami pa ring tanga ngayon. At wala akong pakialam kahit kutyain o ibasura ng mga kritiko ang ginagawa ko.  Ang importante, may pelikula ako. Maraming walang trabaho ngayon, ayoko namang matawag na director na walang dinidirek na pelikula. At least, dito, may tsamba, baka mapansin pa sa international film fest, di ba?

Naguguluhan ako, nalilito. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko, ang alam ko lang, hindi na ko makukuntento sa paglalangoy lang sa dagat, sa singkuwenta pesos, sa tatlong daan, sa tatlong libo. Parang gumulo ang mundo ko, pakiramdan ko kahit maghubad ako sa dagat na pinagliliguan ko, hindi na nito kayang burahin ang mga laway na dumampi sa katawan ko, hindi ko na alam kung bakit ginagawa ko ito. Ginagawa ko ba ito dahil sa kailangan? O ginagawa ko ito dahil sa gusto ko? Gusto ko ba? Gusto ko ba dahil kailangan? O gusto ko dahil gusto ko? Pakiramdam ko, para na akong si mang Domeng, ang dami ko nang sinasabi na hindi ko naman maintindihan.

Patuloy na dumaan ang araw, ganun pa rin paulit-ulit. Wala nang mga audition, mga pictorial, parang ganun lang na nawala ang lahat. Pati pagkakakilala ko sa sarili ko, parang nawala na rin. Sino na ba ako? Ewan ko, depende sa gising ko kung sino ako. Minsan gusto kong pinaglalaruan, minsan naman gusto kong ako ang may paglaruan. Hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ang nangyayari sa akin, para akong sabog na hindi naman nagdodroga, adik na wala namang tinitira. Kahit kanino, puwede.

(Mila)

Wala akong ibang lalaking inaasam kung hindi si Sam. Alam ko at nararamdaman ko na pinanganak ako para sa kanya. Maaaring hindi ngayon, pero ang alam ko na sa akin din siya mapupunta. Naniniwala ako sa hula. Hula ko, magkakatotoo ang hula,

(Manghuhula)

Matanda na ako, ang hula ko, hindi na nagkakatotoo.

(tambay sa bar)

First time kong makatikim ng artista, artista ba talaga yun? Pero wala akong nakita o napanood na pelikula niya. Gusto ko ulit tumambay sa bar para makatisod ng papa. In fairnes, mahusay siya.

(first time)

Ganun lang pala yun noh? Sa una lang pala yung kaba. Parang yung naramdaman ko bago ako tuliin. Nung bago ako binyagan. Totoo kaya yung sabi nila na, pag pumatol ka sa bakla eh bakla ka na rin?

Umuwi ako na hilong-hilo dahil sa nainom ko. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Ang alam ko lang may isang matandang bakla na tumulong sa akin at pinatuloy ako. Pinunasan ng malamig na tubig, binihisan, binantayan magdamag.

“Bakit hindi mo ako ginalaw?” sabi ko sa matanda nung magising ako. “Artista ako, hindi mo ba ako kilala?”

“Pagod na akong gumalaw, sawa na. Ikaw? Hindi pa ba? …. Masaya na ako sa patingin tingin lang”

“Puwede kitang pagbigyan, gusto mo?”

“Puwede rin naman kitang bayaran… Masaya ka ba? Ilang taon ka na ba? Bakit ka ba nandito? Magpahinga ka na.” Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya. “Minsan pag sumosobra, hindi na masaya.”

Pagkatapos ng gabing yun parang may nagbago, parang may nagbago ulit sa akin. Medyo nabawasan ang tanong sa sarili ko, nakakapagod din pala yung ganito. Parang ang layo-layo ng pinuntahan ko, parang pagod na pagod ako, tama na siguro ito. Hanggang dito na lang siguro ang kaya ko kahit paano malayo na rin ang narating ko, kung mayroon man. Marami na rin akong kuwento kung kinakailangan, puwede namang hindi ko sabihin ang lahat puwede rin namang magkuwento ako ng hindi totoo, mag-imbento. Hindi rin naman nila malalaman ang totoo. Kahit naman siguro sino may tinatago tungkol sa sarili nila na hanggang sa mamatay sila ay walang nakakaalam. Tsaka baka naman wala silang pakialam sa nangyari sa akin. Kahit kailan naman, hindi sila naging interesado sa buhay ko. Lalo ngayon sa sarili ko parang alanganin na ako kung kilala ko pa.

Nasaan na kaya ang probinsya ko? Si mang Domeng? Ang alon na nakatikim sa katawan ko? si Mila at ang kanyang kamote’t saging? Malapit na ako sa probinsya koat hindi ko alam kung babalik pa ako sa Maynila. Ano bang ginawa ko dun? Sabagay, walang pagkakaiba sa ginagawa ko dito, mayroon pala, mayroon na pala. Ano man ang nangyari sa akin sa Maynila, may natutunan man ako o wala, ang sigurado, ako, sa probinsya, mas bagay ako. Dito sa lugar na kapag nandito ka, wala ka nang iisipin pang iba. Ito ang paraiso ko, tahimik, walang istorbo, totoo, hindi katulad ko.

Ngayon parang kahit malabo, naiintindihan ko na si mang Domeng, hindi ako sigurado pero sa pinagdaanan ko hindi ko na rin alam kung anong mga nangyari sa buhay ko. Isa lang ang sinisiguro ko, parang kakabit na ng buhay ko si mang Domeng, ang buhay niya, ang mga pinagdaanan niya, ang mga sana na hindi niya na pinagdaanan. Pareho kami, halos walang pinagkaiba. Kung may natutunan siya, ewan ko sa kanya.

Lumipas ang mga araw, bigla na lang nawala si mang Domeng. Sabi ng iba nalunod, tinangay ng agos, sinama ng mga sirena, inahas ng mga syokoy, nagpakamatay, pinatay. Hindi ko lang alam kung ano ang totoo. Kaya nga siguro madalas ako ngayon dito sa dagat, inaalala ang mga ginawa niya, ang mga hindi niya dapat ginawa. Pero kung hindi niya ba ako ginalaw, may magbabago ba sa kapalaran ko? Malalaman ko ba talaga kung sino ako?

 Si Mila, umiiyak habang tititignan ang litrato ko sa dyaryo.

 (Mila)

Mula nung nalaman kong nagbalik na si Sam, sinabi ko talaga sa sarili ko na hindi ko na talaga hahayaan pang mawala siya sa tabi ko, kahit na siguro magmukha akong aso, gagawin ko, susundan ko talaga siya. Ang tagal rin ng hinintay ko, at ngayon alam ko na magkakatotoo na ang hula.”

At si Mila naman, lalo na siyang walang maasahan. Puwede niya akong samahan, puwede niya akong tabihan, puwede kaming sabay na kumain ng kamote’t saging, magkantahan, magtawanan. Magsayawan tulad ng ginagawa ni mang Domeng sa tabi ng dagat. Naguguluhan ako, nalilito. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Sino ba talaga ako?

 (Sam)

Siguro nga sa dagat talaga ang tadhana ko, sa dagat kung saan nagsimula ang kuwento ng buhay ko. Ibabaon ko na lang sa limot ang mga bagay na dapat noon pa lang ay binigyan ko na ng kasagutan. Mga gawaing ginawa ko dahil gusto ko lang at hindi pala kailangan. Minsan sa buhay kailangan din nating gawin kung ano man yung mga bagay na nagbibigay sa atin ng isang malaking katanungan, katanungang pilit mong hinahanapan ng kasagutan. Ngunit malalaman mo lang ang kasagutan kapag itoy iyong naranasan.

Kasabay ng panibagong buhay na tatahakin ko ang pangarap kasama si Mila at ang aming panganay na si Lasam. Oo, huwag ka nang magtaka, huwag ka nang magtanong at lalong huwag kang mabibigla, huwag kang OA kung makareact, basahin mo na lamang.  hehehe. Oo, tama ang hula, kami ni Mila ang nagkatuluyan at nabiyayaan kami ng isang malusog na lalaking sanggol. Hindi ko alam kung bakit nangyari sa akin ang hindi dapat nangyari, hindi ko alam kung para saan ang mga iyon. Pero ang sigurado lang ay masaya na ako kasama ang pamilya ko. Masaya ako, dahil kahit minsa’y nagkamali ako, naranasan ko ang isang bahagi ng buhay ko na nagtuwid sa tamang landas na tatahakin ko.

author:   kelvin jonas

p.e./kf