One day in the year of the pig, August 1995, nagising si Tito Sotto sa maling puwesto ng kanyang kama. Malamang ay nabulabog siya ng kanilang kapitbahay sa malalakas na speakers na “ALAPAAP” ng Eraserhead ang pinapakinggan. Naalimpungatan siya at nasira ang tulog, bigla nalang may pumasok sa kanyang kukote -“Eureka! Parang pang-adik ‘yung kantang ‘yun ha.”.

Nagulat nalang ako isang umaga ng Dekada NoBenta nang makita sa teevee ang mga bandang sumisikat noong mga panahong iyon. Kinokondena at pinapaimbestigahan ang ilang mga kanta mula sa Eraserheads, Teeth, at Yano. Ayon sa senator at kanyang mga alipores sa Junior Drug Watch, ang “Alapaap” ay isang kanta tungkol sa droga kaya dapat itigil ang airplays nito sa radyo. Nabasa raw nila umano sa liriko nito na ito ay tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na shabu. An “Ode to Drug Abuse” ang ginamit ng mga nagmamarunong upang tukuyin ang mensahe ng awit. Sa mga panayam na napanood ko noon, ilang beses na pinangalandakan ng Eheads na ito ay tungkol sa kalayaan, “Ode to Freedom“, at hindi tungkol sa kung ano pa mang paksyet. Wala ni-isang salitang tungkol sa droga ang binanggit sa kanta kaya nasa tao nalang daw kung paano ito bibigyan ng kahulugan.

Nadamay pa sa isyu ang kataas-taasan at kagalang-galangang Yano dahil sa kanilang kantang “Iskolar ng Bayan” na may linyang “Gumagamit ka pa rin ba ng ‘S’?“. Nang tinanong si Dong Abay kung ano ang ibig niyang sabihin doon, SAPATOS lang ang kanyang sinagot! Eh taena niyo naman pala eh, marunong pa kayo sa nagsulat ng kanta!

Ang kasikatan ng Teeth sa kanta nilang “Laklak” ay hindi nakawala sa mga taong tumutuligsa. Kahit na tungkol naman sa serbesa ang tema nila, hindi raw maganda para sa mga kabataan ang kanta nila.

Hindi mo alam kung matutuwa ka sa mga “concerned citizens (kuno)” o matatawa ka nalang sa pagiging hipokrito ng ilan. Muntikan na akong magka-bukol sa iskul sa kakahalakhak. Sino ba naman ang hindi matatawa sa isang senator na member ng trio na sumikat dahil sa mga green jokes at binaboy na version ng mga sikat na kanta? Sabi nga ng iba noon, para siyang gurong bihasa sa Science na nagtuturo ng Arithmetic na hindi naman niya larangan.

CLICK HERE TO CONTINUE READING “ANO’NG SINULAT NI ENTENG AT JOEY

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 34-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.