Ako’y may boyfriend; writer siya.

Napakapalad ko sa kanya dahil masyado siyang romantiko.

Araw-araw ginagawan niya ako ng tula at kanta.

Masasabi ko na isa siyang hulog ng langit dahil lahat nang kanya’ng sinasambit ay masyadong matamis na siguradong iyong mamimiss, kapag siya’y umalis.

Hindi ko maalis sa aking isip pangwakas niyang sambit sa bawat linya ng kaniyang istorya, na siguradong kikiliti sa iyong imahinasyon at magpapawala ng iyong tension.

Minsan naman ikaw ay paluluhain upang palayain ang bigat sa puso na iyong nadarama.

 Katatakutan, katatawanan kanyang ilalaan upang mabuhayan ng dugo, mambabasa at tagasubabay.

Ako’y naaaliw dahil para siyang baliw sa prinsipyo at pananaw ay hindi ko masaklaw.

Minsan dumating tula niya sa akin ako’y nagulat at namulat, muntik sumambulat at magkalat ang galit sa aking damdamin.

Sulat niyang hatid bigay ay pasakit. Dahil pangalan sa baba ay hindi sa akin.

Ayos lang sana ang tula na kanyang gawa, kung walang pahabol na sulat sa ibaba.

(PS: Para sa yo, babe, muawaaah! gagawa ako ng tula habang buhay..)

Nalito siguro tao na kanyang  inutusan, dahil sa dami ng kanyang kasintahan.

Siya’y pumunta sa aming tahanan upang muli ako ay bolahin.

Subalit damdamin ay sadyang nasaktan kaya hindi pinatawad kahit na masaktan.

Kaya  mula noon ako’y nag-ingat sa matatamis na salita ng mga kalalakihan

Dahil ayoko nang muling masaktan at  tumangis, dahil sa labis na pagmamahal.

Ilalaan ko na lamang angpuso ko sa mamang  kahit na walang alam ay tunay kung  magmahal.

Kaysa sa lalaking puno ang utak sa prinsipyo’t pananaw.

Subalit sa likod ng talino may aninong mapaglaro.

Kaya sa katulad kong babae, huwag magpadala sa tamis ng salita.

Hanapin ang kabutihan sa iyong sinisinta.

Dahil ang tula at kanta ay kumukupas at nalalaos.

Nakalilimutan, nababaon sa limot at yamot.

Dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi nakikita sa tula at kanta.

Ito’y nakikita  sa puso at gawa….