Boy and Rain (Credits: http://i1.trekearth.com)

Masarap yung feeling na may tao na handang ipakita yung effort niya para lang huwag kang mawala sa kanya

Noong July 15, nagkaroon kami ng away, as usual yung ulit yung dahilan. Si Dhai. Si Dhai yung girl na niligawan ni Josh before kami magkakilala, nalaman ko kasi na may feelings pa din si Josh kay Dhai at ganun din si Dhai sa kanya. Masakit pero kelangan ko na kausapin si Josh, hindi naman niya ito itinanggi. Sabi ko sa sarili ko tama na, nakakasawa na lagi na lang kami mag aaway tungkol sa issue kay Dhai.

Simula noong araw na iyon hindi ko nirereplyan ang mga text niya, hindi ko din sinasagot ang mga tawag niya, maski mga message sa facebook, kahit mahirap kailangan ko siyang tiisin para malaman niya kung gaano ako nasasaktan sa mga nangyayari sa amin. Isang linggo kaming naging ganoon, iyon ang pinakamatagal na tampuhan namin kadalasan kasi mga 1 hanggang dalawang araw ay ok na kami. Ayaw kasi namin na tinutulugan ang problema, di kasi natin alam malay mo hindi na gumising ang isa sa amin, kaya hangga’t maaari aayusin namin ang away o problema bago matulog at paggising namin magaan ang pakiramdam naming dalawa.

Isang araw.

Hanggang naging dalawa.

Tatlo.

Apat.

.

.

.

Lima? July 20 2012, nasuspend ang klase namin dahil sa walang tigil na pag-ulan at dahil malapit lang kami sa Laguna lake pinauwi na kami. Pag uwi ko sa bahay wala akong ginawa kung hindi matulog, sobrang nakakapagod kasi ang linggong iyon para sa amin. Nagising na lamang ako noong biglang nag-ring ang cellphone ko “Joshua 3″, pinatay ko na lang ang phone ko dahil ayaw ko pa siyang makausap, ngunit nag ring ulit ito, pero pinatay ko ulit, pero bigla naman siyang nagtext.

“Be, may pasok kayo?”

“wala, suspended”

“ah, asan ka?”

“kwarto”

“labas ka be”

“bakit?”

“wala lang may ibibigay lang ako”

“tss, anu ba yun?”

“basta, labas ka na lang kasi”

“kakagising ko lang, istorbo :/”

“sige na nga ako na lang pupunta dyan”

“bahala ka sa buhay mo”

after 2 minutes

Be, asan ka? labas ka na”

Ayaw ko siyang puntahan sa labas, umuulan noon naka-uniform pa siya, siguro maaga din pinauwi, “bahala ka diyan” yan ang nasa isip ko noon. Tinitignan ko lang siya mula sa aking bintana, tinted kaya di niya ko mapapansin.

*beep*

” mag-aantay ako dito. Hindi ako aalis hangga’t di ka lumalabas”

5 minutes

10..

20..

25..

30.. hindi ko na kayang makita siya, nakakaawa, basang basa siya sa ulan, lumabas na ko para puntahan siya.

“Hoy! Baliw ka na nga ba talaga?!”

“Oo, baliw na ko dahil sa’yo matagal na”

“Sakin ba o kay Dhai?”

“Sayo malamang, di naman siguro ako magpapakabasa dito sa tapat ng bahay niyo kung di ikaw ung mahal ko”

“Baliw ka na nga! Eh paano kung magkasakit ka?”

“Eh ano? Concerned ka?”

Sa mga nasabi niya natahimik ako, di na ako nakakilos, para akong naging bato, lahat ng masasayang alaala nagbalik sa utak ko.

“Galit ka pa ba?”

“Oo, ata, ewan, siguro, baka, ugh, tae ka naguguluhan ako. Napakasama mo!”

“Ako? Wala naman akong masamang nagawa ah”

“Oo nga pero nahihirapan ako”

“Di mo naman kelangang mahirapan eh, andito naman ako lagi tayong magkatulong diba?”

“Eh! Ang sama mo” =___=

” Sorry na nga, ikaw lang naman talga eh, oh eto na nagpakabasa pa ko para ibigay sa’yo, catch!”

“Chocolates? Tataba nanaman ako?”

“Ok lang, cute naman”

“Che, wag ka nga, ang corny mo di mo pa sinabi sa text kala ko kung ano”

“Hehe, sige na nga bye na basa na ko oh”

“Paki ko, hahaha joke sige na layas chupeee, shooooo!!”

Nagstart na siyang maglakad, pero may naalala ako. “Hoy, thank you, sorry din” tapos nginitian niya ko sabay takbo.

Pagpasok ko sa bahay nakalimutan ko na yung galit ko, tinitigan ko yung mga chocolates na binigay niya, sa totoo lang parang ang babaw kung iisipin na chocolates lang ang katapat ko, pero hindi naman talaga yung yun eh, ung thought at effort yung nakapagpawala ng sama ng loob ko, at kahit na napakasimple lang nakapagpakilig na ito sa akin ng sobra, dun ko din kasi naramdaman na seryoso talaga yung tao at kaya niyang ipakita yun through hiss own little ways.