Be a Hero Today (Photo Credited: JBoo Photography)

Be a Hero Today (Photo Credit: JBoo Photography)

Kailan ba tayo matututo? Kailan ba tayo magbabago? Kailan ba tayo kikilos? Mamaya na, saka na o bukas na. What if tomorrow never comes? Patay ka ngayon.

Tayong mga Pilipino (pati na ako) ay may kaugaliang ‘mamaya na’ or mahilig tayo sa ’bahala na’ mood. Masipag naman daw tayo, pero bakit ganito pa rin ang takbo ng bansa natin? Sabi ng ibang bansa ang mga Pilipino raw ay malilinis at hindi burara. Tama nga ba sila? Eh bakit ngayon binabaha tayo ng basura? Bakit tila pinaparusahan tayo ng kalikasan?

Ganito na lang ba tayo habang panahon? Wala na ba talaga tayong magagawa? O meron at pinagpapabukas lang natin? Ika nga diba, bakit mo pa ipagpapabukas ang maaari mo namang gawin ngayon? Tara, kilos na!

Sa isang kapirasong basura na itinatapon natin sa kalsada (maling basurahan) maaring kumitil iyun ng maraming buhay. Hindi ka ba naaawa sa mga nasalanta ng baha? Teka… teka… bakit nga ba bumabaha sa kalsada ng Kamaynilaan eh hindi naman ilog? Dahil sa basurang naiipon at bumabara sa lagusan ng tubig patungong Dam (o kahit saan man yan).

Dama ko ang awa sa aking mga kababayang nasalanta ng baha, purwesyo, at pagkalugmok ng ating ekonomiya dahilan sa walang tigil na pagbuhos ng ulan. Maraming kompanya ang ilang araw na walang pasok, negosyong nalulugi at nalalagay sa panganib ang ating mga kababayan. Manonood  na lang ba tayo?

Aantayin mo pa ba ang bukas bago ka tutulong? May magagawa ka ngayon. Spread the power of prayers. At para sa mga illegal loggers dyan, utang na loob, mahalin niyo po ang kalikasan.  Sa gobyerno, ewan ko lang ha, pero sabi nila (hugas-kamay) gumawa raw kayo ng ‘reservoir’. Nagkokontrol daw yun ng daloy ng tubig at maari pang magamit sa patubig o kaya’y hydro-electric power, and recreation. Let us be all aware of the flooding.

Sabi pa ni Attorney Rich tungkol sa lagay ng Pilipinas, ‘’Your country should have retention ponds and diversion dams. Areas that have downburst or sudden storms, or where there is a large runoff area, should be provided with retention or detention ponds, dams, etc. to ensure that sudden increases in runoff doesn’t overwhelm optimal flow of water’’. Above all, huwag kang magtapon ng basura kahit saan (kailangan pa ba i-memorize yan)? Dapat sa atin pinapalo eh. Hmm..palo! (pahiram mommyj).

Government is not only responsible for this scenarios, tayo ring mamamayan ay dapat magtulungan, dapat pinapanatili natin malinis ang ating paligid, mahalin natin ang kalikasan at iligtas natin ang bawat isa sa maaaring idulot na kapahamakan kapag patuloy tayong magpikit-mata. Save next generation by planting more and more tress ika nga. Huwag mo ng ipagpabukas pa, what if tomorrow never comes?

Enhanced by Zemanta