Family reunion (Photo credit: livingwatersreserve)

I am a neophyte blogger or a writer-wanna-be, and this is indeed my first time to share a story. I was supposed to write a love story, but something had inspired me so I thought I should share this one first. Actually. this has something to do with the calamity that hit the Philippines lately. And speaking of calamity, I hope nobody would hate me if I say “there’s a bright side of it.”

Any way, tungkol naman kasi ito sa family namin sa Pangasinan. Isang malaking pamilya ang mga relatives ko sa mother side ko. Pito kasi silang magkakapatid na may tig-lima o anim na anak sa kani-kaniyang pamilya. Buhay pa rin mga magulang nila, sina lolo’t lola.

Simpleng mga tao, though yung iba sa kanila nandito sa Italia kasama ko, hindi sila namumuhay sa karangyaan. Hindi lahat sa kanila ay nakapagtapos ng pag-aaral ngunit pinalaki naman sila nina lolo’t lola nang may disiplina, pagpupursigi sa buhay, pagmamahal at pagrespeto sa kapwa. At dahil hindi nga lahat nakapag-aral, mahalaga sa kanila ang edukasyon. Kolehiyo na ang pinakabata sa aming magpipinsan at ang iba naman na nasa Pilipinas ay government or private employees.

We have close family ties lalo na nung mga bata pa kami. Madalas ay nagsasalu-salo kami sa bahay nina lolo’t lola. at lalo na kapag may okasyon ay nagkakaroon kami ng family reunion.

Ngunit sa pagdaan ng panahon ay unti-unting nag-fade ang closeness ng family, dala na rin siguro ng pagiging busy ng bawat isa lalo na nung magkaroon ng sariling pamilya ang  iba sa aking mga pinsan. Dati ay madaling maayos ang problema hanggang sa nagkaroon ng misunderstandings ang iba sa mga kapatid ng nanay at umabot sa hindi pagpansinan o hindi pag-uusap ng bawat isa… siblings rivalry ika nga, na sadyang ikinalungkot nina lolo at lola.

Sa tuwing may darating na okasyon ay inaasam naming magpipinsan ang magkaroon muli ng family reunion sa itinuturing na namin na ancestral house, minana din kasi ni lolo ang bahay nila sa mga magulang niya.

Hanggang sa dumating ang bagyong Ondoy noong nakaraang taon. Maraming dumating na bagyo sa bansa ngunit matindi talaga ang Ondoy at hindi iyon lingid sa kaalaman ng mga Plipino. Inabot ng mataas na tubig ang aming bahay noon pati na ng mga tito’t tita ko maliban sa bahay nina lolo’t lola. Nanawagan na ang lola ko nun na lumikas na kami at doon muna tumuloy sa bahay nila. Ngunit dahil sa pride ay nagmatigas ang bawat isa. Hindi kasi in good terms ang ibang kapatid ni nanay kaya ayaw nila makita ang isa’t isa. Hanggang sa sinubukang lumusong ni lola sa baha pra puntahan kaming lahat. At dahil wagas ang pagmamahal namin sa kanya ay nagmadali kaming lahat na lumikas para hindi na siya mapahamak. Nagkataon noon na kumpleto ang bawat pamilya dahil na rin sa stranded ang iba sa kanila na nakabase sa ibang lugar.

Tahimik noong una until my eldest uncle suggested that everyone should pray. May kanya-kanyang relihiyon ngunit hindi hadlang iyon na sabay-sabay kaming manalangin. Matapos ang taimtim na dasal ay pinagusapan ang mga dapat gawin, mga paghahanda at mga bagay na gagamitin para maka-survive sa unos. Sama-samang nagtulungan ang bawat isa nang bukal sa kalooban at kinalimutan ang mga alitan o away magkapatid. Sa totoo lang ay nagsilbing tulay ang bagyo para mapalapit muli sa isa’t isa kaming magkakamaganak. During that time kasi nagkaroon ng pagkakataon na maipaliwanag nang husto ang mga kinaharap nilang gusot, pagtanggap sa kani-kaniyang pagkakamali at paghingi ng kapatawaran… open forum ba. Ramdam man namin ang takot sa bagyo ngunit sa puso ng bawat isa ay naniniwalang malalagpasan namin ang unos kapag sama-sama.

Sa awa ng Diyos ay ligtas nga kaming lahat nang umalis ang bagyo sa bansa. Humupa na ang ulan at baha ngunit hind nito inanod ang samahan naming magkakamag-anak, bagkus ay lalo pa itong tumibay. Sabi nga naming magpipinsan nagkaroon kami noon ng instant family reunion.

Ngayon na humarap muli sa isang matinding kalamidad ang Pilipinas, sama-sama muli ang aming pamilya na nagtulungan, and this time ay nagbigay tulong sa mga nasalantang kapitbahay o kabarangay. Nag-ambag kami ng tulong sa pamamagitan ng pagbigay ng pagkain, gamot at iba pang bagay na kailangan sa aming lugar. Wala man sa mga kamag-anak ko ang opisyal sa gobyerno ngunit handa silang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Ang bagyo, pag-ulan, baha ay nagdadala ng perwesiyo sa isang bansa, ngunit para sa aming pamilya nagsilbi itong pambuklod sa nasira naming samahan, naayos ang hindi pagkakaunawaan at nagkaisa sa pagharap ng problema… Definitely Filipino, right? At hindi namin maihahalintulad ang kakaibang family reunion na iyon sa mga masasayang okasyon.

 

 

About Angel Vicky

I'm more of a reader but now a writer-wanna-be. I am expressive and imaginative and I do more in writing than in speaking.