World's best social worker (Photo credit: funnyoccupationtshirt)

World’s best social worker (Photo credit: funnyoccupationtshirt)

Noong una ko siyang nakita sa Caysasay Development Center o CDC, nagtaka ako kung sino siya at bakit siya nandun. Yun pala siya ang aming magiging social worker sa CDC. Una pa lang, nakita ko na agad ang magandang personalidad na mayroon siya.

Siya si Ate Angela ng DF, isang social worker, may asawa at may isang anak. Napakabait niya at napakamatulungin kaya siguro mabilis na napalapit sa kanya ang loob naming mga scholars. Tapos ang galing galing niya mag advice.  Sobrang lapit niya sa mga kabataan, akalain ninyo nagpapafeesing siya  mula sa sarili niyang bulsa. Malapit din siya sa mga kababaihan lalo na sa kanilang barangay kaya nga siguro madaming blessings ang dumadating sa kanya.

Saglit lang namin siyang nakasama sa CDC dahil nagkasakit ang kanyang anak na si Gelo na kailangang operahan at ngayo’y nasa maayos nang kalagayan. Sa ngayon, pumupunta na lang kami sa bahay niya at kapag araw ng Linggo nagtuturo kami ng catechism. Ginagawa namin ito bago magfeeding.

Hindi na ko magtataka kung bakit nagtataglay siya ng ganoong kaugalian. Siguro namana niya ito sa kanyang mga magulang. Ayon sa aking nalaman, ang family niya ay nag-adopt ng 2 children. Ang isa sa mga batang iyon ay mayroon pang celebral palsy. Sabi nga, mana mana lang yan.” Like Mother, Like Daughter”.

Siya din ang taong punong puno ng pangarap sa buhay, pangarap sa sarili, pangarap sa pamilya at pangarap sa anak. Pangarap na unti-unti niyang inaabot.

Si ate Angela din ang dahilan kung bakit ako naging member ng definitely filipino. Siya ang nagiging inspirasyon ko hindi lamang sa pagsulat kundi pati na rin sa lahat ng bagay. Nakita ko kasi kung gaano siya ka-successful ngayon. At eto pa, sa kanyang pagiging social worker, halos malibot na niya ang buong Pilipinas kasi kung saan-saan na siya nadestino. Marami na rin siyang naipagtanggol na kababaihan.

Kaya ate Angela, sana huwag kang magbabago. Ipagpatuloy mo ang pagtulong sa kapwa especially sa mga Youth. Sana maabot mo ang mga natitira mo pang mga pangarap.