The White Slave

The White Slave (Photo credit: Wikipedia)

Marami na ngayong kabataan ang lulong sa ipinagbabawal na gamot. Marami na ngayong mga kabataan na kriminal. Marami na ngayong kabataan na prostitute. Hindi natin alam kung bakit lalong lumolobo ang bilang nila. Kaya ba  minamadali na ang pagsasabatas ng RH Bill? Dahil ba ito sa naka-aalarmang paglobo ng mga kabataang adik, kriminal at prostitute?

May kaibigan akong foreigner. Malimit siyang pumunta sa Pilipinas at dalawin ako. Minsan ay sinabi niya sa aking kada balik daw niya sa Pilipinas ay pahirap ng pahirap ang buhay nating mga Pilipino. Sabi ko sa kanya, “bakit mo naman nasabi yan?”

 Sabi naman niya, “kasi kada balik ko dito sa Pilipinas, pabata ng pabata ang mga prostitute.”

 Alam kasi niya na tayong mga Pinoy ay konserbatibo pag dating sa pamumuhay.

Sinabi ko na lang sa kanya na “dala siguro ng social networking at paglaganap ng iba’t ibang sex movies sa lansangan at hindi wastong pagpapalabas ng mga eksena sa television, kawalan ng tamang pag subaybay ng magulang sa kanilang mga anak at pag rerebelde ng mga kabataan sa kani kanilang magulang.”

Sabi niya hindi raw maganda sa Pilipinas kung patuloy na lalala ito dahil lalo lang raw madaragdagan ang pamilyang mahihirap at lalo lang raw rarami ang kabataang prostitute. Wala pa raw kakayahan ang ating gobyerno para suportahan ang bawat mahihirap na  pamilyang Pilipino. Hindi gaya sa kanilang bansa na kung wala kang trabaho, meron kang mare-recieve na monthly allowance galing sa gobyerno nila at kasama na rin yung mga anak mo,  kung ilan ang anak mo may monthly allowance din lahat ang iyong anak.

Bakit nga ba dumarami ang kabataang prostitute?

 Ilang dahilan kung bakit maraming kabataan ang pumapasok sa Prostitution.

  • Kahirapan – Isa ito sa mga dahilan ng mga kabataan kung bakit sila nasasadlak sa  prostitustion.
  • Pera – May mga kabataan naman na ayos naman ang family status nila  sa buhay or nasa middle class ang family nila subalit gusto lamang nila na kumita agad ng pera at matikman kung papaano ba humawak ng malaking halaga.
  • Influence – May mga kabataan naman na kaya lang  nag-prostitute ay dahil naimpluwensyahan lamang ng  barkada.
  • Family problem – May mga kabataan naman na ang dahilan ay problema sa pamilya kung kaya pumasok sila sa ganitong kalakaran bilang ganti sa kanilang magulang.
  • For their Future – May mga kabataan naman na kaya pumasok sa prostitution ay para matupad ang kanilang pangarap sa buhay.  At  nangangako sa sarili na kapag nakapagtapos ng pag-aaral ay hihinto na rin sa ganitong trabaho.
  • Dream for thier family – May mga kabataan naman na ang dahilan ay ang pangarap nilang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya at nag babakasakali na maka jackpot  ng foriegner na siyang mag-aahon sa kanilang kahirapan.
  • Drugs and alcohol - May mga kabataan naman na ang dahilan ay “Just for fun” lang kaya sila pumasok sa prostitution. Dahil libre ang drugs and alcohol.
  • Lust - May mga kabataan naman na ang dahilan ay mahilig sila sa sex. Instead na magpagamit ng libre, bakit hindi na lang siya magpagamit ng may bayad tutal hilig naman din niya.
  • White slavery – May mga kabataan naman na biktima lamang ng mga sindikato na ang bussiness ay maglako ng mga kabataang babae sa mga foriegner at sa ilang 9071t1k0 (paki decode na lang para malaman ninyo kung ano ang “9071tiko“.  baka makasuhan pa ako ^_^).
  • Calamity -  Nakapagtatakang isipin kung bakit pumasok ang kalimidad sa ilang dahilan ng kabataan, kung bakit sila napasok sa prostitution? Nagtrabaho kasi ako sa beer house bilang isang bartender kaya ko naisama sa list  ang calamity.  Kung naaalala pa ninyo ang pag putok ng bulkang pinatubo. Maraming mga  taga northern tagalog region ang bumaba para mag trabaho sa Maynila, ilan rito ay mga kabataang babae. Ang ilan pinalad na makahanap ng matinong trabaho kahit katulong. Ang iba naman mas ginusto ang mag trabaho sa mga beer house  na ang edad ay 14 years old pataas sa dahilan na wala na raw silang matitirahan at gusto nilang kumita ng mabilisan para makatulong at maiahon kaagad ang kanilang pamilya sa dinanas nilang kalamidad.

May iba’t ibang  dahilan kung bakit ba lumalala ang prostitution sa Pilipinas. Kaya kanino ba natin dapat isisi? Sa kabataan ba mismo ?

Sa magulang ba mismo? O sa gobyerno? Kayo na ang humusga…

PS: wala lang pong away, respetuhin natin ang kumento ng bawat isa. ^_^

Enhanced by Zemanta