Bad eating habits (Photo credit: obscureinternet)

Bad eating habits (Photo credit: obscureinternet)

Lumantak na naman ako ng kape with cheese flavored french fries. Perfect combination ‘te!(Pagpasensyahan niyo na, basta pagkain perfect sa akin.)

Recipe for disaster ng isang 16-year-old overweight-soon-to-be-obese. Napakapasaway ko talaga. Pinagbabawalan na ako ng kape kasi nagpa-palpitate ang puso ko (malamang, kailan pa nag-palpitate ang utak?) tsaka madaming calories ang french fries (maka-calories akala mo alam niya kung ano yun). Nasa lahi na namin ang sakit na diabetes at highblood pero pinanganak din talaga akong pasaway. Kahit anong sabi sa akin na magpapayat, hindi ko pa ginagawa. Actually kaya ko siya, tinatamad lang talaga ako (siyempre, sinisipag kumain eh).

To be straight to the point, mataba ako with a dazzling height of 4’8. I know… and liit ‘no? Lahat ng pangit na attributes ng isang babae ay nasa akin. Maliit, morena, mataba pero ayos lang…Naniniwala akong maganda ako pa rin ako. Sabi din kasi ng ibang tao…

Bukod sa sinabi ng ibang tao (hindi ko alam kung sinungaling sila o sadyang naaawa lang sila sa akin), ano pa bang pinangkakapitan ko at ang lakas ng loob kong sabihing maganda ako?

Wala naman. Naniniwala kasi ako na powerful ang mind natin. Kung anong iniisip mo, magre-reflect kaya iniisip kong maganda ako… Oh di ba? See for yourself (lol, harhar)…

Wag kayong mag-alala, hindi ko iniisip na sexy ako. Tanggap ko naman talagang hindi. :P

Ang lakas din ng self confidence ko. Hindi ko alam kung saan ko siya nakuha pero habang nandiyan pa siya, pagbigyan niyo na. Para kasing kabute ang self-confidence ko eh – susulpot, mawawala…

Mataba ako pero normal pa naman ang buhay ko. Minsan nga lang hindi mo maiiwasan yung mga taong wagas makapang-asar na parang salot ka sa mundo. May mga taong ang biro ay biro pero may mga taong ang biro ay pangungutya at konting sira sa pagkatao. Hindi ko masisisi yung mga umiiyak sa ganitong biro, hindi naman kasi kami manhid para lang kutyain ng kung sino man. Alam naming totoo yung mga sinasabi sa amin pero sana naisip nila, kahit balot ng taba puso namin, NASASAKTAN PA RIN.

Hindi ko kinahiya na mataba ako. Literal kasi akong napabayaan sa kusina dahil wala akong gaanong kapitbahay dito sa tirahan namin. Medyo may pagka-anti social pa naman ako dito kaya pag bored ako nung bata, kumakain na lang ako. Ayan… ang side effect, makikita ngayon.

Ang daming kakilala ang natutuwa at merong medyo kinahihiya ako pero ayos lang. Basta ako, ako. Minsan lang sila magkaroon ng ganito kaganda at katalinong friend… na totoo pa.

Itatakwil ba nila? (Echos!)

Tsaka sa mga kapwa ko matataba, don’t worry. Kung wala tayo, hindi mangingibabaw ang mga sexy.

Kung sexy din tayo tulad nila, aba hindi sila sisikat!

Pero I just want to remind you, hindi masamang mag-attempt magpapayat lalo na kung para sa HEALTH niyo.

This is the last time na magpa-promise akong magpapayat na ako, kasi gusto ko nangg gawin.

Ang alam ko kasing maikli lang ang buhay, at wala akong panahon para magpatalo sa mga potensyal na sakit. :)