English: A Student of the University of Britis...

English: A Student of the University of British Columbia studying for final exams. (Photo credit: Wikipedia)

“Sana pumasa ako.”

Pa-ulit-ulit yang bukambibig ng mga estudyante. Ako din naman eh, lalo na pag alam kong medyo tagilid lagay ko mula sa mga pasang-awang marka. May isang tao na nagsabi sa akin dati, tangalin mo raw dapat yung “sana” kasi kapag ganun nagbabakasakali ka lang. Dapat daw ang sinasabi mo “Papasa ako!”.

Natuwa ako sa sinabi niyang ‘yun dahil nagpapakita yun ng optism. Optism…Isang bagay na hindi dapat mawala sa isang estudyante. Naku kung wala ka niyan, katapusan mo na!

May isang bagay din na nakakatawa, yung mga taong humihiling na pumasa pero hindi naman nag-aaral o nag-eeffort. Bakit nakakatawa para sa akin?(no offense ha). Marami kasi akong nakikita na todo aral, todo effort, paturo dito, paturo sa kanya, tutor dito, basa dun na hirap na hirap parin pumasa. Bakit kaya mapaglaro ang buhay mag-aaral? Tapos meron namang pumapasa ng ala milagro. Petiks lang pero pumasa, hanep! Nakaka-inis ‘no? Lalo na pag nag-aral ka tapos hindi ka man lang umabot sa passing mark. Minsan parang gusto mong isipin at sabihin sa sarili mo “Ano ba?! Ano pang kulang?!”

Pero tip ko sayo pre. Kung aral ka ng aral at bagsak ka parin. Tumigil ka na(maniwala tanga.).

Siyempre hindi ka titigil, indication lang yun na may kulang pa. May kulang pa sa effort na binibigay mo. Evaluate yourself, san ba ako magaling? San ba ako mahina? Ano ba mga kaya ko? Ano mga limitasyon ko? Kapag nalaman mo na yang mga bagay na yan, gawin mong guide ng magiging study plan mo. Bakit kapa  magfofocus sa subject na magaling ka na? Siyempre mas pag-aaralan mo yung subject na mahina ka di ba? Pero hindi indication yun na kakalimutan mo na yung ibang subject. Keep the balance.

Kapag nag-aaral ka, always drink water. Sabi kasi ng isa kong kaklase, mas nagfo-flow daw yung oxygen sa utak at mabuti yun pag nag-aaral ka(pasensya na ha, di ko alam kung paano i-explain scientifically :P).

Yung isang nabasa ko, mas madali daw magmemorize kung blue ink yung gagamitin mo sa notes. Blue din ang gamit kong panghigh-light sa mga lecture ko (kasi favorite color ko siya, at mukhang effective naman sa akin). Sabi naman nung iba orange daw dapat(bahala na kayo sa kulay niyo).Pero ito alam kong tried and tested, dapat puno ng matitingkad at masisiglang kulay yung paligid mo kapag nag-aaral ka para hindi ka antukin(tulad ng orange, yellow etc). Bukod sa hindi ka na aantukin, mas na-aalert pa utak mo.

May iba naman na hindi makapag-aral kasi nahahati ang atensyon. Hindi ko alam kung bakit may mga taong nagpapasakop kay facebook at twitter samantalang mamatay-matay naman kapag nakakakita ng bagsak sa marka nila. Disiplina at kontrol lang naman ang katapat ng mga ‘yan eh. Hindi mo naman masasabing hindi ka mabubuhay ng hindi nagbubukas ng facebook mo di ba? Eh bakit si nanay at tatay? ‘Di pa naman uso facebook nun pero buhay na buhay parin sila ngayon. Magfacebook ka dude, pero bigyan mo ng oras pag-aaral mo mamaya. Mga 30 mins siguro okay na? Kung hindi mo kaya, sige bumira ka ng isang oras pero ‘wag mo lang kalimutan na mag-aaral ka mamaya. Kahit sa text. Ma-iintindihan naman ng katext mo na gusto mong mag-aral di ba?Kung magaling ka magkontrol, ‘wag ka na mag-online o magtext unless na napaka-importante. Aral-aral din.

Isa pa, alamin mo yung oras na nasa kondisyon utak mo. Ako kasi weird, matutulog ako ng ala-sais o alas-siete ng gabi tapos gigising ng alas-dose ng madaling araw. Mula alas-dose, dirediretso na aral ko hanggang sa maliligo, kakain ng almusal, magbibihis ng uniporme at papasok sa school.

Ang utak daw natin fresh kapag madaling araw. Subukan niyo yung gawain ko, guaranteed! Mas matatandaan mo yung mga aaralin mo. Yun nga lang, kalaban mo yung antok dahil tutuksuhin kang maigi ng kama mo pero kung determinado kang pumasa, bakit ka magpapadala sa tukso? Di ba?

Lastly dasal. Hindi ko sinabing dasalan mo lang ang exam mo. Humingi ka ng guidance kay God. Hindi masama humingi ng tulong muka sa Kanya. Kung karapat-dapat ka naman kasing tulungan, tutulungan ka Niya. Kung karapat-dapat kang pumasa, ipapasa ka Niya. Minsan sabihin mo sa Kanya, “God, nag-aral po ako. May karapatan akong pumasa.”

Si God na bahala sayo. Alam na Niya kung ano gagawin. Kaya kapwa ko mag-aaral, WAG KANG SUSUKO. Hindi solusyon ang pagsuko sa anumang pagsubok sa buhay, quiz man yan o exam. :)

Enhanced by Zemanta