Cheating girlfriend (Photo credit: blogspot)

Cheating girlfriend (Photo credit: blogspot)

Malandi! Cheater! Kabet! At kung anu-ano pang mga salita ang mga binubuhos sa’kin ng mga taong mapanghusga na akala mo ay walang ginagawang mali sa buhay. Porke ba kulang sa pagmamahal ay malandi na? Ako si Anika at ito ang kwento ko.

Bata pa lang ako ay hindi na nakaramdam ng pag-aaruga at pagmamahal mula sa mga magulang na nasa ibang bansa, kaya siguro ay kulang din sa pangaral. Meron akong bf at sa katunayan, may plano na ring magpakasal dahil siya ay nasa Canada at kasal lang ang paraan para kami ay magkasama.

Malandi daw ako sabi ng mga mapanghusgang hugas kamay sa kasalanan. Mahal ko ang bf ko at mahal din niya ako, pero parang may kulang. Dahil nga siguro malayo kami sa isa’t- isa. Sa madaling salita wala kaming intimate touch, walang sex..

Sa isang inuman kasama ang mga kaibigang matagal nang hindi nakasama nag-umpisa ang lahat. Lahat kami ay masayang nagkwekwentuhan tungkol sa aming hyskul life nang tumabi sa’kin si Ricky. Isang tropa na palagi naming kasama sa inuman, lakwatsa at sa kung ano pang pag-discover ng mga teenagers sa mga bagay-bagay. Mula pa noong hayskul ay may namumuo nang pagtitinginan sa amin, yun nga lang nagkaiba kami ng landas dahil kinuha na ako ng parents ko sa ibang bansa. Habang tumatagal ang aming tagayan ay siya rin pagdahan-dahan ng mga haplos ni Ricky sa aking likod at baywang. Hindi ko alam kung bakit biglang nag-iba ang atmosphere sa aming dalawa. Nalito ako at parang natakot din, takot na baka bumalik yung dating nararamdaman ko para kay Ricky.

Lumayo ako at nagpunta sa banyo para i-refresh ang sarili at para isipin kung totoo nga ba yung mga nangyari o baka epekto lang ng alak. “Gusto ko si Ricky nung hyskul pa pero hindi talaga pwede!”, yan ang itinatatak ko sa aking magulong isipan. Pagbukas ko ng pinto ng banyo ay nandun si Ricky at naghihintay. Pabugso siyang pumasok at sinabing mahal ako, mahal pa rin ako!

Hindi ako nakapagsalita sa narinig. Bigla siyang humalik, isang mainit na halik na matagal ko nang hindi nararanasan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko, hindi ako mkapag-isip ng tama, parang nagtatalo ang katawan at isipan ko. Gusto ng katawan ko ang mga halik at agresibong haplos ng mga kamay nito ngunit sinasabi ng isipan ko na mali. Hanggang nakarating ang mga malilikot niyang kamay sa mga pribadong bahagi ng aking katawan. Nanghina ang pagtatalo ng aking isipan. Sa madaling salita, hindi ko napaglabanan ang mapang-akit niyang modus operandi.

Hindi ko pwedeng sabihin na hindi ko nagustuhan ang nangyari dahil nasundan pa ang katangahan ko. Naging madalas ang pagkikita namin ni Ricky at sa katunayan ay inalok na niya ako ng kasal. Ang bigat pala ng pakiramdam ng may dalawang tao na umaasa sayo pero isa lang ang pwede mong piliin at kailangan mong saktan ang isa sa kanila. Tinanggap ko ang alok ni Ricky pero kailangan ko munang ayusin ang problema ko sa legal boyfriend ko. Ok lang daw sabi ni Ricky at maghihintay siya basta makasama lang daw ako. Hindi ako comfortable na may masasaktan akong tao pero mahal ko si Ricky at desidido na akong makasama siya ng pang habang-buhay.

Ewan ko ba kung sadyang malupit lang talaga ang mundo at napakabilis ng karma. Hindi ko pa man din naaayos ang problema sa legal bf ko ay meron na namang bagong problema. Ang sakit sobra. Akala ko ako lang ang nanloko, pero ako rin pala ay niloko. Ang sakit pala pag niloko ka ng mahal mo.

Nalaman ko na may nabuntis pala si Ricky at kinakasama niya ito!

Eto siguro ang karma ng malandi at cheater! Tama nga siguro ang sabi nila, hindi magiging maganda ang ending ng relasyon kung hindi maganda ang umpisa nito.