(Photo Credit: www.facebook.com/pages/Justice-for-Joon-Delos-Reyes/351785588230627)

(Photo Credit: www.facebook.com/pages/Justice-for-Joon-Delos-Reyes/351785588230627)

NOTE: “Pinahintulutan po akong isulat ito.”

Wala na bang salitang TAKOT sa mga ibang tao dito sa balat ng lupa ngayon? Wala na bang salitang KONSENSIYA na nananatili sa puso ng taong iyon? Ganito na ba kalupit ang mga tao ngayon?

Isang buhay na naman ang inutang ng hindi pa nakikilalang NILALANG. Buhay ng isang tao na nagsisimula pa lang ihakbang ang kanyang mga paa para maabot ang mga pinapangarap niya sa buhay. Buhay ng isang tao na magsisilbing inspirasyon sana sa mga mga kabataang naglalakbay sa hindi matuwid na daan. Buhay ng isang matalino at mabait na anak at kapatid. Buhay ng isang tao na ipinagmamalaki ng kanyang mga magulang, kamag-anak at maging ang kanyang Alma Mater.

Siya si Joon Delos Reyes o mas kilala sa palayaw niyang “Joon” o “Jun-Jun”. Nakatira siya sa Brgy. Labas, Sta. Rosa, Laguna. Si Joon ay isa sa mga nagtapos ng kursong BS Accountancy nito lamang nakaraang Abril sa Pamantasan ng Cabuyao, Laguna. Sa katunayan nagtapos siya bilang Cum Laude sa kanilang batch. Varsity player din siya ng volley ball sa PnC.

Halos limang taon din siyang naghirap para lang makapagtapos ng pag-aaral. At ngayon na nga na nakapagtapos na siya at mayroon na ding trabaho, saka naman nangyari sa kanya ang ganito. Labis sa kalungkutan at pagkakabigla ang kanyang mga magulang at kapatid sa agarang pagkawala niya sa sa piling nila. Maging ang mga katarabaho, dating kamag-aral, at dating guro niya, hanggang ngayon parang isang panaginip pa rin sa kanila ang nangyari.

Ika-4 ng Agosto, sabado ng gabi noong huling umalis ng bahay nila si Joon. Na ayon sa kanyang Ina, kakatapos lang niyang maglaba ng kanyang uniporme sa trabaho. Makikita mo talaga na mabait siyang anak. Siya mismo ang naglalaba ng kanyang mga damit. Umabot hanggang ika-6 ng Agosto (lunes), na hindi pa umuuwi sa kanila si Joon. Kaya naman bigla na lang nagtaka at kinabahan ang kanyang mga magulang. Dahil dito, minarapat na nilang ipinagbigay-alam sa pulisya ang pagkawala ng anak nila.

Doon nila nalaman na may natagpuan na bangkay ng isang lalaki sa Brgy. Kanluran, Sta. Rosa Laguna. Sa morgue na kinumpirma ng ng Ama ni Joon na ang bangkay na tinutukoy nila ay ang siya nga, ang anak nilang si Joon.

Isang residente ng nasabing barangay ang nakakita sa bangkay ni Joon at ipinagbigay-alam niya agad ito sa mga Pulis na agad namang rumisponde. Napag-alaman na isang malaking bato o matigas na bagay ang ipinukpok sa kanyang ulo na dahilan upang lumubog at nabutas ang kanyang bungo na sanhi ng agarang pagkamatay niya. Dahil walang makapagbigay alam at walang nakakakilala kay Joon, minabuti nilang ilagay ang kanyang bangkay sa Punerarya ng Sta. Rosa.

Hanggang sa ngayon ay nananatili pa ring isang malaking katanungan kung SINO, BAKIT, at PAANO namatay si Joon. Kaya nananawagan ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan na kung sino man ang nakakita sa mga taong huling nakasama ni Joon, lalong-lalo na sa mga taga Brgy. Kanluran at kalapit pa nitong Lugar, ipagbigay-alam sana ito sa mga kinauukulan. Umaasa sila na makamit ang hustisya ng pagkamatay niya. Kaya naman lahat sila ay pare-pareho ng isinisigaw.

“JUSTICE PREVAILS!”

Para sa mga gustong makiramay sa pamilya ni Joon. Nakaburol po ang kanyang labi sa kanilang bahay sa Brgy. Labas, Sta. Rosa (from Balibago sumakay po kayo ng jeep papuntang Sta. Rosa Bayan, bumaba po kayo pagkalagpas lang  kunti ng Olimpia Village at bago makarating ng St. Agatha Village. Tabing kalsada lang sia nakaburol kaya madali lang makita). Sa linggo na po, August 12, 2012, alas-dos ng hapon  ang libing niya.
• • • 

Ito ang mensahe ni Joon Delos Reyes noong nagtapos siya ng Kolehiyo,

“I never thought that at this age I was able to finish my college degree. It all started with a dream. And now that dream has turned into reality.

I would like to express my deepest gratitude to all my classmates and professors who have been a big part of this endeavor, most especially to our VPAA Dean, that even in my hopeless and desperate moment, they never quit to fight for me up to the end; to my family for their unconditional love and support; lastly, to GOD who has helped me to make all these things possible.

To all my fellow graduates, we all have a chance, do not quit, and let us give our heart and soul a chance to realize our dream.”

• • •
Bawat gawa mo, masama man o mabuti ay may nakatakdang katapat. Kung nagbigay ka ng isa, asahan mong balang araw, tatanggap ka ng dalawa o mas higit pa. Kung ang inutang mo ay isa, balang araw, pagbabayaran mo ito ng dalawa o mas higit pa.

Ang pagpatay ay malaking kasalanan sa batas ng tao at sa Panginoon. Wala mang nakakitang tao noong ginawa mo ito. Wala ka mang iniwang ebidensiya para malamang ikaw ang may gawa nito. Tandaan mo na mayroong ISANG MATA. Isang mata na nakatutok sa’yo noong mga oras na ginawa mo ang pagpatay kay Joon.

Hindi ka man mahuli para pagbayaran ang inutang mong buhay ni Joon. SA KANYA mo ito pagbabayaran. SIYA na ang bahalang sumingil kong ano man ang nararapat na kabayaran sa iyong inutang.

“Para po sa pamilya ni Joon, TAOS PUSO PO AKONG NAKIKIRAMAY PO SA INYO.”

Facebook Page na ginawa para kay Joon Delos Reyes: https://www.facebook.com/pages/Justice-for-Joon-Delos-Reyes/351785588230627