Flood (Photo credit: blogspot)

Flood (Photo credit: blogspot)

Hay nako, grabe talaga ang pinsala ng habagat. Take note mga kapatid, habagat pa lang yan. Dito dati sa amin hindi binabaha pero ngayon,  para nang ilog. Konting ulan lang, bakit nagkaganon, anong nangyari sa ating kapaligiran?

Ano nga naman ang nakapagtataka dun eh asan na ba ung mga puno dati sa gitna ng kalsada? Inalis kasi nga daw perwisyo lalo na kung may bagyo. Eh diba isa ito sa mga nakatutulong sa pagsipsip ng tubig. Wala na sila sa kalsada, wala nang naiwan kahit kaunting lupa para sumipsip sa tubig. Saan sila pupunta? Sa mga creek na puro basura plastic, papel. Kahit anong klase basura na mismo, tayo, tayong mga tao ang may gawa. Wala kasi tayong disiplina sa pagtatapon ng basura.

Ano ba naman yung itapon sana natin sa tamang tapunan ang plastic na dala natin. Halimbawa dito eh yong balat ng kendy, tama ba naman pagbukas natin eh ihulog na kung saan eh kung walang makitang basurahan sana ilagay na lang sa bulsa para hindi naman tayo makatulong sa pagbara ng mga kanal.

Isa pa ha ay iyong mga dating ilog, dating palayan. Ayon tinambakan at ginawang mga subdivision. Inagawan na talaga natin ng pwesto ang mga tubig kaya iyan, naki-share na lang sa bahay natin. Papasok daw muna sila pansamantala para ma-enjoy naman daw nila ang pagkatubig nila (hehhe joke lng ha).

Ang mga puno sa kabundukan, ayun konti na lang sila. Dati tanaw sa amin ang bundok ng Antipolo, ma-green pa siya dati. Ngayon ma-brown na. Paano pinutol na sila. Natayuan na ng mga bahay at yung iba naman mga kabundukang pinuputol ang mga puno at hindi naman napapalitan. Bakit ba tayo ganito, hindi natin inalagaan ang kalikasan. Ngayon nagtampo na tuloy sila, lumalaban na sila sa atin.

Mga kapatid, kailan tayo magsisimula? Kailan tayo kikilos upang maging responsable sa ating kapaligiran? Magsimula na tayo ngayon para naman may abutan pang mga puno at magandang kapaligiran ang ating mga future na anak. Gumising ka na. itigil mo na ang pagtapon ng basura kung saan-saan lang, maawa ka.