Love We Never Had (Photo Credit : Article.wn)

Alam n’yo ba? Minsan, napapaisip ako eh! Ang isang tao ba, minsang ipinapanganak na DENSE o TANGA lang talaga?! DENSE – kasi kahit kailan hindi nila maramdaman na mahal natin sila…at TANGA – kasi kahit ipinapakita na natin di pa rin nila nakikita.” Gulo no? Pero ang linaw. Huh? Ah ewan – eto na lang bigyan ko kayo ng sample:

May best friend ako si Jon-Jon, pasaway yun pero pagkaibigan ka niya at may umaapi sa yo, talagang maaasahan mo yon – ala “knight in shining armor ba?!” (na may konting tama sa utak! Hehe. Konti lang naman.) Bukod sa kanya may isa pang lalaking close sa buhay ko, si Nico – classmate ko siya mula 3rd year high school hanggang sa magtapos ako, as in araw-araw kasama ko yon. Si Jon-Jon kasi sa ibang school na nag-aral simula ng lumipat sila ng bahay. Pero from time to time, tumatambay kami kung kani-kaninong bahay ang available.

Nagsimula ang istorya kong sawi nang minsang magkalokohan sa bahay nila, sabi kasi ng mommy at daddy niya eh ‘di na raw ako bumabata, maghanap na daw ako ng magiging boyfriend ko. Kung sabagay mag-22 na’ko non kaya di ko sila masisisi. Kasi nga naman si Jon-Jon nakakailan na samantalang ako ni isa eh wala. Pero sa totoo lang may isa naman akong na-try, ‘di lang niya alam kasi bubusisiin non kung bakit ‘di nag-work out. Ayoko nga!! Malaman pa niyang siya ang dahilan. Yup!! Kaya nga wala kasi siya lang naman ang hinihintay ko eh. (Iniisip ko nga pala yan at that time, kasi binatukan ako ng mokong na yon eh!) Hoy! Alex…Alexandra!! “Aray! Anu ba, kailangan ba talaga may batok pa?!” “ Eh, pa’nong hindi, eh halos matunaw na’ko. – OO, alam ko na yon!” (Syempre nagulat ako!) “Alam mo na?” “Natural! Ever since naman alam kong nagagandahan ka sa katawan ko!” (Huh? Ang kapal eh halos kita na nga ang Bird Cage niya!). Pero nakahinga ako ng maluwag non: “Ah! Hindi no! Kapal nito, may iniisip lang ako.”

“Asus! Sino si Nico na naman? Alam niyo ‘My, ‘Dy, nagsisinungaling yan na wala pa eh, halos araw-araw niyang kasama si Nico eh! Alam mo, hindi naman kami magagalit eh, lalu na ‘ko na Bestfriend mo (sabay patong ng kamay niya sa balikat ko) anu kayo na ba? Kelan pa?!” Ewan ko ba pero all of a sudden binalik ko yung tanong sa kanya, “Bakit kung kami, selos ka?!” Nagulat siguro ang hunghang kasi napamaang siya sa sinabi ko. Tapos daig ko pa ang sinampal sa sinagot niya sa’kin. “Oy, Hija!! Nangangarap ka yata ng gising, kung iniisip mong nasasaktan ako dahil baka may feelings ako sa’yo eh magisip-isip ka ulit! OK?!”

Ouch!! Ang saklap! Ipinamukha na talaga sa ’kin ng hunghang na ‘di niya ko mahal. Pagkatapos tinanong niya ‘ko ulit. At since naubusan ako ng isasagot sa kanya dahil gulat pa ang buong pagkatao ko, tinawanan ko na lang siya.

After nun, medyo nabawasan na ang pagpunta-punta ko dun, ang sakit kasi eh. Na-heart broken yata ako. At sa tuwing tumatawag siya sa bahay o pumupunta para yakagin akong gumala eh lagi na ‘kong may “excuse”. “Jon, busy ako ngayon eh, inaasikaso ko kasi yung thesis ko.” O “ Alam mo na, nagre-review pati ako kasi – ganito, kasi ganyan.” Kaya yung isa, “Ah OK, sige pag wala ka na lang ginagawa puntahan mo na lang ako sa bahay, wala kasi ‘kong magawa eh.” Sa totoo lang kahit naman may ginagawa ako dati, tinitigil ko yon makasama lang siya, pero ngayon, kailangan ko na kasi itigil ang ilusyon ko eh. Bago pa masira ang pagkakaibigan namin.

Minsan nga mommy pa niya tumawag para papuntahin ako don – “Lex, punta ka naman dito, nami-miss ka na namin eh, di na namin naririnig ang tawa mo. Yung kaibigan mo kasi masyadong nagseseryoso. Kailangan na daw. “Nagtaka ko and at the same time natuwa kasi finally, naisipan na niyan magseryoso. At siyempre, kahiyaan na lang di ba? So I decided to come, at pagdating ko, wala na siya kasi may klase siya pag gabi eh. Buti na lang. Ginamit ko na rin yung time na yon kasi baka mawalan na ko ng oras na makapag-goodbye sa kanila. Pagkagraduate ko kasi magma-migrate na kami sa US. Nagstay pa ‘ko dun ‘til dinner kasi usually sa bahay na siya kumakain, yun nga lang nagtext sa mommy niya, traffic daw, so yon nagpaalam na ‘ko. I told his parents na kung di ‘ko man siya makita ‘til the time na umalis ako, mag-iiwan na alang ako ng note for him.

As I’ve said after I graduated, aalis na ‘ko, so hanggang sa makasakay ako ng airplane, di ko siya nakita o nakausap man lang. Pero si Nico, siya ang naghatid sa’kin, sweet nga kasi binigyan niya ko ng figurine ng two friends (boy & girl and a card, niloko ko pa nga siya kasi walang nakasulat, as usual tumawa lang siya.

Years passed, wala akong naging balita sa kanya at kahit sa family niya. Nang nag-graduate din kasi siya a year after since 5 years yung course niya, eh umalis siya sabi ng common friend namin ang sabi to find his luck daw somewhere. Nagkaroon lang ako ng balita when I invited Nico at my wedding, although in-invite ko din siya, pinadala ko sa relatives niya sa Manila hoping na alam nila. Nagulat kayo no?! Opo, finally after a long, long time nakapag-move-on na ‘ko and now here I am, ikakasal na. Rather ikinasal na. During reception Nico approached me, syempre he greeted me best wishes, after non he asked me if I could go with him sa bench don sa garden na pinagganapan ng reception. At doon, ikinuwento niya sa’kin yung moments na wala ako sa eksena.

“Minsan nung busyng-busy ka sa Thesis mo, nakita niya ‘ko sa library, and as usual nagre-review. (FYI po kasi Cum Laude po na school namin si Nico) nagpunta siya dun not to see you, but me. He asked me something.” Ang sabi niya, “Niks! Sigurado, kaya ka nagustuhan ng Bestfriend ko kasi napakaseryoso mo sa Buhay.” Tapos tinanong niya ‘ko, kayo na ba talaga?’ – tinawanan ko lang si Jon.

Napangiti ako sa kwento ni Nico kasi alam kong masakit sa kanya ang makausap ang taong lihim niyan naging karibal noon. Nagpatuloy siya na kwento.

“Tapos non, nakita ko naman si Jon-Jon the day before you left, sa mall. I was buying a good luck gift for you nang magkasalubong kami sa counter. He’s holding a figurine and a card, sabi niya sa’kin, “aalis na si Alex bukas ah. So anong balak niyo?” and as usual, tumawa lang ako.”

“Hay naku pare kung alam mo lang – sasabihin ko na sana kay Jon-Jon lahat, kaya lang tinapik na niya ko sa balikat at ipinatong na sa eskaparate yung hawak-hawak niya. Remember the gift? Tumawa lang ako noon kasi alam kong di ka maniniwala na siya pumili non at yung card. Ayoko rin namang lokohin ang sarili ko kasi alam mo rin naman na may feelings ako sa’yo, I gave it to you para na rin sa kanya. At yung huling makita ko siya, I was in Canada, as you know, I worked there for quite some time, syempre bukod sa Filipino siya eh kakilala ko pa kaya di ako naghesitate na lapitan siya. He’s trying to make a name there, wala pang family but he’s dating. And as usual tinanong ka niya sa’kin, and asked if we’re still – you know? Napansin siguro niya yung hawak ko so suspetsa niya ikakasal ka na!”

“Oh di ba nga?!”

“Pero ang akala niya sa’kin – so finally I decided to tell him the whole truth, sabi ko kay Jon-Jon – “Pare, how I wish it was me, I mean every time na tinatanong mo siya sa’kin di ba tumatawa lang ako? But it doesn’t mean na there’s something between us. Well, I admit, we tried once, pero it didn’t worked out. Alam mo kung bakit? Kasi all those times, there’s this one person na minahal niya and it’s not me. How I wished na ako na lang – kahit tinry namin mahirap – lalu na kung ang karibal ko pa sa pagmamahal eh yung mismong taong minahal niya mula pagkabata niya…it’s you pare.

At itong hawak ko ngayon ay wedding invitation niya. Sabi ko ka kasi sa kanya, dalawa ang ibigay sa akin, eto para sa’yo.
I hope na maging happy ka pa rin para pa kanya, she had moved on…of loving you, but as what she always tells me. You will always be her best friend.”

At ang sabi niya: “kung nakita ko lang sana.”

Sabi ko naman, “sa totoo lang pare, nakita mo. Naipadama pa nga niya sa’yo eh. Hindi mo lang tinaggap kasi kahit kelan, hindi mo binuksan ang puso mo sa pagmamahal sa’yo ng kaibigan mo.”
Tiningnan muna niya ako ng matagal bago siya biglang yumuko at pagkatapos ay may kinuha sa wallet niya na isang maliit na sulat — sabi niya, galing daw yun sa’yo. Pero ngayon pa lang daw niya yon babasahin, ayaw niya daw kasi magsisi kasi paalis ka na noon. Baka ganun daw kasi nakasaad sa sulat mo. At nang mabasa niya yung note mo, para siyang binagsakan ng langit at lupa, kasi hindi nga siya nagkamali. Nagsisi nga siya. Nagsisi siya, hindi lang dahil ngayon lang niya nabasa ang sulat mo kundi dahil ngayon wala ka na…nang magising siya sa katotohanang pag-aari mo din pala ang puso niya!”

“So to all the people, don’t be insensitive. Hindi kasi natin alam na baka ang taong dapat para sa atin ay napupunta sa iba dahil di man lang natin sila nakita kahit nung panahong kaharap natin sila!”