Bored guy (Photo credit: thisishowyoudoit)

Bored guy (Photo credit: thisishowyoudoit)

Malamang ‘yung iba. Pero ako, putsa, baliw na baliw na ko. Biruin mo naman ‘yan, ilang araw nang basa ang kalsada; ang mga puno’t halaman (naks); ang likod-bahay namin (na nagmumukha nang pond, isda na lang talaga kulang). Hindi naman sa ayaw ko ng umuulan, masaya nga eh kasi para kang naka-errrkon–malamig, pero kasi hindi na nakatutuwa na palagi na lang ganito. Pa’no na ‘tong sapatos ko na nabasa nung isang araw, amoy ulan na amoy swimming pool na amoy lupa na hindi mo maintindihan kaya kailangan maibilad. S’yempre kahit paano kailangan din ng sikat ng araw ng mga damit namin.

Isa pa eh, depresyon talaga ang nararamdaman ko kapag ganitong maulan. Iniisip ko rin minsan, kung nade-depress ba talaga ko o umaarte lang ako. Feeling ko may music video habang umuulan. Pero seryoso, may mga oras na bigla na lang akong nalulungkot o nakararamdam ng mga negatibong bagay lalo ‘pag ganitong maulan. Tapos nakaiinis kasi ang magagawa mo lang ay magkape. Hindi naman na ko pwedeng bumisyo (pwera lang nung Biyernes, pagbigyan). Naisipan ko ring magbasa ng mga libro, sa totoo lang lahat ng librong nandito sa kwarto sinubukan kong basahin: novels, libro ko sa PI 100, modules (charot), pati textbooks ng kapatid kong hayskul pinatulan ko na! Pero wala eh, ang boring talaga.

Naisipan ko rin namang kumain ng kumain kaso bukod sa sumasakit ang tyan ko eh sumasakit din pati wallet ko (oo, may pakiramdam siya). Nauubusan ako ng pera. Sinusubukan ko ring matulog pero wala eh, bukod sa magugulo ang mga kapatid ko, hirap talaga kong matulog pag hapon o tanghali. Kaya eto internet na lang, no choice pre. Minsan nagpapatugtog ako ng malakas dito sa kwarto o kaya dun sa labas kaso sabi nila ang ewan daw ng mga tugtog ko. Bukod kasi sa PNE, Eheads, at kung anu-ano pang banda eh puro “tugs tugs” din ang laman ng player ko. Kapag ganito ring umuulan, nagmumuni-muni ako, minsan sa banyo. Ka-boring-an to the highest super ultra mega level! Kulang na lang magsalita, tumawa’t umiyak ako mag-isa. Minsan din nilalaro ko ‘tong mga laro sa tablet, nakikiuso.

Ngayon ko lang naisipan na okay ‘din pala gumawa ng note rito. Para medyo may magawa naman ako. Kaso korni akong tao eh. Haha. Bahala na, ‘di ako marunong gumawa ng pang-ending. Babay.