Calapan Flood 2005 (Photo credit: flickr)

Calapan Flood 2005 (Photo credit: flickr)

Malakas nanaman ang ulan, alam na bukas! *evil grin*

Hihingi na naman ng suspension ang mga estudyante. Kahit ako, humihingi ng susupension pero kung ang kapalit nito ay naghihirap kong mga kababayan, WAG NA LANG.

Hindi ko alam kung bakit may mga walang pusong estudyante na humihiling na lumakas pa lalo ang ulan. Siguro kasi nasa mataas ang lugar nila at hindi dinadatnan ng baha. Siguro kasi hindi agad sila nawawalan ng kuryente sa lugar nila.

Malakas ang ulan kagabi at nakatatakot. Grabe kasi yung kidlat. May napakalaking flash galing sa langit kasabay ang tunog ng nagbabagsakang malalaking patak ng ulan. Kahit inaantok na ako, gising na gising diwa ko (aaminin ko, natatakot akong mawalan ng kuryente). Pinagdasal ko na sana walang pasok. Napakahirap kaya mag-commute ng umuulan ng malakas… at baha. Buti na lang at walang pasok. Sobrang thankful ko kay God dahil hindi na namin kailangang makipagsapalaran sa malakas na ulan papuntang school.

Sa mga taong humihiling na lumakas ang ulan, uso manuod ng news. Tingnan niyo ang pasakit ng mga kababayan natin. Akala niyo ba madaling mapasukan ng baha ang mga kabahayan niyo? What more kung pataas ng pataas ang baha?

Wala na ba kayong awa sa mga taong nababasang maigi ng ulan, nilalamig at natataranta? Habang nanunuod ako ng news, gustong-gusto ko magbingi-bingihan. Ang hirap dahil napakabigat sa puso makita yung lagay ng iba nating kababayan samantalang ako, eto safe.

Madaming estudyante ang nagdadasal “Lord, sana po walang pasok bukas.”

Yung dasal nila hanggang dun na lang dahil selfish sila. Gusto nila walang pasok para sa mga sarili nila. Buti may mga kilala pa akong taong sensitive pa sa paligid nila… They pray for everyone to be safe despite of the heavy rain.

Kapag malakas ang ulan, bumubulong ako kay God na sana ingatan Niya ang mga kaibigan, kapamilya at kamag-anak ko. Bilib naman ako dahil nakakapag gm (group message) pa sila. Kahit problemado na, naririnig mo ang pagiging optimisitic nila kahit sa text lang (Pinoy nga naman!). I have a reason to thank God and ask Him again to keep them safe. I wish He’ll keep everyone safe.

I kept asking God na sana pigilan na Niya ang ulan. Malakas na naman at rinig na rinig ko… Indication lang ito na malapit na, malapit nang mawalan ng kuryente kung sasabay ang malakas na hangin (sana wag muna at ma-post ko muna ito).

Sa mga tulad ko na maayos pa ang lagay ngayon, let us thank God and continue to pray for everyone. Pakikinggan tayo ni God, sure ako ‘dun dahil mahal Niya tayo.

BE SAFE, EVERYONE!