LOVE (Photo credit: Fabionxe.blogspot)

Ewan ko ba nagkaroon ako ng guts na magsulat kahit di naman talaga ako born  writer o kahit ang pagsusulat eh di ko naman talga talent. Basta na lang pumasok sa isip ko habang umiiyak ako at punong-puno ng halo-halong emosyon. Natagpuan ko ang sarili ko na nagtAtype habang sumisinghot-singhot.

Istorya namin ni Panget. Isang ordinaryong istorya,  ordinaryong tao ang mga bida pero hindi biro ang mga magiging kontrabida kasi parte ng buhay niya, sila. (Napansin mo may pagkacommon nga.)

Nagkakilala kami ni Panget nANg makitira ako sa pinsan ko. Teammate siya ni Kuya sa basketball at madalas kaming magkita. Avid fan kasi ako ng sports na ‘yun. Hindi ko siya feel nANg mga panahon na Yun kasi bukod sa mas bata siya sa ‘kin ng 4 years ay may TWO- year boyfriend ako that time.  Nahahalata ko rin na minamatch-make kami ng buong team nila.

Then one night habang naghuhugas ako ng plates kasi kakatapos lang naming magdinner at sina Kuya ay nagstart nang mag inuman sa labas, bigla niya ko tinawag, labas daw ako saglit may bisita daw ako. Kunot noo akong lumabas kasi naisip ko, wala akong kakilala sa place nila at sila lang naman ang kamag- anak ko dun, then to my surprise nandoon si Panget.

My cousin formally introduceD him to me and requested to shake hands, but I refuseD.  instead I just gAve him my beautiful smile and said “wag na, basa ang kamay ko, naghuhugas ako ng pinggan, kahiya naman”. Naghiyawan ang mga mIron nANg marinig ang comment ko, nakangiti lang din siya. Then, my cousin askED his full name and he answerED back. Pumasok na ko sa loob nun at itinuloy ang ginagawa ko, sinundan pala ako ni kuya, sabi niya “Neng, _____ ang tunay niya pangalan, add mo na lang sa FB”.

Medyo kinikilig ako nun kasi parang nANg dahil sa mga tuksuhan na ganun ay puwede palang madevelop ang feelings mo para sa isang tao. Then on the same night before I went to sleep, sumaglit ako sa tindahan at nagpaload para broadband ko. Nag-online ako kaagad ang sinearch ko ang name niya sa FB at hindi naman ako nahirapan, after na maiadd ko siya (buti na lang, di siya naka private profile) nag message ako sa kanya.

Hi, pasensiya kana kanina kung hindi ako nakipagkamay sa iyo, nahihiya kasi ako basa kasi ung kamay ko.  “

Naghintay ako ng ilang minuto kung iaadd niya ako kaagad kaso dinalaw na ako ng antok ay wala pa din nofitication na naadd na niya ko as a friend. So natulog na akong bigo. Kinabukasan pagkagaling sa work, binuksan ko ang laptop ko para naman masulit ko ung unli ko nung nagdaang gabi. Nang magbukas ang FB ko may message ako, and then, may reply siya.

“Hi din po. Ok lang po hiya din po ako. Ganda mo po kasi”.

Then after adding him on FB, exchanging cell phone numbers and getting to know each other, our friendship has started. Siya ung nandiyan if I need a shoulder to cry on, nung magbreak kami ng 2-year boyfriend ko kasi nakabuntis. Siya ung nandiyan through my ups and downs. Until that very sweet day, April 25,2011, naging kami. Yes! Ito na ata un. Masaya kami at ang aming first date, into a movie house. A little trivia, siya ung first guy na hindi blood related sa akin , na nakasama ko sa movie house.

Ngayon we are almost a year and a half, madami dami na din kaming mga napagdaan, tampuhan, petty fights, asaran, harutan. Sa mga pinagdaan namin ito palang ang matindi at yumanig sa akin, sa amin.

“Pot, (un ang tawag niya sa akin), pinapapili ako ng family ko, it’s you or them. Naguguluhan na ako.”

After kong mareceive text niya, I was still in shock, naramdamn ko na lang na nag-uunahang tumutulo ang luha ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko, una ayoko na pumili siya, pero kung hindi siya pipili paano na lang ang pag- aaral niya, ayokong maging hadlang sa buhay na meron dapat siya kung ako naman ang pipiliin niya.  May kaya sila, mama at ate niya, nasa Europa.

“Panget, igagalang ko kung ano man desisyon mo. Pero handa akong maghintay para sa iyo. Natatakot ako.”

Iyon na lamang ang naireply ko. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya. Hindi ko masabi na ako ang piliin mo at huwag sila. Pamilya pa rin niya un, para bang it’s me against everybody.

“Wag kang matakot, mag-usap tayo after ng class ko.”

Iyon ung huli niyang reply sa akin. Itinuloy ko ang ang naudlot kong gawain. Mag-uusap kami mamaya. Kailangan handa ako kung ano man kakalabasan ng lahat, bahala na.

To be continued……