(Photo credit : Limpek)

Isang gabing galing ako sa Iskul, isang nakatatakot na balita ang dala ko kay Lola… Mahilig si Lola sa mga ganitong balita, mga bagong pangyayari sa aming bayan o barangay kaya kinuwento ko ito nang detalyado:

Ako  : “Lola, yung isang skulmeyt ko, muntikan nang ma reyp! Pauwi siya galing sa iskul, mga alas-singko ng hapon – maliwanag pa! Habang naglalakad siya, nakita na daw niya yung lalaking naglalakad sa likod niya, pero hindi niya pinansin dahil maayos naman daw ang hitsura nito. Mahaba-haba pa din ang nalakad niya dun sa Kalye Uno malapit sa Junction, di ba wala masyadbgo nadaan dun? Dun! Dun siya muntikang ma-reyp! Bigla na lang daw siya inakbayan, tinutukan siya ng kutsilyo sa tagiliran.

Akala niya hoholdapin lang siya kaya nakipag-usap pa daw siya dito na estudyante pa lang siya, na wala daw siyang dalang pera, na mahirap lang siya, na working scholar pa siya, at madami pang bagay ang sinabi niya para paalam sa holdaper na hindi siya ang tamang biktima.

Sabi lang daw nung holdaper sa kanya, ‘Wag kang maingay, sumunod ka lang sa kin.’ Dinala daw siya dun sa talahiban, dun sa likod nung brown building kung saan nagtatrabaho si Ate. Dun daw siya hiniga, naamoy pa nga daw niya yung lalaki – mabango pa nga daw. Ang mga kriminal talag, ‘La no, hindi mo masasabi sa itsura?! Tapos bigla daw siya sinikmuraan, paulit-ulit! Gusto daw siya mawalan ng malay! Sobrang sakit daw, pero hindi daw talaga siya mawalan ng ulirat.

Ramdam na ramdam niya yung bawat suntok nung reypist. Hindi daw siya makasigaw sa takot at sakit. Tumigil daw yung lalaki nang may matunugan na may parating na KOTSE. Natakot at nataranta yung reypist, kinuha daw yung bag niya sabay tumakbo daw papalayo – nawala na lang bigla dun sa damuhan. Hindi daw niya alam kung anong gagawin… Naalala lang daw niya yung sarili niya na tumatakbo pauwi, umiiyak habang hawak yung isang pares ng sapatos nia at yung birth certificate niya na nalalag dun sa hinablot na bag.

Pinahanap nga daw sa mga barangay tanod, hindi ko lang alam kung nahuli na… Pinakita pa nga daw nung babae yung tiyan niya sa mga klasmeyts namin: Pulang-pula daw, gawa nga nung sinuntok, di ba…” (Sabay tingin kay Lola na titig na titig sa akin dahil sa kuwento kong mala-Imbestigador.)

Lola ko: …KANINO YUNG KOTSE???

Mga limang segundo kaming nagkatitigan ni Lola pagkatapos niyang bitawan ang linyang yun…

Basag.  : ((