Bakit hindi Ilabas ang Nararamdaman?
Bakit hindi ilabas ang nararamdaman kung sobra na ang sakit? Bakit hindi isigaw kung iyon ang makagagaan ng saloobin? Pwede mo ring ikuwento sa kaibigan or kakilala ang sakit para maging ito’y magaan sa pakiramdam. Puwede ring umiyak ka hangga’t kaya mo. Ang mahalaga ay napagagaan ang sakit. Bakit ko ba nasabi ito? Siguro ang iba sa inyo ay nagtatanong at ano naman ang alam mo tungkol sa mga bagay na ito?
Ito lang po ang masasabi ko. Dumaan po ako sa ganyang kalagayan at pinili kong ako ang masasaktan at huwag lang ako makasakit sa kapwa ko. Pinili kong manahimik at kahit hirap na dahil sabi nila masakit daw akong magsalita. Iniisip ko, sinasabi ko lang naman kung ano ang nararamdaman ko at ang paniniwala kong ‘yon ang tototoo. Sabi ng iba, masakit naman talagang marinig ang katotohanan. Kaya inisip ko, ok lang na sila ang magsalita ng masasakit sa akin kaysa ako. Naisip ko, ok lang kaya ‘yon? Alam ba nila na nasasaktan na ako? Alam ba nila na halos durog na ang puso ko? Ang nakalimutan ko, bawat tao pala ay iba’t iba ang pananaw at wala silang crystal ball para basahin ang iniisip ko at para maramdaman nila ang naramdaman ko. Ang hirap ng kalagayan ko noon. Dahil hindi ko alam kung paano harapin ang problema. Pinili kong layuan ang mga taong sa paniniwala ko ay sinaktan ako. Sabi nila madali daw akong magsawa. Ang hindi nila alam, sa bawat sakit na nararamdaman ko kinikim ko ito at sa bawat oras na pakiramdam ko, di ko na kaya ang sakit at umalis na ako.
Siguro dahil sa kamusmusan ko, napakasensitibo kong tao. Mabait ako sa mabait sabi nila pero huwag lang daw akong kalabanin. Di ko alam pero ‘yon ang sabi ng mga kaibigan ko. Kapag may kakilala ako, madali akong mapalapit sa taong ‘yon pero kapag nakagawa ng hindi maganda sa paniniwala ko ang taong ‘yon, magtatayo na ako ng wall pagitan sa aming dalawa. Hindi na ako masyadong malapit sa kanya at di magtagal umiiwas na ako. Kaya siguro sabi ng iba, madali akong magsawa. Sabi naman ng iba, “paano kung mag-aasawa ka n,a baka pati asawa mo pagsawaan mo?” Iniisip k,o iba naman ang sitwasyon na ‘yan. S’yempre kapag nagpakasal ka na, hindi naman pwedeng pag ayaw mo, pwede mo nang itapon at ipamigay.
Kaya sa ngayon, natuto na akong sabihin sa taong nakasamaan ko ng loob kung ano ang naramdaman ko para ito’y hindi na lumaki at baka dahil sa bigat ng maramdaman ko ay makapagsalita ako ng masasakit na dahilan ng gap. Hindi p rin madali ang magsabi sa taong nakasakit ng damdamin ko minsan kaya ito’y on the process pa rin At sana kahit papaano ay napagkunan niyo ng aral ang kuwento ko.
Peace!
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.
You may also like these articles:
NBA's 1st Filipino-American : Miami Heat's head coach Erik Spoelstra
Spirit Questors continue quest for peace, love and healing
Breathe In, Breathe Out
Na-missed call 'nyo lang kami...
Shall We Press The Play Button?
When Love is Right
When Love is our Home...
Brainless TV








Recent Comments