Anne Cruzada (Photo credit: everythinginbudget.blogspot.com)

Anne Cruzada (Photo credit: everythinginbudget.blogspot.com)

(Note:  This was published to remind our kababayans who “got lucky” elsewhere outside of the Philippines .… to be more cautious and self-respecting of where you came from.  While there is freedom of speech and press; and likewise, of  self-expression, be reminded that any foul and derogatory remarks or actions you make will all go back to you.  THAT is the Law of karma!)

Habang nagbobrowse ako sa Facebook at binabasa ang mga bagong updates ng mga friends ko, lalong-lalo na sa mga nasa Pinas tungkol sa nagaganap na pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit pang lugar nito, naagaw ng pansin ko ang facebook status/update ng isa sa mga facebook friends ko.

“Anne Cruzada, idol kita! Hinihintay ka na ng bff mong si Lucifer, sama ka na sa kanya dali.”

At dahil na-curious ako, nisearch ko ang Anne Crusada na iyan sa Google. At lumabas nga ang isang image ng TWEETs niya. At heto ang mga sinabi niya.

Anne Cruzada:  “Pa CRUSH CRUSH pa ng bayan wala namang maganda dyan sa Pilipinas!! FUCK you!”

Anne Cruzada:  “Kaya nga SLOT kasi mga BOBO ang mga Pilipino! BOBO hindi magets kulang pa sa logic!”

Anne Cruzada: “Rain rain come and come again J”

Anne Cruzada: “Mga Pootah!! Mga Pilipino nga naman!! Ang babaduy!”

Anne Cruzada:  “Yehey ang lakas ng ULAN!! Sana lumubog na ang Pilipinas !! =)”

Wala naman maganda sa Pilipinas sabi niya, pero nagsasalita naman ng Filipino? Tsk! Marunong magtagalog yan kaya siguradong lumaki yan sa Pilipinas. Wala na ba talagang ibang maisip na paraan itong tao na ito para mapansin siya? Teka, tao nga ba siya?

Sabi niya BOBO daw ang mga Pilipino. Siya kaya ano siya? Nandamay pa, hindi na lang niya sinabi na “BOBO AKO!!” Kung makapagsalita akala mo kung sino na. Ang utak niya nasa kanyang talampakan yata. O baka naman wala siyang utak? Hindi kaya sinapian ito ng demonyo? Layuan nyo ito, baka masapian din kayo. Nakakainis, nakakagigil!

Hindi ko lubos maisip kung bakit may mga ganitong klase ng nilalang. Tuwang-tuwa habang nakikitang nahihirapan ang mga kapwa niya. Ganitong-ganito ang ugali ng demonyo. Kaya isa lang ang tawag sa kanya, demonyo din!

Ang mga tulad niya dapat ang unang naaanod at nalulunod sa baha! Masyadong papansin. EPAL kung tawagin! Hoy Anne Cruzada, ‘di ba eto ang gusto mo? Ang sumikat at pag-usapan ka ng tao? Heto na, PINAPASIKAT NA KITA!!!

—–