Philippine Jeepney (Phote Credit: Thoughtsandtheact.blogspot)

Hindi ka Pilipino kung hindi ka pa nakasasakay sa Hari ng Kalsada, ito ang Jeepney. Masasabing kahit saan ka lumingon ay may jeep, kaya nga ito tinaguriang hari ng kalsada sa Pilipinas. Pero meron pang ibang klaseng transportasyon nadyan. ang tricyle, bus, taxi, FX, LRT at MRT, PNR, meron din namang sadyang inimbento ng mga Pilipino, nariyan and KULIGLIG na motorsiklo na kinabitan ng sidecar para magmuka itong tricycle, makikita ito sa maynila. isa pang kakatwang imbento ay ang mga PEDICAB, madaming mga pedicab sa CAMANAVA kung saan ito ang kanilang transportasyon tuwing sila ay binabaha, para itong tricycle pero hindi ito pinaandar ng gasolina o ng kahit ano pa mang langis, pinatatakbo ito sa pamamagitan ng pagpapadyak sa mga pedal nito upang ito ay tumakbo.

Bilang estudyante nasakyan ko na lahat ng uri ng mga sasakyan. Nariyang pupunta ka sa mga lugay na pinapupuntahan sa iyong iyong mga guro. At marami na din akong karanasan, may nakakatuwa, nakakatakot at kung ano ano pa, sa pagsakay sa mga sasakyang iyan. nariyang pasasakayin ka sa jeep kahit hindi ka na kasya, meron din namang halos mahulog ka na sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ng mga tricycle, nariyang hindi ka na makahinga sa sobrang sikip sa mga tren katulad ng MRT.

Nariyang mahoholdap ka ng nasakyang mong taxi (pero hindi ko pa naman nararanasan). Minsan naman ayaw magpasakay ng mga pedicab drivers dahil isa ka lang na sasakay. Madami tayong mararanasan sa paglalakbay sa mga ganitong klaseng sasakyan.  Maraming tayong matututunang mga bagay sa pagsakay natin sa mga pampublikong mga sasakyan na ito. Minsang may makikilala kang kaibigan, minsan din nama’y may makakaaway ka. Kaya sakay na sa sasakyan ng mga Pilipino.

Dito puwede nating pagkuwentuhan ang lahat ng mga karanasan sa pagsakay natin.

Mga karanasan sa mga Pampublikong sasakyan sa mga susunod kong Post!

Salamat!

Enhanced by Zemanta