“Isa kang Batang Nineties kung alam mong ang ‘Mayonaise’

ay isang kanta mula sa The Smashing Pumpkins.”

Dali-daling tumawag sa akin si esmi noong may nabasa siyang FB post tungkol sa isang malufet na konsiyertong magaganap ngayong Agosto.

Nang sabihin ng Labs ko ang mainit-init na balita ay tumayo ang aking balahibo. Kasing-tindi ng aking nararamdaman sa tuwing ako ay natatae at nangangambang hindi na aabot sa kubeta. ‘Yung pagkakataong nakita mo na ang inidoro kaso sa sobrang excitement ay hindi umabot ang pururot. Agad kong tinanong with matching crossed fingers kung kailan ang gig dahil baka nandito pa ako sa lupain ng mga singkit. Nagsawa na akong ma-disappoint, matunaw sa inggit, at manghinayang sa tuwing may mga foreign acts na dumadalaw sa Pinas habang ako ay nandito sa China.

OCEANIA TOUR. August 7, 2012. Araneta Coliseum.

Paksyet na malagket. ‘Di tulad ng sa The Cranberries at Stone Temple Pilots, nasa Pinas na ako sa petsang nabanggit!

Ayoko munang maniwala dahil baka isa lang itong patawa tulad ng Trespassing: 3-in-1 Reunion Concert featuring The Eraserheads, Rivermaya, at Yano. Pag-uwi ko ng bahay ay hinalukay ko kaagad ang kaharian ni pareng Mark Zuckerberg. Natuwa naman ako ng isa’t kalahati nang mahanap ko ang isang official “Live in Manila” FB Page. Pero dahil isang segurista ay hindi pa rin ako naniwala. Kaya ko rin namang gumawa ng sariling pahina sa internet.

Pinindot ko ang teklada ng aking laptop papunta sa website ng grupong hinahangaan ko. WALA ANG PILIPINAS SA TOUR DATES.

Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa sa mga nasa likod ng tugtugang magaganap.

Noong isang araw ay talagang napasigaw ako ng isang milyong napakalakas na “Yes!!” nang mabasa ko sa Tour Blog ng THE SMASHING PUMPKINS na dadaan sila sa Lupang Hinirang. Totohanan na ito, mga Ka-Dekads!

Una kong narinig at napanood ang grupo nila Billy Corgan (vocals / lead guitar), James Iha (rhythm guitar), D’arcy (bass guitar), at Jimmy Chamberlin (drums) sa “Alternative Nation” ng MTV. Masyado akong nalibugan sa mga kabataang naglalaplapan naastigan sa video ng “Today” dahil kakaiba ang tunog na narinig ko mula sa kanila sa gitna ng kasikatan ng Grunge. Pumunta ako kaagad sa SM Cubao para bumili ng ng kopya ng 1993 album na “Siamese Dreams”. Tuwing umaga ay ito ang kantang pinanggigising ko sa mga surot sa aming salas. Hindi ko masyadong napansin ang ibang mga kanta sa record na ito hanggang sa mapanood ko ang Pinoy amateur band na “Free Toasted Rotten Slippers” sa RJTV’s Junior Jam sa Robinson’s Galleria. Apat na kanta mula sa SP ang kanilang tinugtog noon at talaga namang nagising ang kaluluwa ko sa kanilang all-out performance. Simula noon ay itinaga ko sa bato na ang itatayo kong banda ay tutugtog din ng Pumpkins. Nabuo ang grupo namin nila Joe, utol Pot, pinsang Badds, at bespren Geline at tinawag namin itong Nexus One hanggang sa mas makilala sa pangalang Demo From Mars. Kasama sa listahan ng tinutugtog namin ang mga klasik na kantang “Cherub Rock”, “Quiet”, “Mayonaise”, “Disarm”, at “Rocket”. Noong gf ko palang si misis ay inalayan ko siya ng kantang “Luna” na nagbigay sa akin ng 10k pogi points. Wala kang itatapong kanta sa pangalawang allbum na ito ng SP mula Side A hanggang Side B. Sa katunayan ito ang isa sa mga pinakamalufet na album ng Dekada NoBenta. Rank 360 ito sa November 2003 issue ng Rolling Stones’ “The 500 Greatest Albums of All Time”…

CLICK HERE TO CONTINUE READING “THE WORLD IS A VAMPIRE”

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 34-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.