Just thinking about you (Photo credit: blogspot)

Just thinking about you (Photo credit: blogspot)

Kung totoo yung kasabihang pag iniisip tayo ng isang tao, naiisip natin. Sana nga. Kasi madalas siya sa isip ko at di maalis. Sana iniisip niya din ako.

Sana ang pananahimik niya di ibig sabihing ayaw niya na sakin. Sana wala lang siyang load.

Sana pag may nadaanan siyang tindahan na pareho ko ang pangalan, maalala niya ako.

Sana ma-realize niyang mas magiging maligaya siya sakin di dahil sa mahal niya ako ngunit dahil sa mahal na mahal ko siya. Na sana maramdaman niya yun at maikumpara niya kung paano ako mag-alaga. Nakaka-miss din kaya ako? Kasi nami-miss ko siya.

Sana bawat pagsuot niya sa niregalo ko, maisip niyang kasama niya ako. Kasi pag gusto ko maramdaman na kasama ko siya, sinusuot ko ang t-shirt niya at pag lalabas ay yung jacket niya.

Pag nalaman niya kaya ang aking pag-asenso, matutuwa kaya sya? Kasi ako ay natutuwa sa bawat milestone sa buhay niya. Gaya ng paggawa ko sa kanya bilang inspirasyon.

Sana lang kahit di ako kagandahan, makita niya naman ang ugali ko. Na mabait ako, malambing at kaya kahit ano. Hay naku, sobra na nga ang pagbenta ko sa sarili ko, di niya talaga mabili dahil pag andyan na ako nakapikit na lang siya palagi.

Pag nakita n’ya kaya ang kabilugan na buwan, mararamdaman niya kaya na we are under the same skies at wish niya din kaya na nakatingin ako sa buwan?

Pag nakikipagharutan kaya siya sa iba, sumasagi kaya ako sa utak niya na sana ako na lang, gaya ng sakin na sana sya na lang?

Totoo kaya na ang pagkatok sa unan ng tatlong beses at pagtawag sa pangalan ng minamahal tayo ay kanilang mapapanaginipan? Sana lang… kasi gusto ko maalala niya ako lagi at di paminsan-minsan lang.

Sana lang pag nag sabi ako ng I love you, kahit di siya magsalita, sa puso niya love niya din ako… At iisipin ko na sadyang matigas ka lang at ayaw mong aminin na mahal mo din ako.

At ang panghuli, kung sakali na iwan siya ng lahat at mag-isa na lang siya… maalala niya sana ang sabi ko na, iwan man siya ng lahat, di ko siya iiwan… kahit kailan man.

Wala lang. Naisip ko lang.