Lovers kissing (Photo credit: zoonar.com)

Lovers kissing (Photo credit: zoonar.com

Heto na nga ang gabing pinakahihintay ko. Mapakikinggan ko na naman ang napakalamig at napakalamyos na boses ng lalaking nagpapatibok ng puso ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag in love ka na. Kakaibang saya. Kakaibang ngiti ang makikita sa ’yong mukha. Hindi makakain, hindi din makatulog. Naiinip, nasasabik, hindi halos makapaghintay.

Kaya naman alas-tres pa lang ng hapon, inaayos ko na ang sarili ko. Kung anong damit ba ang isusuot ko. Ilang ulit kong tinitignan sa salamin kung ano ba ang babagay na damit sa’kin para sa gabing ito. Habang inaayos ko ang sarili ko, biglang tumunog ang cellphone ko. May nareceived akong text message mula kay Iceburn. Tinatanong niya kung ano ang favorite color ko. Nagreply naman ako at sinabi kong “pink.”

Eksaktong alas-onse ng gabi noong dumating ako sa nightclub. Madaming tao na ang naroroon. Halos kakaupo ko pa lang, nagpunta na sa stage ang banda nila Iceburn. Nagulat ako kasi, naka-pink silang lahat. Ito siguro ang dahilan kung bakit tinanong ni Iceburn kanina ang favorite color ko. Nakakatuwa naman, pakiramdam ko talaga napakaespesyal ko sa kanya.

Pero… teka, bakit wala siya sa grupo? Bakit iba naman yung kasama nila? Bakit iba naman na ang bokalista? Bigla akong nalungkot. Bigla akong napaisip. Nasaan kaya siya?

Nagsimula nang tumugtog ang banda. At ang unang kinanta nila ay “Jenny” ng The Click Five. Pagkatapos nun, ang sunod na kinanta nila ay “Huwag Na Lang Kaya” ng Truefaith. Parang ayaw kong pakinggan ang kanta na ito. Parang iba kasi ang dating niya sa’kin. Natapos nila iyon nang hindi ko namamalayan.

“Ang susunod na kakantahin namin ay bagong composed ng bokalista naming si Iceburn. Naisulat niya ang kanta na ito dahil sa isang babae na nakilala niya sa nightclub din na ito. Para ito kay Jenny. Kung naririto ka man, para sa’yo ito.”

Nabigla naman ako noong magsimula na ang kanta. Dahil yung kumakanta ay wala naman sa stage. Nasa likuran ko, si Iceburn. Sa boses  pa lang niya alam ko na. Lumapit siya sa harapan ko habang kinakanta niya ang bagong composed niyang kanta para sa’kin. May hawak-hawak siyang tatlong rosas. Isang kulay red, isang kulay pink, at isang kulay yellow. Inabot niya sa’kin.

Feeling ko, ako na yata ang pinakamasaya at pinakamasuwerteng babae sa buong mundo noong mga sandaling kinakanta niya yun sa harapan ko. Nakangiti lang ako sa kanya na halata namang kinikilig at sobrang saya ko. Ang ganda ng ibig sabihin ng kanta niya para sa’kin. Noong matapos na niya yung kanta, hinalikan niya ako sa pisngi, sabay bulong na babalikan niya ako. Kakanta pa daw siya ng isa.

Umakyat siya sa stage at kumanta ulit siya. Ang kinanta niya ay “Tonight” ng Westlife. Ang galing-galing niya talaga. Hinding-hindi ako magsasawa na pakinggan ang boses niya. Noong natapos na niya yung kanta, ibinigay na niya yung mikropono sa bagong bokalista nila. Saka niya ako binalikan at umupo siya sa tabi ko.

Kaya pala may bagong bokalista sila, hindi para palitan siya. Pinakiusapan lang daw pala nila yun. Para daw may pagkakataon siyang makasama at makausap ako ng matagal. Grabe, ang sweet-sweet niya talaga. Habang nag-uusap kami, hinawakan ng dalawang kamay niya yung kamay ko na hawak-hawak yung tatlong rosas na ibinigay niya. At tinanong niya ako.

Iceburn: “Ang gaganda ng mga rosas, no? Ang gaganda ng kulay. Alin sa tatlong kulay ng rosas na ito ang pipiin mo?” (Sabay ngiti.)

Jenny: “Siyempre, itong rose na kulay red. Kasi ang ibig sabihin nito ay ‘Love.’ Ikaw, ano namang kulay ang pipiliin mo? At bakit?

Iceburn: “Kung ako ang pipili ng kulay, IKAW ang pipiliin ko. Kasi para sa’kin, mas matingkad ang kulay mo.”

Kapag si iceburn na talaga ang bumanat, hindi na ako nakakapagsalita. Ang lalalim ng mga sinasabi niya na nakakakilig naman talaga. Wala akong ibang magawa kundi ang ngitiin lang siya ng napakatamis kong ngiti.

Iceburn: “Ano nga pala ang iinumin mo, order tayo?”

Jenny: “Hindi na ako iinum. Kasi titigan lang kita, lasing na ako. Ang lakas ng tama ko sa’yo.”

Napangiti si Iceburn, hindi na nga kami omorder ng maiinom. Nag-usap na lang kami. Okay lang naman daw kasi napakiusapan naman daw niya yung manager ng nightclub. Kahit medyo maingay dahil sa tugtog, nagkakaintindihan pa din naman ang aming nararamdaman. Sinabi niya sa’kin ang kahulugan ng ibinigay niyang rosas.

Ang ibig-sabihin daw kaya tatlong rosas, ay I Love You.

Pink rose – Ito daw ay tanda ng pasasalamat at pagpapahalaga nia,  kasi hinanap ko daw siya, ginawan ko siya ng sulat at dahil tinanggap ko daw siya kahit dito lang kami nagkakilala.

Yellow roseIbig sabihin daw nito na mula ngayon, iingatan na niya ako sa puso niya.

Red roseAng ibig sabihin daw nbito ay ‘Nagiisang Pag-ibig.’ Sa’kin pa lang daw siya umibig at ako lang daw ang nagiisang iniibig at laman ng puso niya.

Naalala ko, na hindi ko pa pala alam ang totoong pangalan niya. Kaya tinanong ko siya.

Jenny: “Ano pala ang totoo mong pangalan?”

Iceburn: “Ano ba ang mas gusto mong malaman, ang totoo kong pangalan o ang totoo kong nararamdaman?”

Jenny: “Kahit naman hindi mo sabihin ang totoong nararamdaman mo, hindi naman ako manhid para hindi iyon maiintindihan.”

Iceburn: “Minsan, hindi lang sa iyong nararamdaman. Hindi lang sa iyong nakikita. Kailangan sabihin ko rin para lalo kang maniwala.”

Jenny: “Sige sabihin mo na.”

Iceburn: “Mahal kita. Mahal na mahal kita talaga. Ikaw lang at wala nang iba. Ako, mahal mo din ba?”

Jenny: “Oo, Mahal din kita. Mahal na mahal din kita. Ang puso ko na dati pag-aari ko, ngayon sa’yo na.”

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Hinawakan niya ang baba ko na para bang nagtatanong kung pwede ba. Ngumiti naman ako. Dahan-dahan niyang idinampi ang mga labi niya sa labi ko, masintahing hinalikan niya ako. Sa lugar kung saan kami unang nagkita at nagkakilala, doon din nabuo ang aming pagmamahalan. Pagmamahalan na kailan man hindi ko inaasahan na doon ko matatagpuan.

Itutuloy.

Heto po ang mga link ng part 1, 2 ,3 at 4

Part 1 – http://definitelyfilipino.com/blog/2012/06/19/isang-gabing-pag-ibig/

Part 2 - http://definitelyfilipino.com/blog/2012/07/27/isang-gabing-pag-ibig-part-2/

Part 3 - http://definitelyfilipino.com/blog/2012/07/30/isang-gabing-pag-ibig-part-3/

Part 4 - http://definitelyfilipino.com/blog/2012/07/31/isang-gabing-pag-ibig-part-4/

Part 5 - http://definitelyfilipino.com/blog/2012/08/02/isang-gabing-pag-ibig-part-5/