Is God to Blame? (Phote Credit: Amazon.co.uk.)

Dumating na ba sa punto na sinisi mo  ang Diyos dahil sa iyong nararanasan sa buhay? Ako oo! dumating na sa buhay ko na sinisi ko ang Diyos dahil sa dinanas kong problema. Galing kasi ako sa broken family bata pa lang ako ng magka loko loko ang buhay namin. Lumaki ako na hindi ko nakagisnan ang aking tatay. Dahil sa nasa sinapupunan pa lang ako ng umalis siya at mag trabaho sa ibang bansa, para kami ay bigyan ng magandang kinabukasan. Ayos na sana ang lahat  kaso nag loko naman ang Mother ko nag karoon siya ng relasyon sa isang Pulis at nabuntis medyo may isip na ako noon nang mangyari iyon kasi pangatlong balik na ng aking tatay sa abroad. Doon nag simula ang kalbaryo sa buhay namin. Hindi na uli bumalik ang tatay ko sa abroad minsan minsan na lang din siya umuwi sa bahay puro inom at barkada ang ibinalik niyang ganti sa aking Nanay. Hanggang sa tuluyan kaming naghirap halos lahat nang ari-arian na naipon ng tatay ko mula sa pinagpaguran niya sa abroad ay unting unting naimbenta at naisangla na wala nang tubusan. Pati yung maliit naming negosyo na babuyan nalugi narin. Hanggang sa dumating na rin ang punto na kailangan na naming lisanin ang aming bahay dahil sa naimbenta na rin ng aking Tatay.

Dahil doon naranasan na namin mangupahan at sumala sa pagkain, na dati ay halos apaw apaw sa hapagkainan. Doon ko na rin naranasan na tuksuin ng aking mga kalaro na mahirap na kami at patay gutom na kami. Sa edad kong pitong taong gulang noon malimit umuuwi ako ng bahay na umiiyak dahil sa panunukso ng aking mga kalaro. himbes na aluin ako ng aking ina palo pa ang aking natamo at parusa na huwag nang lalabas uli.

 Sa edad kung 13 anyos halos lahat ng pangungutya at pangaalipusta sa mga tao at kamag anak namin ay naranasan ko na.Dahil ang tatay ko tuluyan na kaming iniwan at humanap ng panibagong pamilya ang nanay ko naman iniwanan kami sa tiyahin ko sa pangako na maghahanap buhay para mapag aral kami subalit hindi na bumalik.  Grabe ang naranasan kong hirap sa pagtira sa mga kamag anak namin, nan diyan yung  ipapamukha sayo na Hindi kana mayaman ngayon kaya matuto kang mag kamay! Hindi kana mayaman ngayon kaya matuto kang kumain ng gulay. Kung noon may katulong kayo dito kayo ang katulong. Doon ko naranasan na pakainin ng kaning panis. Doon ko naranasan na mag laba ng isang katutak kahit bata pa ako. Doon ko naranasan na kailangan mo munang maglinis ng buong bahay bago kumain. Doon ko naranasan na hintayin mo muna silang matapos kumain bago ka kumain. Mahirap makapag adjust pag galing ka sa isang marangya buhay sabay babagsak hindi lang pala gutom ang mararanasan mo pati pang aalipusta sayo na dapat hindi mo naman danasin dahil inosente ka sa lahat ng pangyayari, hindi mo naman kasalanan kung bakit naging ganoon ang buhay ninyo? bakit  ikaw ang dapat na maghirap dahil sa kasalanan ng magulang mo.

Kaya dumating sa punto na sinisi ko ang Diyos kung bakit sila pa ang naging magulang ko? Kung bakit pa ako sinilang sa mundo kung ganito rin pala ang buhay na mararanasan ko? Kung bakit kailangan ko pang matikman ang sarap kung sa hirap din pala ako babagsak? Sinisi Ko Ang Diyos….