Si Jose Manalo, Bilang Tagapagbigay Ligaya sa Tao
Isa akong fan ni Jose at malaki ang pagpupugay ko para sa kanya. Aminado ako at pansin naman siguro ng karamihan na malayo na nga ang kanyang narating sa mundo ng showbiz. Sa tulong ng Eat Bulaga at ng mga taong nasa likod nito ay nabigyan s’ya ng pagkakataong makilala at ang kanyang kakaibang talento ng milyung-milyong taong sumusubaybay sa kanya. Pero dahil nga sa kanyang kakaibang karisma, mabilis s’yang minahal ng mga tao.
Anu-ano ba ang maaaring ikabit sa kanyang titulo? Host? Comedian? Actor? Singer? Dancer? Entertainer? Impersonator? Concert king? Hindi ko alam kung may natatago pa s’yang ibang katangian bukod sa aking mga isiniwalat, ang napatunayan ko lang para sa kanya ay karapatdapat s’ya sa kanyang kinalalagyan ngayon sa kasalukuyan.
Si Jose Manalo ay si Jose Manalo, iyan ang kanyang malaking pangalan. Oo, malaki na nga s’ya. At bilib ako sa kanya dahil nananatiling nakatapak ang kanyang mga paa, sa kabila ng kanyang tagumpay. Bukod sa naiintriga narin s’ya ngayon katulad ng ibang naglalakihang artista sa telebisyon, patuloy narin s’yang gumagawa ng mga pelikula kasama ang kanyang partner sa pagpapatawa na si Wally Bayola. Kung noon ay mga sidekick lamang sila ni Bossing sa kanyang pelikula, may mga pinagbibidahan narin sila ngayon. Pagkatapos nga ng kanilang matagumpay na konsyerto sa Smart Araneta, sa pelikula naman nila ipagpapatuloy ang kanilang pagpapaligaya sa tao.
hindi ko alam kung bakit napakalakas ng dating n’ya sa mga tao, s’ya ‘yung tipo ng komedyante na hindi magawang kainisan o kapikunan ng kanyang mga kinukulit at pinapatawa (ewan lang doon sa mga hindi s’ya pinapanuod). Napakabilis ng kanyang utak, nakakaisip s’ya agad agad ng mga nakakatawang bagay sa isang iglap, at iyon ang higit kong hinahangaan sa kanya. Doon ko s’ya nakilala at natandaan. On the spot, may tirada s’yang makapagpapasaya sa mga manunuod. Natural s’ya kung magpatawa, walang kaba. Para sa kanya, ang lahat ng tao ay kanyang kakilala. Alam n’ya kung paano n’ya ito makakasundo at kung paano makihalubilo sa mga ito.
Sa portion na Juan for all, All for Juan, maraming tumatak sa akin mula sa kanya. Lagi s’yang may panggulat sa mga tao. Maraming pauso na siguradong natatandaan ng mga manonood. Hindi ko na lang siguro maiisa-isa dito kasi sobrang dami talaga. Ikaw na ang bahalang umalala sa mga sinasabi ko. napapanood mo ba siya? Nasa sa ’yo na ‘yon. Ikaw ang magsasabi kung ano siya o kung sino siya sa telebisyon.
Mr. Pogi ba kamo? S’ya na ‘yon. Sa lakas ng dating? S’ya na ‘yon. Talentado? S’ya na ‘yon. Sa kayabangan? Parte ng trabaho n’ya ‘yon. Ang magpaligaya ng tao. Ang pasayahin ka. Ang bigyan ka ng ligaya sa araw araw. Ang bahagihan ka ng mga nasa utak n’ya. Ayon s’ya eh. Si Jose Manalo. Kung bibigyan nga lang sana ako ng pagkakataong makasama s’ya kahit sandali, hinding hindi ako magpapaawat sa kakulitan n’ya. Kulitin n’ya ako, kukulitin ko rin s’ya. Magkukulitan kami. haha
isa lang maipapayo ko sa’yo Jose (ako pa nagpayo ha!), manatili ka lang ganyan. Patuloy ka naming mamahalin bilang ikaw. Maraming salamat sa taong nakadiskubre ng iyong galing. At syempre, salamat at hindi mo iyon itinago. Tulad nga ng sabi mo. MAHIRAP MAGING TAMBAY, nakakapagod. Sang-ayon ako d’yan. Hahaha
©Copyright 2012, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.









Pinaka hindi ko makakalimutan yung ginaya niya si Willie R. Hahahahaha kung ibang host yung nakaexperience na pasalamatan ng contestant ang host ng ibang programa, im sure matataranta, pero sila Jose Wally at Paolo, grabe lang sa galing magdala ng sitwasyon, yung awkward moment naging funniest moment hahahaha bigyan ng jacket!
hehe. oo nga kim, napanuod ko rin yun. lalo na yung ginagaya nilang tatlo sna garry at martin. hehe. magaling silang gumawa ng paraan kung paano lulusutan yung biglang pangyayari tulad nun. the best/ hehe
mmmh pareho tayo sherald,isa ako sa napapatawa ni jose, dinayo ko pa ‘yan sa eat bulaga sa kagustuhan kong makita sya personally…. mmmmh para sa akin gwapo sya LOL kahit kilala siya sa butas ng mga mukha nya…at may picture kaming 2 ha, mabait s’ya sa mga fans nya.. Mabuhay ka Jose.. GB
wow! talaga? hehehe. buti ka pa po may picture kayong dalawa. gwapo naman sya eh, habang tumatagal nagiging gwapo lalo. hehe
di pa mahirap noon pumila sa eat bulaga pero that time 7 am nkapila na kami.. ngayon talaga grabeng pila ng pumunta kami kailangan ata madaling araw nakapila ka na hehehehehe. malimit ang juan for all dito sa batangas, kahit sabihin nilang baduy ako nakikipagsisikan ako ah.. last week andito sila at nakipagsisiksikan nga ako LOL.. pero di ko nalapitan si jose sayang….
marami na kasing pumipila ngayon unlike dati. hehe. astig po. experience din yun.