25 sentimos (Phote Credit: Pinas.dlsu.edu.ph)

(Una sa lahat, hindi po ako writer. Hindi ko rin hilig ang pagsusulat. Madalas akong magbigay ng opinyon sa mga bagay bagay. First time ko ngang magsulat ng ganito. Open naman po ako for CONSTRUCTIVE CRITICISMS.)

 Bus. Jeepney. Tricycle. Ilan lamang yan sa mga sinasakyan ng karaniwang Pilipino. Dahil wala namang tricycle dito sa amin, at ang bus ay kadalasan lamang sinasakyan kapag pupunta ka ng Maynila o sa timog o hilagang bahagi ng Luzon, jeep ang madalas naming sinasakyan.

Pebrero 2011. Tumaas ang presyo ng langis. Natural, tumaas din ang pamasahe mula Php 6.00 naging Php 6.75. Estudyante kasi ako. First year college ako nung panahong ‘yon. Mabigat na rin yung dagdag 75 sentimo sa pasahe. Apat na beses akong nagjijeep sa isang araw. Minsan anim pa nga. Uso sa amin yung Two Rides — yung tipong sasakay ka ng jeep, tapos bababa ka sa isang lugar, tapos sasakay ka ulit ng ibang jeep para lang makarating sa iyong paroroonan, lalo na’t malayo yung pinanggalingan mo o kaya traffic yung usual route. Dito rin kasi sa amin, magbabayad ka muna ng pamasahe bago ka makakasakay sa jeep. Iaabot mo kay manong na nangongolekta yung bayad mong Php 7.00. Makikita mong napakaraming sentimo dun sa kamay niya, tapos andun ka mag-aantay na iabot ni manong yung 25 cents mong sukli. Tapos wala rin. Di na naibalik sa iyo yung sukli mo.

Para sa mga estudyanteng tulad ko na apat na beses sumasakay ng jeep, sa bawat sentimo na di naibabalik,SENTIMO. Oo, maliit na halaga lang yun. Pero eto, mag-math muna tayo.

0.25 x 4 = 1.00 –Oh, piso na yan sa isang araw

1.00 x 5 = 5.00 –limang piso sa isang linggo.

Pero teka, weekdays pa lang yan. Pano na sa mga college students na may pasok ng Sabado? Eh walang student’s fare nun?   Well, di naman problema kapag Sabado dahil binabalik yung 50 centavos. Hindi lugi si manong drayber. Inipon niya yung 25cents natin eh. Marami na siyang tubo niyan.

Mag-math ulit tayo. Sabihin na nating may 20 Linggo sa isang semestre,

5.00 x 20 = 100.00 — Oh, lugi ka na ng isang daan niyan. Pano na kaya sa susunod na semestre? Isabay mo pa yung halos walang linggo sa summer term. At tandaan, pang-isang tao pa laman ‘yan. Pa’no na yung ibang estudyante na kasabay mo?

Isang simpleng paraan ng pangungurakot. Maliit na halaga ang “ninanakaw” sa iyo araw-araw, kung bibilangin mo ang bawat sentimo na yan, ilan nga ba ang nanakaw sa iyo? Estudyante pa lamang kasi ako. Di naman kami mahirap, di rin man kami mayaman. Ang baon ko linggu-linggo ay galing sa mga magulang kong nagtratrabaho para makapag-aral ako at mabigyan  ng komportableng pamumuhay. Kaya bawat sentimo, pinapahalagahan ko.