Love Affair (Phote Credit: Colourbox)

” When women hold off marrying a man, we call it independence
When men hold off from marrying women, we call it fear of commitment”

Warren Farrel

“Ano 38 ka na wala ka pa ring asawa” tanong ko sa kanya.

“Eh sa takot ako sa responsibilidad at commitment”, sagot nya sa akin.

Tiningnan ko sya. Tinitigan. Di ako nagtanong. Di ko magawang magtanong. Baka bumalik sa akin ang sagot sa aking katanungan, masaktan lang ako.

Sabi nila ang lalaking nagsasabing takot sa commitment ay may nakatagong rason o dahilan. Maaaring sya ay nabigo, iniwan ng dating minahal at nasaktan ,nakikipagdate sa kasalukuyan, maari ding gusto nya na sya ang gumawa ng desisyon sa kung saan papunta ang relasyon o kaya cultural differences. Alin man sa mga rason na yan, hagip kasi ako.

Minsan ko na kasi syang iniwan. Nag-asawa ako. Samantalang sya nanatiling binata. Tinanong ko sya kung may anak sa pagkabinata. Wala naman daw. Ewan ko pero wala naman atang umaamin sa ganun kung meron man.

Naisip ko, kung takot sya sa commitment bakit nun pinag-usapan naman namin ang kasal? Bakit noon naramdaman ko naman ang pagiging totoo nya? At kung takot sya sa commitment bakit tumagal naman ang relasyon namin?

Sa nakaraan namin  pinakilala ko sya sa isang kakilala. Ang sabi nya dito, kung umaasa daw ito na pakakasalan nya wala raw syang maiooffer na ganun. Point blank sinabi nya na ayaw nya ng commitment. Eh sa pinatulan sya ng kakilala ko, ang alam ko naging loyal naman sya. Di ko nga lang alam kung nagtagal sila.

Ngayon, nagkrus muli ang aming landas. Malapit na sya mag 43, Binata pa rin, at ako eto, bigo sa relasyon , hiwalay sa asawa.  Takot na muling masaktan. Hindi ko alam kung sya ay may karelasyon. Takot ako magtanong, takot ako sumbatan, ngunit sa likod ng isip ko,” sana tayo pa rin, sana bumalik ka na lang sakin”…..kung kelan yun…siguro pag lubusan na akong lumaya sa tanikala ng kasal na nakatali saakin.
Minsan minahal ko sya, ngunit ewan ko kung bakit sinaktan ko sya. Pinagsisihan ko din naman yun, kinarma pa nga eh. Sana sa pangalawang pagkakataon maging masaya na kaming dalawa. Kung bigyan ng pagkakataon. Pero mahirap para sa akin. Bumuo na ako ng pader sa sarili ko. Mahirap na maulit muli ang kabiguang dala ng masalimuot na pag-aasawa. Wala nang pag-asang makipagbalikan ako sa aking asawa. Sino ba namang gusto makipagbalikan sa taong ginawang impyerno ang buhay ko.  Mahirap maovercome ang lahat na nangyari sa buhay ko, ngunit kahit paano sa aming dalawa ng taong minsan ko na ding minahal, wala namang masamang ginawa sa akin ngunit ganun pa man takot ang naghahari sa akin.

Reformed rakes makes good husbands daw. Kelan kaya magiging kami uli. Kelan nya kaya ako mapapatawad dahil sa nagawa kong pag-iwan sa kanya at kelan din kaya ako magkakalakas ng loob na sabihing  ”umaasa ako sa maari pang  mangyari sa ating dalawa”?

Marami syang katanungan sakin. Di ko alam kung pinapaniwalaan nya ang bawat sagot ko. Marami din ata syang pagdududa sa akin, at di ko alam kung paano ko pupunuan yun .

Takot din ako sa kanya Takot ako sa kanya na ako ay kanyang saktan. Takot  ako na baka ako ay paibigin nya at gantihan. Takot na ibalik sa akin ang lahat nang nagawa kong kasalanan. Bakit ngayon di ako makareklamo, noon ako ay numero unong reklamador.

Gayon pa man kahit sa di nya pag -imik sa tuwing nakakasama ko sya, pilit ko syang iniintindi. May kasalanan ako sa kanya. Madalas sabihin sa akin ng kaibigan nya na dapat kong sabihin na mahal ko sya. Ngunit ayoko, ayoko tumakbo sya palayo. Ramdam ko naman na importante ako. Gaya pa rin ng dati. Di ko na kailangan magsalita….bahala na bukas…bahala na ang kapalaran.

Salamat pa din sa panahong iniukol nya. Maghihintay na lang siguro kami ng tamang panahon. Kung kelan okay na. Kung sino ang mauna  sumuko…yun na…wala nang tanungan…go na go na…sabi nga:

A true man does not promise, he commits.
A true woman does not demand, she thanks…

sana may bukas pa para sa aming dalawa….