Math (Phote Credit: Homeschoolercafe.blogspot)

Kahapon:

Nagpaturo kagabi sa akin si ate Hannah sa kanyang assigment sa math (kasi binida ako ni misis na expertise ko daw yun, kaya kahit na sa Taiwan ako at Pilipinas sila, nag-send c misis ng mga question thru text). Nagulat ako sa mga tanong at nasabi ko ganito na ba ang turo sa grade 3, sa limang tanong sa number one ako nagdalawang isip, binigay ko yung unang sagot nung bandang 6:00pm, pero binago ko yung sagot bandang 9:00 pm. Pero aaminin ko pressure ako, ganun pala talaga ang mga magulang they want to gave the best to their children kahit sa assignment lang nila.

Kinabukasan:
Excited akong malaman kung ok ang mga sagot ko sa assignments nya. 11:50 am labas ni ate sa school. tumawag ako ng 1:00 pm.

Erick: Ate musta ang assignment mo?
Hannah :  Papa, minali mo naman po ako eh, mali po yung sagot sa number 1 eh, tama na po pala yung unang turo mo, 93% lang po ang score ko.

Erick: Sorry, ate, hiya naman ako sa yo, di bale next time bawi tayo, pero at least ngayon alam mo na ba kung paano i-solved yung ganung mga problems?

Hannah: Opo, papa.

Dalawang bagay ang natutunan ko sa tagpong ito, una ay ang nabanggit ko kanina, na bilang isang magulang gusto natin ibigay ang lahat ng mga magagandang bagay sa ating mga anak. Pangalawa ay kahit na ganun ang hangarin natin sa ating mga anak, minsan ay may limitasyon pa rin ang ating kakayahan bilang tao. Maari rin tayong magkamali sa ating mga akala.

Kaya napakapalad natin na mayron tayong isa Ama na ganun din ang hangarin sa atin ang ibigay ang magagandang bagay sa atin (Jer 29:11, john 10:10b). At ang malaking pagkakaiba Niya sa lahat ng mga magulang ay ang kanyang kakayahan, kapangyarihan at kagalingan ay magpasawalang-hangan, hindi matatapos at walang limitasyon.(Exodus 15:11,Ps 89:8,Mt 19:26,Jer 32:27)

Panginoon, salamt po sa lahat ng bagay na ipinagkakaloob n’yo sa amin. Sa inyo po ang lahat na papuri at pasasalamat sa pangalan ng inyong anak, aming panginoon at taga-ligtas si Hesus Kristo. Amen