Love (Phote Credit: Vi.sualize.us)

Akala ko pinaka-masakit ko nang mararamdaman eh toothache, hindi pala. mas masakit pala pag emotional pain.

Dati, akala ko, ang boyfriend parang laruan na kapag pinagsawaan, iiwan at itatapon na.  Alam ko naman dadating din yung araw na gusto ko magka-serious relationship pero hindi ngayon, matagal pa at ayoko pa. madami kasi jan post ng post Wanted: Looking for boyF” tapos pag nagka-boyF “I never knew this day is coming :( T.T,meron pa pamatay na linya ng one more chance “Ako may gusto nito diba pero bakit ganun ang sakit sakit.” at kung ano ano pang pangkaraniwang quotation na galing sa google.

Okay, siguro takot lang ako na maging isa sa mga taong naiinlove at taong heartbroken. Pag inlove ka kase, masaya ka, gusto mo nga malaman ng maraming tao na uy may boyF na ako, uy maiinggit ka o. lahat na ata ng good times, good memories, pictures niyo na share mo sa fb at twitter tapos bigla kang iiwan aruy! kawawa ka naman. ayan ang ayoko mangyari sakin. masisi mo ba ako? ikaw naiisip mo ba to o pag may nanligaw sayo sasagutin mo agad, pag may nakita kang magandang babae liligawan agad #PBBTEENS?? — kasi sabi sa movie ni Angel at John Lloyd (unofficially yours) “pano mo malalaman yung taong para sayo kung titigil ka magmahal?” may point pero alam ko at alam mo minsan pointless ang quota na yun lalo na sa taong nagDoubt sa kapangyarihan ng pag-ibig. :>

Eto na kase yung kwentong barbera ko.

Oo, given may boyfriend ako. hindi ko naman alam na ganito pala ako kalalim pag nagmahal pero I’ve been to many relationshit before, but not as deep as I felt about this guy kaya eto natatakot ako baka masaktan lang. e kase bago naging kami nilihim niya sakin na may girlF siya at 3 years na pala sila. Ako? walang sabit, single and flirting. ako naman nakipag-go with the flow sakanya. dumating yung araw na nakokonsensya na daw siya at sinabi niyang may girlF siya. awts sakit nun ah!! sinubukan ko umiwas para sakin at para sa girlF niya kasi ayokong maramdaman nung tao no yun yung sinusulat ko ngayon.

“Hindi ko kaya, mahal na talaga kita at masaya ako sa yo.” etong salita na to ang nagparamdam sa kin na shame, kasalanan na kung magiging kasalanan pero alam ko sa sarili kong mahal ko na din tong tao na to. hangang dumating ang araw na kailangan na niyang pumili –”binabalik na kita sakanya, sa gf mo, hindi ako ang kailangan mo” biruin mo ganyan na ko magsalita nun. nangako siya sakin na ako ang pipiliin at kailangan lang niya ng oras para sa sarili niya. nung pananhon na yun ang nasa isip ko (“hindi na siya baballik, tama na hindi bagay sakin ang masaktan. lezzgo party nalang friends.”) pero deep inside isa na ko sa mga kawawang iniwan at pinaasa.

I week later, hindi ko siya naramdaman. Alam ko wala na talaga to (ok, bura na friends list, etc.). “baba ka” text ng unknown #. “Hu u?”, “baba, andito ko sa tapat ng bahay niyo”. (“ah kilala ko na”. tugs tugs sabe ng puso ko, di ko alam, ba’t siya andito?). “Wala na kami..” ; “ganun? sorry.”, “alam ko na kung sino ang gusto ko, ikaw Kay” (matutuwa o masasaktan para dun sa isa? pero ngayon isa lang alam ko, haba ng hair ko” hhaha)

“If you keep on pretending that love isn’t there then let love realize what you’re missing.”-Kay

author:  kay