No Text Messages (Phote Credit: Quickmeme)

Iniisip ko na baka mahal pa rin niya ako, kasi sa wakas sa tagal ng panahon, muli ay pinansin niya ako. Nabigla nga ako sa tanong n’ya?

“Bakit ba gusto mo pa akong makasama?

Ang aking sagot naman, “kasi masaya ako kapag kasama kita”, muntik ko na ngang masabi…..”mahal pa rin  kasi kita”.

Di na siya sumagot pagkatapos ng aming pagpapalitan ng mensahe sa cellphone. Pagkatapos ng mahabang katahimikan, ako ay nakatulog. May ngiti sa labi at nagpapasalamat.

Masaya akong gumawa ng gawain-bahay kinabukasan, inspirado nga kasi naman. At sa tunog ng message alert ako ay napaigtad, sa pagbasa ng text niya.

“Kung gusto mong magkita tayo, pumunta ka dito.”

Akala niya siguro bibiguin ko siya dahil Miyerkules yun at araw ng trabaho, di niya alam na hindi ako pumasok, nakatulog nang mahimbing, tanghali na nang nagising.

Halos liparin ko ang malayong distansya. Pagbaba ng sasakyan andun siya at nakaabang na. Di ko pa nga siya halos nakita, hindi ko naman kasi inaasahan na andun na agad siya.

Tinanong niya ako kung ako’y kumain na. Kahit hindi ang sagot ko, malutong na “Oo kanina pa.”

Nakakatawang ewan ko ba, sa tagal ng panahon, parang ako ay biglang nagkaroon ng takot sa kanya.

Wala naman siyang nagawa sa aking masama. Gentleman ever, man of  few words pa nga. Ang problema ay ako ang nagkasala, sukat ba namang naghabi ng istorya para lang subukan siya. At nang malaman niya, ako ay iniwan niya, pumatol sa iba at sa kaibigan ko pa.

Ilang taon din ang pag-iyak, pilit lumimot sa hapding naramdaman, halos ikamatay ko ang pait ng pag-iwan, Sukdulang pati kaibigan ako ay sinaktan.

Pagkatapos ng apat na taon, eto na uli siya, at ngayon nga magkaharap pa. Wala namang pinagbago, ganun pa rin siya, ngunit ang ‘di ko matanong….”Kayo pa ba?”

Pikitmata kong nilunok ang aking pride, “eto na muli ang aking mahal, wag na magreklamo, magmahal ka na lang, di ba yan ang gusto mo?…eto na siya, bakit matatakot pa?

Ewan ko kung paano natapos ang oras, parang kay tagal dahil sa walang imikan. Tinintingnan ko siya kung tinitingnan niya ako, wala akong maarok..ewan ko, ewan ko…

Naghiwalay kaming muli na walang solidong usapan, hinatid niya ako kung saan niya ako sinundo…pagkatapos nun muli ay mahabang katahimikan…

Ewan ko ba, sadyang tanga yata ako, tatlong linggo pagkatapos ng matahimik na impyerno, eto na naman.

Muli parang kabayong nakawala sa koral, hindi nakapag-isip pa…oo agad ang kasagutan.

Magiliw naman akong pinakisamahan, sa pagkain asikaso, pinagsilbihan, ngunit ganun pa din andun ang nakakabinging katahimikan, gusto ko ring itanong,

Bakit gusto mo ako makasama minsan?

Sa aking hiya, di makabitaw nang kahit isang salita, Ewan ko ba, sadyang takot lang o walang lakas na loob pa? Takot ako na masinghalan niya….pikitmata na lang, basta ang isip ko “Mahal ko sya”..

Tanga na kung tanga, pero sa totoo lang ako ay umaasa, na sana mahal niya ako kaya gustong makasama. Parang kay hirap ng sitwasyon; ang inisip ko lang, ako ay nagkasala, sige, lunukin mo ang lahat ng parusa kung yan ang ikagagaan ng loob n’ya.

Di ko alam kung sadyang ikaw ay walang puso,
Di mo ba nararamdaman ang aking pagsasakripisyo?
Di mo ba nararamdaman ang pagmamahal ko?
Dahil kung di kita mahal, wala ako sa tabi mo

Naghiwalay na muli, langit man sa pakiramdam, ngunit inihanda ang sarili sa muling katahimikan.
Tama nga ako…dahil di pansin, ang lahat nang aking mensahe ay iniisnab din.

Bakit kaya ganun, di ko matanggap, ngunit di naman makareklamo pagkat walang karapatang magpahayag. Dapat pa ba akong umasa na darating ang araw na wagas…..ang akin syia…ako ay kanya…tahimik na mamumuhay hanggang pagtanda.

Kelan kaya yun? Mangyayari kaya yun?

Dahil sabi nga ng iba…Mahal ka ba sa tingin mo n’yan?…Eh di nga makapagtext sa ‘yo ni hindi ka inaalala minsan.

Yun lang ba ang sukatan?

CTRL + Q to Enable/Disable FBPhotoZoom
CTRL + Q to Enable/Disable FBPhotoZoom