Fun Guns (Photo Credit: Funxite)

“Ang bobo mo!”

“Isa kang TANGA!”

“TAE”

“A stupid blog”

“You think this blog is worthy of publication?”

“LMFAO to the holy water. Haha! Seriously, I was actually thinking I might be living in a country filled with shallow people.”

Ano ba iyan?????

WAGAS NA WAGAS  na mga laitero’t laitera’y hindi na dapat magbasa ng blogs ng iba.  Kung sobrang gagaling n’yo ay gumawa na lang kayo ng sarili n’yong blogs!

Eto pa… sa DF page; photo at ilang lines lang ang nabasa eh, magcocomment na ng “pedophile”….  HUH???  A heartwarming story na “Lab Ko si Baby”, inakusahan na pedophile blog?  Joskoday naman!  Eh sino ang tunay na istupido naman????

Bago naman sana magcomment, basahin muna kasi!

Nakasisira naman talaga ng mood kapag nakababasa ka ng mga taong parang ke gagaling nila, pero kung susuriin mo’y sila ang mahina ang isip……   kasi hindi nila naisip na ang mabahong comments nila ay tatalbog sa kanilang pabalik!

(Wehhh, sino ba ang ogag na commenter na to!  Ang salbahe!  Ang bastos!  Laitero to the max!  Genius siya?  High and mighty?  Sa babaeng inagawan ng asawa, magcocomment ka na isa itong tanga???  Sa kuwentong pagsubok sa buhay, tatawagin mo itong TAE?”  Whew, where are your manners???

Dapat naman kasi kung gusto mong magbasa ng blogs, unahan mo na ang sarili mo na mga personal stories ito at personal opinions.  Tanungin mo muna ang sarili mo kung bakit gusto mong magbasa ng blogs.  Dito kasi, mababasa mo ang mga emote ng mga bloggers, mga karanasang ibinabahagi sa readers, AYON sa perspektibo nila, ayon sa character nila.

Mayroon din ditong pang-love story, pang-pamilya, pang-muni muni moments, panghigh school memories, pang teens, pang-damatans, pang 20s, 30s, 40, 50s at kahit pang senior citizens.  Piliin mo na lang yung nababagay sa age at gender mo, mahuhulaan naman sa titles kadalasan eh.  Hindi naman kasi compulsory na basahin mo LAHAT ng blogs eh.

Asahan mo nang may mga corning lovelines, me painful emotes, me heartwarming moments, me bitter confessions, sari-sari.  Mayroon ding fictional stories to entertain readers or make them remember similar instances in their lives.  Hindi professional writers ang majority ng nandito, kasi yung mga professional writers, kadalasang may trabaho, may technical writing duties at kung may magsulat mang prof writers dito  ay to disseminate info to our kababayans.  Whatever, wala kang karapatang manlait.  Oh my gosh my gulay naman talaga!

Fyi kasi…ang DF blogs ay vehicle for newbie writers or those who want to share their stories or thoughts.  Napansin ko pa ngang karamihan dito ay OFWs na ginawa nang libangan, social life at therapy ang blogging or reading blogs, whichever.  Sa kabuuan, let us promote POSITIVISM.  Plain and simple.

Maaaring sa iyo ay walang kuwenta ang isang subject matter, eh di lakdawan mo!  Maaaring hindi ka nakakarelate sa isang blog, so?  Ipagkibit-balikat mo na lang.  Hindi swak sa panlasa mo?  Isipin ang human values called RESPECT.  Blog n’ya yun eh.  Opinyon n’ya yun.  Kuwento n’ya.  Getz mo ba?

Tapos, mambabasag ka ng trip?  BAKITTTT?  Yayaman ka ba, guguwapo ka ba or gaganda kung manlalait ka?  Eh sa totoo lang, papangit ka pa nga kung isa kang wagas na LAIT-ER (new word for laitero’t laitera, hehehe).  Huwag na lang magpagod magtype ng lait words.  Papangit ka at babaho dahil ang MAJORITY dito sa DF ay wholesome at imbes na purihin ka ay mapipintasan ka pa!  (Buti na lang kakaunti lang ang lahi ng mga LAIT-ERS sa  DF.)

Fyi din…ang mga wholesome commenters na masisipag magbigay ng encouragement ay sumisikat at pinagpapala dahil tinatandaan ng bloggers ang mga mabubuting tao at winiwish ng GOD BLESS YOU!  Unknowingly, itong mga good people na ito ay parang mga angels na nakatutulong sa bloggers na KARAMIHAN ay nasa ibayong dagat, nalulungkot at nasasabik na makahalubilo ang mga kababayan kahit through DF blogging man lang.

Kaya kayong mga  LAIT-ERs, umiskapo na kayo sa blogging sites kung dala-dala n’yo’y panlalait lang.  Walang pumupuwersa sa inyong magbasa!  Magsalamin na lang kayo at purihin nang purihin ang sarili n’yo!  At least, doon, walang makikialam sa inyo.  (Good riddance pa!)

To reiterate, walang buting maidudulot kung magpopost ng mga pangit at epal  comments.  Alalahanin natin na lahat tayo ay magkakababayan.  Baguhin naman ang sistema ng social networking style.  Makipagkaibigan, huwag makipag-away.  Mang-inspire, huwag mangdown!  Kailangan nga ng pagbangon ng Pinas eh.  Huwag na maging haters o laiters kasi!!!

Sa aking palagay, nilikha ang DF upang pag-isahin ang mga members.  Parang isang malaking barkadahan na magtutulungan, magdadamayan, magsesharan ng lessons in life at knowledge, magcocomfort sa isa’t isa!  Mahirap ba yun????

Umiwas na sa POOP bullets, puwede???