Converse shoes (Photo credit: pagiewagieblog.blogspot.com)

Converse shoes (Photo credit: pagiewagieblog.blogspot.com)

Si Iceburn..

Ang bilis ng takbo ng araw. Nagising na lang ako na araw na naman ng huwebes. At bukas may gig na naman kaya samantalahin ang araw na ito para magpractice. Alas-otso ng umaga, dumating ang mga kabanda ko sa bahay. Sasanayin naming tugtugin yung bagong compose ko para kay Jenny. Dahil mag-geguest na naman kami bukas(biyernes) ng gabi sa nightclub na iyon. Baka sakaling pupunta ulit si Jenny doon. Pero pupunta man siya o hindi, kakantahin ko dun yung sinulat kong kanta para sa kanya.

Magaalas-dose na noong matapos kaming magpractice. Uuwi na ang mga kabanda ko. “So, paano tol, mauna na kami. Kailangan pa natin magpahinga para may lakas tayo bukas ng gabi,” sabi ng isa. “Ay, lalabas din nga pala ako ngayon. Pupunta ako ng mall, kailangan kong bumili ng sapatos. Sira na kasi yung sneakers ko. Hintayin nyo ako saglit, sabay-sabay na tayo lumabas para makakain muna tayo bago kayo uuwi,” sabi ko naman.

Sabay-sabay nga kaming lumabas ng bahay. Tumuloy kami sa mall at kumain sa isang restaurant doon. Pagkatapos naming, inihatid ko na sila sa may sakayan at tumuloy na sila sa kani-kanilang destinasyon. Ako naman ay bumalik sa mall. Titingin ng sapatos na bibilhin ko. Dumiretso ako sa may sapatosan. Pumasok ako sa converse store.

Habang nasa loob ako, may nakita akong isang babae na natingin din ng sapatos. Parang pamilyar sa ‘kin ang tindig niya. Tangkad, pananamit at galaw niya. Hindi ko naman makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya. Ibinaling ko ang mga mata ko sa mga sapatos. Kumuha ako ng isang kulay pula. Umupo ako at isinukat iyon. Kumuha ulit ako ng isang kulay itim na kupas at isinukat ko ulit.

Habang isinusukat ko yung sapatos na kulay itim, napatingin ulit ako sa babae na iyon. Parang kilala ko siya talaga. Habang inaalala ko kung sino ba siya, nilapitan ko at binalak kung pumunta sa harapan niya. para makita ko kung kilala ko nga ba siya.

Si Jenny..

Dumaan ang oras at araw ng hindi ko namamalayan. Iisa lang kasi ang laman ng aking isipan. Siya ang tao na aking kinababaliwan. Wala akong ibang naririnig kundi ang matamis at malambot na boses niya habang umaawit.

Araw ng huwebes, public holiday ito kaya wala akong pasok. Maaga akong nagising. Alas-singko pa lang bumangon na ako para maglinis ng bahay at ayusin ang mga gamit ko. Mas maganda kasi magtrabaho pag malamig-lamig pa. Ang gulo na kasi dito, lalabhan ko na din ang mga labahin ko nang hindi na naman ako matambakan.

Alas dyes ng umaga, tapos na lahat ng ginagawa ko. Sa wakas, makakapagpahinga na. Humiga ako at nakatulog nang hindi ko namamalayan. Nagising ako ng mga alas-dose na. Magluluto sana ako ng aking tanghalian, bigla ko naman naisipan na sa labas na lang ako kakain. Makapunta na lang sa mall nang hindi lang palaging nakakulong dito sa bahay. Nakakasawa na din na puro apat na sulok ng bahay ay opisina lang ang lagi kong nakikita.

Pumunta nga ako ng mall. Tapos kumain ako ng spaghetti carbonara sa isang restaurant. Pagkatapos kung kumain, nagwindow shopping ako. Nagtingin-tingin baka sakaling may magugustuhang bilhin. Tumungo ako sa sapatosan. Pumasok ako sa store ng converse. Mahilig kasi ako sa converse na sapatos. Tamang-tama may nagustuhan ako, kulay pink siya.

Sakto lang ang sukat niya sa paa ko. Bibilhin ko na ito. Pagliko ko patungo na sana sa counter, bigla ko naman nabunggo ang isang lalaki. Nagulat ako nung makita ko kung sino yung nabunggo ko.

“I’m sorry miss,” sabi niya at halatang nagulat din nung makita niya ako. Hindi ako nakaalis sa harapan niya. Nanginig ang mga tuhod ko. Dahil ang lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon ay ang lalaking hinahanap ko. Hindi ko alam kung ano ba ang una kong gagawin. Kung ano ba ang una kong sasabihin. Natameme ako.

“Jen..” nakangiting tawag niya sa ‘kin na tila ba gusto niyang siguraduhin sa ‘kin na ako nga si Jenny. Tumango ako sabay ganti ng matamis na ngiti. Nabigla ako na niyakap niya ako. Niyakap ko din siya na para lang ba kaming magkasintahan.

Iceburn: “Hindi ko akalain na dito lang pala kita matatagpuan.

Jenny: “Ako din kaya, alam mo ba na binabalik-balikan kita sa nightclub kaya lang wala ka naman doon?”

Iceburn: “Alam ko,” sabay ngiti.

Jenny: “Huh, paano mo nalaman?”

Bigla niyang nilabas ang wallet niya, may kinuha siyang papel at ipinakita sa’kin.

Iceburn: “Di’ba sa‘yo ito?”

Jenny: “Paano napunta sa’yo yang sulat ko?

Iceburn: “Napulot ko sa isang taxi cab na nasakyan ko minsan, pinabalik ko nga yung driver sa lugar kung saan ka bumaba, kaya lang hindi din kita nakita. Dahil yung kinatok kong bahay ay mali yata.”

Jenny: “Ikaw, wala ka bang nawawala?”

Iceburn: “Mayroon, isang napakahalagang bagay para sa isang napakahalagang tao.”

Jenny: “USB flash drive, hindi ba.” Ikaw siguro yung kumatok noong nakaraang gabi. At nahulog mo sa harapan ng apartment ko yung usb flash drive mo.”

Iceburn: “So, narinig mo na pala yung song?”

Jenny: “Oo, pumasok sa magkabilang tainga ko, at nanatili sa puso koJ.”

Napagtagpi-tagpi naming lahat ng nangyari. Ang galing nga dahil para lang kaming pinaglaruan ng panahon. Pinahirapan muna bago pinagtagpo muli. Pero ayos lang, ang mahalaga ay nagkita na ulit kami. Nalaman ko na din ang pangalan niya, Iceburn pala. Pangalan niya mismo yung nakatatak sa damit niya noon. Hindi namin namamalayan ang pagikot ng oras habang nag-uusap kami. Pati yung sapatos na bibilhin ko din sana, hindi ko na nabili.

Gabi na noong lumabas kami ng mall. Hinatid niya ako sa bahay. Noong nasa bahay na kami, bago ako pumasok sa loob, binigyan niya ako ng masintahing halik. Gumanti din ako. Hindi na siya nagtagal kasi kailangan niya na din magpahinga para sa gig nila bukas. Pero bago siya umalis, binigay niya sa’kin number niya, at ibinigay ko din ang number ko sa kanya. Kakaiba ito, may hug at kiss pero walang ILOVEYOUs.

Natapos ang maghapon ko na puno ng kilig at saya. Damang-dama ko pa ang pagdampi ng mga labi niya sa mga labi ko. Pumunta agad ako sa kwarto ko, humiga at niyakap si aybi. Nakangiti na tila diko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya. Kinuha ko ang cellphone ko at nitext ko siya. “Hi, salamat po sa paghatid sa ‘kin. Ingat ka.” Nagreply naman siya, “oo, dapat mag-ingat ka din dahil bale-wala lang ang pag-iingat ko kung hindi ka naman nag-iingat.” Ang sweet-sweet niya.

Malalim na pala ang gabi. Kailngan konang magpahinga. Para hindi ako aantukin bukas ng gabi sa nightclub. Kailangan maganda akong pupunta doon.  Kinaumagahan, late na akong nagising. Mataas na ang araw, tinignan ko ang orasan ko alas-otso na pala. Bumangon ako, dinampot ko ang cellphone ko. May 1 new message akong natanggap. Galing sa kanya mga alas-onse ng gabi.

 “Hi, alam kong sa mga oras na ito ay tulog ka na. Pero wala akong balak na isturbuhin kita. Nais ko lang iparating sa’yo na naalala kita. Kahit na hindi mo naririnig at nakapikit ka pa.”

Busog na naman ako sa nabasa ko. Abot na naman hanggang tainga ako ang ngiti ko. Nagreply din ako. “Hi.. magandang umaga. Late ako nagising, kasi tinapos ko muna yung panaginip ko. Isang love story, at ang bida ay tayong dalawa. Siya nga pala, nakapag-kape ka na ba? Huwag mo nang lalagyan ng asukal ha? Baka kasi sumubra sa tamis, kasi ang sweet mo na.”

Itutuloy…..

Heto po ang mga link ng part 1, 2 ,3 at 4

Part 1 – http://definitelyfilipino.com/blog/2012/06/19/isang-gabing-pag-ibig/

Part 2 - http://definitelyfilipino.com/blog/2012/07/27/isang-gabing-pag-ibig-part-2/

Part 3 - http://definitelyfilipino.com/blog/2012/07/30/isang-gabing-pag-ibig-part-3/

Part 4 - http://definitelyfilipino.com/blog/2012/07/31/isang-gabing-pag-ibig-part-4/