Love is like a battlefield, kung hindi ka marunong makipaglaro maaari ka matalo. Bawat tao ay may kanya- kanyang laban sa buhay na hinaharap.

In the process na ako ngayon ng pagmove on. Two days na din ang nakalilipas mula nung makipagbreak ako sa kanya. Nagpakatanga kasi ako nang sobra sa kanya; sa dami ng taong nagsabi sa akin na niloloko lang niya ako, hindi ako naniwala kasi mahal ko siya pero nung sinampal ako ng katotohanan, doon ako naglakas ng loob na hiwalayan siya kahit na mahal ko siya.

Tinext ko lang siya at doon ko na tinapos ang lahat, sinabi ko “minahal kita nang sobra, binigay ko ang lahat-lahat, pero nalaman kong niloloko mo lang pala ako, sabi mo hindi na kayo nung gf mo bago tayo magkakilala, pero sinungaling ka, hindi mo siya kayang iwan at saktan kaya dahil doon mas pinili mong ako ang saktan, sobrang sakit ng ginawa mo, ang sama mo, pero hindi ako galit sa ‘yo pero sana lang seryosohin mo na lang yung gf mo ngayon at  huwag ka nang manloko pa ng ibang babae kasi nakakaawa sila”.

After ko isend ang message ko sa kanya ay  mabilis kong tinanggal ang simcard ng cellphone ko, sinira at tinapon ko agad ito. Ginawa ko yun hindi dahil sa galit ako kundi ayoko nang makarinig pa ulit ng mga kasinungalingan na magmumula sa kanya.

Alam kong ako lang din naman ang hinihintay niyang gumawa ng paraan na lumayo para hindi na siya mahirapan pa (nakuha pa niya mahirapan..hahaha). Ang sakit ng nangyari, knowing na ang damngi paraan para habulin niya ako kahit magpalit ako ng number dahil alam niya kung saan ang office namin.  Sobrang sakit pa na mismo sa kamag-anak niya narinig ko ang mga salitang “niloloko ka lang naman talaga niya” .

Pparang mas okey pang sinaksak niya ako ng kutsilyo nang harapan. Inabsorb ko na lahat ng sakit at hirap nung tayo pa pero parang hindi pa rin sapat, hindi ka nakuntento, sinampal mo pa ng katotohanan. Napakasama niya sobra, nasasaktan ako pero hindi ko makuha umiyak kasi para saan pa para lalo ko saktan at pahirapan ang sarili ko. Nararamdaman ko kasi lahat ng luha ko ay naipon sa puso at isip ko at nabuo para maging manhid ako..napakasakit pero nakakamanhid.

Pinagsarhan mo na nga ako ng pintuan nagawa mo pa ipitin ang aking mga kamay, wala kang pakialam kahit nasasaktan na ako. Alam ko darating ang araw may ibang taong magbubukas para sa akin, yung iingatan ako na  hindi maipit. Sapat na siguro yung sakit na dinulot mo, huwag ka mag-alala, naabsorb ko lahat nag maayos kahit napakasama mo, hindi ko nakuhang magalit sa ‘yo, pinatawad kita sa ginawa mo pero hindi na kita kayang makita pa...

TAMA NA!!!