Pagkagraduate ko ng elementarya, nagpasya akong sa Maynila na mag-aral kasama ang aking mga tiyahin at mga kamag-anak doon. Tutal naman pumayag sila na doon ako tumira sa kanilang poder.

Mabilis kong inayos ang mga papeles na kinakailangan sa pag-eenroll. Napili ko ang Muntinlupa National High School dahil doon nag-aaral si Kathleen, ang aking pamangkin sa pinsan. Doon din kasi mag-aaral si Shawie na pamangkin ko din sa pinsan. Medyo malayo-layo ito sa aking tinitirhan kasi dalawang sakay, minsan nga tatlo pa e. Nung una, doon din tumitigil ang mama ko. Pero nang maglaon, ako na lang ang nandoon.

Masaya naman ang aking naging karanasan nung first year. Doon ko nakilala ang mga mababait kong kaklase. Pati nga yata first love  e dun ko naramdaman. haha.

Nung first two weeks, magkasabay kaming pumasok at umuwi nina Shawie, pero nung magtagal, ako na lang ang pumapasok at kasabay kong umuwi ang mga kaklase ko. Iba kasi ang schedule nila at schedule ko. Madami din kasi akong naging barkada doon. Lalaki at babae. Dito ko naranasan ang maggala. Paborito naming puntahan ang Festival Mall sa Alabang. Pagkakatapos ng mga exam, puntahan agad kami dito.

Hinding hindi ko din malilimutan nung oras ng bagyuhan, tapos kumukidlat, Brownout pa, E gabi ang labas ko. Suskopo. Grabe ang takot ko.Iyak na nga ako e. Pero hawak ako ni Abie. hanggang sa makalabas ng school. tapos inantay namin ang Starrex nina Leslie. Ayun! Nakauwi naman ako ng ligtas. Hinding hindi ko din makakalimutan ang pumasok ako ng NakaP.E uniform tapos nakaBlack Shoes. My God.  Nakakahiya. haha.

Eto pa. Isang gabi, umuwi ako kasabay ko si babe at yung dalawang barkada niya na kaklase din namin, Syempre yung isa unang bababa tapos yung isa nman hihiwalay na sa amin kasi iba na byahe niya, naulan pa noon, edi kami na lang dalawa sa jeep, tapos nakapatong sa file case ko yung aking hanky, nalaglag, tapos lilimutin niya e lilimutin ko din, muntik na kaming magholding hands. Superkilig kaya ako.

Pagdating sa bahay, telebabad kami ni babe sa telephone. haha. May tampuhan nga kami ni babe nung Valentines day; pinagbati lang kami ng GF niya.(Wew).  haha :) Nung last part na, naranasan kong di magpaalam kay ninang na magsuswimming kami; di kasi ako papayagan. Tandang tanda ko pa noon e. March 29,2oo8 yun. Nalate pa nga ako.  Kaya nung nasa resort na ko nakita ko sila, ang mga lalaki nakashorts na, kaya yun, halatang halata. Masaya talaga ako nung first year.

Bago ako magsecond year, pinatatransfer na ako dito sa Taal, e ayoko pa. Kaya nagpatuloy ako sa Muntinlupa. Ahm, para sa akin, iba na ang Second year. Hindi na gaanong masaya. kasi wala na si babe, di ko na siya kaklase. haha. Pero may friend pa din naman ako. Lagi nga akong utas sa katatawa kay Joziel e. Mababaw lang kasi kaligayahan ko.Pag magkikita kami ni Babe, batian lang. Hindi na masyadong close.  Kung ikukumpara ko kung anong mas masaya, first year or second year? Mas pipiliin ko ang First year. Iba kasi e.

Kapag di ko alam ang assignment ko, text ko lang si ate Tin, reply agad. Sa UPLB kasi siya pumapasok. Tapos nagtransfer na ko dito sa TNHS. Naging magkaklase kami ni cousin Roxane kasi pinili namin yun. Pati yung dalawa naming kapitbahay, masaya din kaso iba pa din nung nasa Maynila ako. Dun ko din kasi naranasang maging Independent. Ok lang ang third year ko.

Pagkatapos nung magfourth year na, mas masaya kaysa third year. Kasi mga kaklase masyadong kalog. pag napag usapan ang cutting. Go! Yung tipong cheating kami sa exam dahil walang alam. Nakilala ko si Bestfriend Irene. Tapos eto pa. Sumali ako sa Mr. Valentines sa room namin, masaya yun, kasali kasi si Rommel. Akala ko noon, guwapo, hindi pala. At take note: Ako ang First Runner Up. hehehe.

Naggagala din kami. Kung saan-saan kaya kami nakakarating. Lagi kaming utas sa katatawa nina Karla dahil sa hayop na si Kathleen, kaklase ko ng fourth year. Dumating sa part na kailangan nang magpaalam ng bawat isa kasi mayroon na kaming sari-sariling landas na tatahakin. College na kasi kami next  school year.

Sa ngayon, may communication naman kami ng mga naging kaklase ko sa Muntinlupa through Facebook at text.

Yan ang aking High School life. Masaya. NakakaMISS, puro Babe..