Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig? Hanggang ngayon wala pang tunay na pakahulugan ito kung kaya’t ang bawat isa na lang ang nagbibigay ng kahulugan nito. Naniniwala ba kayo sa salitang “Destiny”? Tunay nga ba ito? Mayroon pa kaya nito sa ngayon?

Pagsinta, paglayag, pagkasi, pag-irog… Mga salitang may kaugnayan sa salitang pag-ibig.

Isang araw, nakilala ni Ineng si Tutoy… Habang naglalakad si Ineng sa kanyang harapan ay nabighani si Tutoy. Love at the first sight kung tawagin ng mga kabataan sa ngayon. At habang tumatagal pa ang mga araw ay lubos na nagkakilala si Ineng at si Tutoy.

Naging matalik na magkaibigan sila. Ipinagtapat na ni Tutoy ang kanyang nararamdaman kay Ineng ngunit naroon pa rin ang pangamba na kung sakaling ipagtapat niya ang kanyang nararamdaman ay baka mawala ang dati nilang samahan na more than best friends kumbaga… Kaya mas pinili niyang itago na lang ito. Ngunit hindi niya alam may pagtingin din sa kanya si Ineng.

Dumating ang hindi inaasahang araw na lumayo si RJ at pumunta sa Maynila upang doon mag-aral kasama ang mga kapatid nito.

Lumipas na ang mga araw , gabi at buwan, nawalan na ng komunikasyon silang dalawa. Nang dahil sa pangungulila ni Ineng kay Tutoy, nagawa niya itong tawagan upang kamustahan ang kalagayan nito. at sinagot naman nito ang tawag.

Inamin na ni Tutoy na kaya pala lumayo siya  ay para may mapatunayan ito sa kanya upang sa pagdating ng araw na magkaroon na siya ng lakas ng loob na ipagtapat ang  kanyang nararamdaman ay may masasabi na siya na kaya niyang patunayan na siya ang tamang lalake para kay Ineng at bumuo sila ng isang masayang pamilya.

Nang malaman ni Ineng ang tungkol dito, labis siyang natuwa. At pag-uwi ni Tutoy ay nagpakasal sila  dahil alam nila na mahal nila  ang isa’t isa.

Pag-ibig nga naman, Walang pinipili.