by
on
under , , , , , , , ,
tagged , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Aimee Ampalaya

Wanted: Ideal Man

About Aimee Ampalaya

I love adventures. Loves 'Tom and Jerry', I also love debate, not a politician but I do stand to what i believe is right. Twitter: aimeeindubai

How to be a Good Boyfriend  (Photo Credit:  Wiki.how)

How to be a Good Boyfriend (Photo Credit: Wiki.how)

Heto na, dahil babae ako, isisiwalat ko sa buong sanlibutan ang mga katangian ng isang lalaki na dapat mong hanapin.

Tulad ng mga lalaki, ang mga babae ay iba-iba rin ang ‘ideal boyfriend’. Pero ewan ko lang ha, kasi sa dami ng ‘t*nga’ sa panahon ngayon baka wala ni isa sa mga babanggitin ko ang katangian ng kanilang boyfriend. Magbasa nang mabuti, kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay. Hahaha. Biro lang po.

Paunawa: Ito po ay isang blog lamang. Kung sasang-ayon kayo o hindi ay  nasa inyo na ang paghahatol.

Ideal man, marunong magluto. Vise versa lang naman, kahit hindi siya talaga marunong magluto, atleast mag eeffort  talaga siya. Kumbaga, magpapakitang gilas siya kay girlfriend. Gusto naming mga babae ang pinag-eefor-tan kami. Try mo magluto, kahit binudburan mo pa yan ng isang sakong asin..masarap pa rin yan para sa amin.

Ideal man, marunong rumispeto sa nararamdaman ng babae at sa babae mismo. Hindi siya mag te-take advantage, kung medyo madrama ang girlfriend, uunawain niya ito. Hindi niya pinipilit si girlfriend kapag ayaw muna nito makipag-sex (parental guidance).

Ideal man, hindi pinapaiyak ang babae. Wapak! Sino sa inyo ang hindi ‘pa’ nagpapaiyak ng babae? Ang ideal man ay hindi hahayaang umiyak ang girlfriend sa kahit anong dahilan at hindi niya bibigyan ng rason para masaktan ang girlfriend. In otherword, ang babae minamahal hindi pinapaiyak – Quote mula sa isang Ideal man.

Ideal man, mala-superhero – ipagtatanggol niya si girlfriend sa bitch na kasabunutan niya. Ipangtatanggol niya ito sa kahit kanino.Handa siyang makipagsuntukan o makipagsampalan sa sinumang mambabastos sa girlfriend. Ang ideal man ay laging nasa likuran ng girlfriend, hindi siya mauuna sa paglalakad.

Ideal man, marunong magpatawa. Gusto naming mga babae ang hindi boring kasama, kaya kahit corny basta may trill ang samahan, highest level ang relasyon nyan. Kung wala kang talent sa pagpapatawa at gusto mo siyang tumawa, eh di kilitiin mo ng bongga. Mga pare, hwag lang po sobra dahil baka matigok. {Trivia: Alam nyo ba na ang sobrang kiliti ay nakamamatay? Oo totoo, itanong mo pa kay Google.}

Ideal man, walang ka textmate o ka chatmate. Tulad ng lalaki, ayaw din naming mga babae ang may epal kang ka textmate dahil nature kaming selosa. Ang ideal boyfriend ay hindi pinagseselos ang girlfriend dahil maaaring humantong ito sa away.

Ideal man, ay laging may time para sa girlfriend. Kahit gaano pa siya ka busy, maglalaan pa rin siya ng oras para makausap o kumustahin o makasama ang girlfriend. Gusto ng mga babae (lalo na ako) ang lagging kasama ang boyfriend.

Ideal man, hindi nagpapalibre sa girlfriend (please, mahiya ka naman). Pwera nalang kung wala ka talagang barya o aminado kang walang pera. Ok lang din kapag first time o second time kang magpapalibre..hwag ugaliin.

Ideal man ay protective. Pinangangaralan ang girlfriend dahil ayaw niyang mapahamak ito. Siya yung mala-tatay mo kung makasita kapag may ginawa kang mali.

Ideal man always tell the truth. Wala namang gusto pinaglilihiman, kung alam mong may nagawa kang mali, tell her. Mas makabubuti kung magalit siya sa iyo dahil nagkamali ka kaysa ipagsisigawan niyang sinungaling ka.

Ideal man never cheats. Ever. Dahil ang ideal boyfriend ay marunong makontento sa isa. If you do, get prepared for a slap. Or kung mag asawa na kayo, pakitago ng mga kutsilyo at gunting, dahil baka putol ang masasayang araw mo.

Ideal man ay hindi mahilig magbigay ng compliment sa ibang babae. Hindi siya mahilig tumitig o tumingin sa ibang babaeng nakakasalubong niya.

Ideal man ay malambing. Inaalo niya ang girlfriend kapag umiiyak ito o kaya ay  pinapangiti niya ito kapag nalulungkot si ‘ksp’ girlfriend.

Ideal man ay inuuna ang girlfriend kesa sa mga barkada. Mas masaya siya kapag kasama niya si girlfriend. Mas inuuna niyang samahan ang girlfriend kaysa sa inuman nila ng barkada.

Ideal man ay marunong mag appreciate sa effort ng girlfriend. Palagi niyang pinaparamdam na importante sa kanya ang girlfriend. At kahit hindi siya ng ‘I ilove you’ in words pinaparamdam naman niya ito.

Ideal man ay hindi ‘two-timer’, ang ideal man ay walang kabit. Ang ideal man ay totoo sa sarili, kapag hindi na niya mahal ang isang babae, sinasabi niya ito at hindi niya ginagawang tanga.

Ikaw, matatawag ka bang ‘Ideal Man’?


You may also like these articles:

  • shin

    you wrote (read) my mind Ms. Aimz! lol amazing piece!
    sa lahat ng lalaki na against sa post, i bet na-realize ninyo na 1 lng yung katangian na (somehow) meron kau, of all that was stated in this blog. and yun ay yung – Ideal man, mala-superhero – “Handa siyang makipagsuntukan sa sinumang mambabastos sa girlfriend” and the only reason is NA.AAPAKAN PAGKALALAKE NYO if merong umeepal sa girlfriend nyo, be it seryoso or plain nambabastos. lol

    but nevertheless, tama na yung alam mong mahal ka.. kasi kahit ano mn siya nuon -babaguhin at babaguhin nya sarili nya to make you happy ( kahit naman tayong mga girls, tinatry natin to be worthy para sa kanila).. that’s what makes a man IDEAL!

  • iambelle

    I think I can say that some traits of an Ideal Man in this blog fits my boyfriend..hehehe I’m soo proud to say that these traits still exists in some men…nice blog ms.Aimee…

    • aimeeindubai

      Wow..good luck sa iyo iambelle, good to hear that..you must be lucky to have him. Itali mo na ha..alam mo naman maraming grabbers.

  • Bitsobitso

    Pag ang isang lalaki tunay na nagmamahal at tunay din na minamahal, nagbabago ito at tumutugma sa ideal man mo..Handa ka nia ipagtanggol at ipaglaban…kahit corny sia sa paningin ng ibang tao,sigurado laglag ang panga mo sa pagtawa at sigurado ako na kahit magloko ito ay pipilitin mo sa sarili mo na patuloy siyang tapat sa iyo….Yan ang pagmamahal,babaguhin ang standard mo

    • aimeeindubai

      Wow, parang talagang mula sa puso ang koment ah..tama ka..

  • RiderKick

    hmm.. ideal man? im sorry to say pero sa totoo lang HINDI YAN NAG EEXIST. ang paghahanap sa tunay na pagmamahal ay ung pagtanggap sa isang tao, sa lahat ng aspeto kesyo pangit o maganda. Pero wag mag alala, darating ang taong “pasok” sa buhay mo 🙂

  • ip-yon

    Ako aminado na sabit sa maraming bagay sa sinulat mo Ms. Aimeedubai. Para sa akin kung mahal mo ang isang tao handa kang tanggapin ang lahat sa kanya. Hindi natin kailangan ng ideal men or girl pag nagmahal ang pag ibig ay hindi sinusukat kaya nga may mga martir kung magmahal kaya nga sinasabi na bulag ang pag-ibig.

  • jennifer

    All i know…kapag ganyang may katangian kang hinahanap bilang isang “ideal man” para maging bf mo…dapat ikaw rin ay ganun …its always a two-way street..imagination mo na lamang ang mga ideal man. magpakatotoo ka dahil suertehan lamang kung makakatagpo ka ng iyong ideal man.

    • aimeeindubai

      Tompak..ang hirap hanapin ng ideal man..ang importante lang naman sa lahat above all ay yung hindi ka papaiyakin, or yung mamahalin ka ng tapat.