by
on
under , , , , , ,
tagged , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author prodigal_klown

“Radio Romance”

About prodigal_klown

Ay naniniwala sa sariling kasabihan na... "Hindi porke wala nakakaintindi sayo ay Artist mo ng matatawag ang sarili mo..."

http://blog.xorn.org/?p=Automated-Stock-Trade-Software Automated Stock Trade Software

Stock Broker Trainee Jobs Nj

On Friday On Forex

Bases Of Trading Forex Reporting Canada

Binary Option Trading Australia Yes Or No

CELIA: (habang nagluluto) Aba may kumakatok..ang aga yata umuwi ng asawang kong si Celso.Teka bibitawan ko muna ang hawak kong kutsilyo at bubuksan ko ang pinto..heto na ko sa tapat ng pinto..

CELIA: Binuksan ko na ang pinto..Huh!! nagulat ako..Romy anong ginagawa mo dito? Lumayas ka na tapos na ang lahat sa atin umalis ka na at baka maabutan ka pa ni Celso..!! Ibabagsak ko ang pintong hawak ko dahil galit ako sayo..heto na ibabagsak ko na para di ka makapasok..!!

ROMY: Teka sandali..hawak ko ngayun ang pinto kaya hindi mo ito naibagsak..pinipigilan ko ito kahit pilit mong sinasara..Aaaggghh..!! pinipigilan ko pa din..Celia mag-usap tayo papasukin mo ko.. Asawa mo lang si Celso pero ako pa din ang mahal mo! pinipigilan ko pa din ang pinto..hayan binitawan mo na ang pintuan.

CELIA:Umaatras ako ngayun habang kinakausap kita Romy ano ba ang kailangan mo sakin.. nakayuko ako ngayun Romy dahil totoong ikaw pa din ang mahal ko.ngayun naiiyak na ko may luha na ang mata ko..

ROMY:Lalapit ako sayo ngayun Celia para hawakan ang mukha mo..heto na ko sa harap mo at hawak-hawak ko na ang mukha mo.wag ka ng umiyak nandito lang ako para magpaalam..hahawakan ko ang buhok mo at nakatitig ako ngayun sa labi mo..hahalikan kita..heto na malapit na ang labi ko sa labi mo Celia..

CELIA:Ooohh Romy mahal na mahal kita at hinahalikan mo ngayun ako sa leeg.. Nag-aalab ang pagmamahal ko sayo Romy..oohh Romy hinihimas ko ngayun ang likod mo..( at may humintong motor sa harapan ng bahay ni Celia)

COMMERCIAL: Seiko ,Seiko wallet,ang wallet na masuwerte..Balat nito ay genuine, international pa ang mga design..Ang wallet na masuwerte..Seiko, Seiko wallet..!! Seiko, Seiko wallet..! (balik na sa drama)

CELSO:Mabuti naman at maaga ako nakauwi ngayon..Bumaba na ako sa motor at naglalakad na ako papalapit sa pinto..Binuksan ko na ang pinto ngayon.. Nagulat ako..!! Aha..!! Anong ginagawa ng lalaki na yan sa pamamahay ko?! Pupunta ako sa kusina para kunin ang kutsilyo..Heto hawak ko na ang kutsilyo at sasaksakin kit, Romy..Heto na tumatakbo ako ngayon at sasaksakin kita..!!

ROMY: Hhuuggh aahh..!! Nakailag ako.. Pero nadaplisan ako sa braso..may dugo ngayun ang aking braso.. Ayan na nman si Celso at sasaksakin ako ulit..Iilag ako at tatalon..HHuuugghh aahhh..!!

CELIA: Aawatin ko kayo at hawak kita sa braso ngayun Celso habang tumutulo ang aking luha at sisigaw ako ngayun..Tama na..!! Tama na..!! hawak-hawak kita sa braso ngayun Celso..

CELSO: Bibitawan ko na ang kutsilyo Celia..(tog..!) hayan bumagsak na sa sahig ang kutsilyo at hindi ko na hawak ito..Ngayun Celia mamili ka sa amin ni Romy kung sino ang mahal mo at tumutulo ngayun ang luha sa aking mga mata..hayan na bumagsak na ang luha ko sa pisngi ko Celia..

CELIA:Nakayuko ako ngayun Celso at lalapitan ko si Romy..Hawak ko ngayun ang braso ni Romy na may sugat..Oo Celso..!! Si Romy ang mahal ko at nakayakap ako ngayun sa kanya..

ROMY: Nakahawak ako ngayun sa braso kong may sugat Celso at magpapaliwanag sayo..Sana irespeto mo ang desisyon ni Celia..Tumutulo ngayun ang dugo sa braso ko Celso..

CELSO: Luluhod ako ngayun at sisigaw Romy..Heto nakaluhod na ko sa sahig..Tama na..!! Lumayas na kayo..!! nakaturo ako ngayun sa pinto para paalisin kayo..!!

CELIA:Sabay kaming tatalikod Celso para lumakad papalapit sa pinto..Salamat at pinalaya mo kami ni Romy..Heto na naglalakad na kami para lumabas ng pinto..

CELSO:Dadamputin ko ngayun ang kutsilyo at sasaksakin kita Romy..!! Heto na ko Romy hawak ko na ang kutsilyo at papalapit na ako sayo..hindi mo ako makikita kasi nakatalikod ka..!! Heto na sasaksakin na kita..!! Tsuk..!! Tsuk.!!

ROMY: Aaaagggghh..!! Nasaksak ako sa likod at babagsak ako ngayun sa sahig habang hawak-hawak ko ang mukha mo Celia..Heto na babagsak na ko sa sahig..(bag..!!) nasa sahig na ko Celia..

CELIA:Luluhod ako ngayun sa sahig para yakapin kita Romy..Heto na nakaluhod na ako at yakap-yakap na kita.. Sisigaw ako ngayun at titingala at isisgaw ko ang pangalan mo Romy.. Rrrooommmyyy..!!!! hayan sumigaw na ko Romy at pumapatak ang luha ko sa mukha mo Romy at basa na ang pisngi mo..

RADIO COMMENTATOR: (background music) Ano ang mangyayari kay Celia ngayung nasaksak si Celso si Romy..Saan hahantong ang kabanata ng buhay ni Celia..Abangan dito sa pinamagatang Mr. ROMANTIKO…

Oh ano? Di ba ganyan ang mga eksena sa radyo..Sa ngayon yan muna; sa susunod horror naman kung naaalala n’yo pa ung GABI NG LAGIM…
-JET

author:  prodigal_klown

p.e./mj