by
on
under , , , , , , ,
tagged , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Aimee Ampalaya

Pilipino sa Ibang Bansa, Yumayabang

About Aimee Ampalaya

I love adventures. Loves 'Tom and Jerry', I also love debate, not a politician but I do stand to what i believe is right. Twitter: aimeeindubai

check What Is A Pip In Binary Options High Low Strategy

What Hours Can You Trade Binary Option Meaning

http://automotorblog.com/?option=Wealth-Mentors-Option-Trading Wealth Mentors Option Trading

http://bmwcoop.com/?option=Training-For-Home-Care-Business Training For Home Care Business

http://bmwcoop.com/?option=Anyone-Make-Money-Trading-Binary-Option-Free-Demo Anyone Make Money Trading Binary Option Free Demo

Ilan sa mga ka-oa-han at at kaartehan ng ilan sa mga kababayan na madalas talagang magpapataas ng kilay mo ay ang mga sumusunod:

**Naka-short sa Disco o Mall— Alam naman nilang bawal ang short sa UAE, at alam nilang mga malilibog ang mga tao sa paligid nila, at alam nilang sa disco o mall ang destinasyon nila at ibinabandera pa talaga ang legs nila. Tapos kapag nabastos, tatawag ng pulis. Respetuhin mo kasi ang sarili mo ‘te. Isipin mo ang pamilya mong naiwan sa Pilipinas. At wala ka na sa Pilipinas, respetuhin mo rin sana ang customs at tradisyon ng mga Arabo.

**Kapag nakabunggo mo sa daan, parang hindi nakakikilala ng Pilipino. Isnab, ni hindi marunong mag-sorry.

**Kapag nasa mataas na antas ng trabaho—kung makakuwento tungkol sa trabaho niya, akala mo ilang libong derhams ang sahod niya. Kesyo gustong- gusto siya ng boss niya, kesyo ang galing-galing niya sa field na yon. Yayain ko kaya magsulat ng blog sa DF o kaya bakit di na lang sa MMK niya ikuwento?

**Kung magkuwentuhan daig pa ang may-ari ng United Arab Emirates. Naku po! Ang lalakas ng boses, parang nasa Pilipinas lang. Parang sila lang ang tao sa paligid, hindi nila alam, pinagtitinginan na sila ng mga ibang lahi.  Nagmumukha tuloy silang tanga.

**Ang suot—kahit sobrang init, na para na ngang hell, makikita mo si kabayan, naka-boots with leather jacket pa, hanep ang dating; malamang akala niya nasa London siya. Ibagay mo rin sana, kabayan, nasa gitnang silangan ka.

** Kung makipaglampungan sa ibang lahi—PDA, Minsan, este, madalas ang eksenang ganito; Pilipina sakay ng kotse ni foreigner. Makikita mo talaga sa itsura ni kabayan na sobrang haba ng hair niya, kapag nginitian mo, mapapahiya ka na lang dahil hindi ka papansinin. Todo kung makahawak sa braso ni foreigner, akala mo aagawan.  Bili mo ko nito, bili mo ko niyan. Buti sana kung hindi ipinanganak si foreigner noong 1965, malamang ma-iinggit ako.

**Hihiram ng pera—Ito talaga yong nagpapakulo ng luha ko. Si kabayan, nangutang sa akin, awang-awa naman ako kasi sabi niya, nasa hospital ang anak niya na naiwan sa Pilipinas. Nagmamakaawa rin kasi siya sa akin, sabi niya, sa sahod niya ako babayaran. Pumayag naman ako, kabayan eh, sino pa ba magtutulungan?  Anak ng bagoong, nakailang buwan na ng sahod, hindi man lang ako naaalalang bayaran, 500 Dirhams din yun. Nakasalubong ko minsan sa palengke, iniiwasan na ako. Mabansagan ngang ‘mandurugas’ .

**Balik-bayan– Balik sa bayan, natural naman siguro na dagsain ka ng mga magungungutang mong kapitbahay. Kumpare at lahat ng nakakakilala sa iyo kapag nabalitaang umuwi ka na galing ibang planeta. Pero ang ilan sa OFW, hindi na ang dating simpleng Pilipino na noon ay kilala mo. Ang tao talaga nagbabago. Minsan, parang hindi na kilala yung dati niyang kakilala, minsan pa nga isnab na.

Ewan ko kung bakit ang ilan ay may ganyang ugali, hindi naman kasi porke nasa ibang bansa ka ay nasa taas ka na at nakakalamang ka na sa kapwa. Hindi ganun yun, bawat tao ay pantay-pantay sa mata ng Diyos, kaya sana matuto tayong makibagay at rumespito sa ating kapwa at paligid.  Huwag mo laging iisiping mas nakakaangat ka sa kapwa mo.  Be fair, be humble, and stay the same. Nasaan na ang pagiging palakaibigan nating mga Pilipino kung kababayan mo hindi mo kayang suklian ng simpleng ngiti man lamang.

Ikaw, anong karanasan mo sa piling ng kapwa mo Pilipino?

author:   aimeeindubai

p.e./mj

Enhanced by Zemanta

  • Jhacque

    tama……may blogs din ako hinggil dito hehehehe hindi nga lang ata nabasa sa daming nagsubmit….hehehehe

  • Ofelia Borlagdan

    i second the emotion… ah este the motion. so true… as in totoo talagang talaga… pag ang pinoy talaga nag abroad yumayabang (HINDI NAMAN LAHAT KARAMIHAN LANG). Based from my own experience… mga kasamahan ko sa work kapwa ko pinoy, meron dto matagal na sa dubai pero di nakakahanap ng magandang work so ang ending dto nag apply sa work, so syempre since mas matagal sa akin sa dubai ang daming paandar at payabang na kung anu-ano di ko na lang iniintindi kasi di namn ako intresado at di ako yayaman sa mga pinagsasabi nila. Meron din na bagong dating sa dubai syempre pademure pa bagong pasok tuturuan ko after awhile kesyo nga kasi galing callcenter sa pinas icocompare nila ang trabaho nila dun sa pinas at trabaho nila dto sa dubai… pagkatapos pag medyo matagal tagal na sa dubai at sa work ayun na lalabas na ang yabang… hay ewan ko basta ako pag ganun na ang usapan aalis na lang ako mas mabuti pa mag-isa ako kesa makinig sa mga pinagyayabang nila. kaya pag may inuman di rin ako nasama kasi alam ko na kung ano maririnig ko puro kayabangan … wala din namn… puro din nman utang, hay naku talaga.. hindi nman sa bitter ako sa kapwa ko pinoy pero yun kasi ang napapansin ko… meron pa nga unang salta ko sa dubai last year nagtanong lang ako SA KABAYAN kung anong bus ang sasakyan papunta ng pinakmalapit na metro station tinarayan lang ako na akala mo pagkalaki laki ng utang ko sa knya buti na lang may mama nakakita sa akin na naliligaw na ako kaya ayun nakarating din ako sa accomodation ko… grabe na sila heheh

    • di ko naman masasabing mayabang. Mga napasakan lang ng hangin sa utak ang ganun. pero kung tutuusin, marami talagang magiging pagbabago sayo or sa ating mga nasa ibang bansa kapag umalis ng Pilipinas.

      Una, namulat ang mga mata natin at nakilala ang ibang kultura. at dahil nakatira tayo sa kulturang banyaga sa atin, tayo ang sumang-ayon, makiayon at makisama, hindi yung tayo ang pakikisamahan. mahirap kaya yun. Kaya kung nagbago man si kabayan, isipin natin, meron din namang nagbago sa atin. di naman kayabangan yun.

      Patagalan system din ang umiiral. Matagal na sila sa trabaho o matagal na sila sa bansa kaya syempre, nandun yung angas or feeling superior. Problema, di naman magawa ng maayos ang trabaho. Kaya ang ending ng iba, sisiraan ka pa. Bitterness! hahaha! Di lahat nadadaan sa “boka” at patagalan. hindi sukat ang tagal mo sa bansa para di ka nila itsugi. kaya ayusin na lang ang trabaho.

      by nature, masayahin ang pinoy at palakaibigan. Kaya nagugulat ako kasi kahit palakaibigan ang pinoy, ayaw nila sa ibang lahi. mga kaibigan ko kasing ibang lahi ang nagsasabi, bakit daw ayaw silang kasama ng pinoy? di naman daw sila nangangain… hahaha! sabi ko naman, ayaw nilang mag-english kaya ayaw nila sa inyo. pero bakit daw ako, okay lang. sabi ko, ayaw ng pinoy sa akin, kasi para sa kanila mayabang ako. ganun talaga ang life ng OFW!

      • sorry… for main reply pala dapat ‘to. pero pwede na rin dito! thanks! 🙂

      • spizzles

        Well Said! lalo na ung last part!

        “ayaw ng pinoy sa akin, kasi para sa kanila mayabang ako. ganun talaga ang life ng OFW!”

        – Bebekoh

        P.S
        Dami kong tawa dito! haha!

  • aimeeindubai

    Thank you for reading my article. No more further comment.

  • spizzles

    miss first of all tingin ko masyado kang bitter sa mga pilipino sa UAE hindi dahil nagshoshort sila sa mall eh mayabang na sila *as what the title is* and hindi dahil maingay sila eh nakakahiya na sa ibang lahi, bakit ang ibang lahi ba di nag iingay? teka isa pang napuna ko eh yung sinabi mo na nilabas lahat ni kabayan lahat ng gadgets nya? eh kung ibang lahi gumawa nun? lalo na kun PUTI? tingin mo ba mapapansin mo un? hindi siguro kaya kahit anung gawin natin PILIPINO parin sila bago mo punahin ang nakikita mo sa mga pinoy punahin mo nuna ang mga tao na nasa paligid mo lang.

    Try mo pansinin ang mga ibang lahi lalo na ang mga puti, have you ever tried to be in an english pub sa Dubai? mas grabe sila naghahalikan, mas maingay, mas wild.

    Pansin ko lang bakit ang pilipino puro reklamo sa kalahi niya lalo na pag nasa aborad dahil ba di matanggap ng pilipino na minsan may kapwa sila OFW na mas mataas ang narating kesa sa iba? sa totoo lang kung iisipin mo ayus lang magyabang ang isang tao kung may ipagyayabang naman siya.