by
on
under , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
tagged , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Dhors

NO to Philhealth Increase!…Sigaw Ng Mga OFW? Wait lang Hindi raw nila ito napakikinabangan?

About Dhors

Stressed ka ba? May problema ka ba? Tara!...Huwag magmukmok. Magbasa tayo at kung gusto mo magsulat ka na rin. - a mother of 2 who love to cook.

Forex How To Build The Trend Channel

Obv Forex Ema 1440

How To Earn Money New An Idea

http://danstasiewski.org/?option=Trader-24-Binary-Options-On-Iphone Trader 24 Binary Options On Iphone

Binary Option Profit Potential Robot

Pero para sa pahapyaw na kaalaman; ang mga OFW’s na mayroon payment na 120 months at dumating sa retirement period na, automatic ay mayroon na kayong lifetime membership na puwede ninyong magamit kapag napagod na kayo sa pagiging OFW.

Kapag nandito na kayo sa Pilipinas at mayroon nang mga rayuma na lumala at me Diabetes na dahil sa sarap ng “dates” or chocolates at ice cream na madalas pagbuntunan ninyo ng inyong depression at pagka-homesick.  

Parang SSS din iyan na kapag naka 120 months ka ng hulog ay automatic na mayroon kang pension at the age of 60.  OO, tama iyang mga nababasa mo na iyan.  At marami pa! Umpisahan natin sa actual na experience ko bilang member, kasama  ng aking asawa na OFW.

Knock, knock…buksan po muna ang inyong isip at alamin ang mga detalye.

Sa aking sariling opinion,  alam ko na marami ang magre- react at  baka mabato pa ako ng masasakit o maaanghang na salita (pati na pagmumura, pero okey lang tatanggapin ko dahil mayroon lang akong gustong ipaunawa at dagdag information na din kung ito ay inyong bibigyang-pansin), kaya please lang po sana bigyan ninyo ng kaunting oras ang blog na ito na aking pinagpuyatan para lamang makapaghatid ng saloobin ko sa lahat at maibahagi ito sa inyong mga kapamilya, kaibigan, magulang at sa lahat ng mga hindi pa lubos na nauunawaan kung ano ba talaga ang layunin ng Philhealth sa ating buhay pang araw araw.

Nalulungkot ako sa aking mga nababasa na tulad nito: (kaya ako nagdesisyon na iparating sa inyo ang kalinawan)

1Dagdag pahirap na singil para sa aming mga OFW, hindi naman kami nakikinabang.

2.Hindi totoo yan na pakikinabangan; ang totoo kukurakutin lang ng gobyerno iyan.

At marami pa, na hindi ko na puwedeng isa-isahin dahil hahaba masyado ang blog na ito.  Sobra lang akong nalulungkot.  Hindi dahil sa increase,  kundi dahil sa aking palagay, marami ang hindi pa nakararanas na mapakinabangan ang kanilang membership fee o iyong mga ibinabayad nila sa POEA (makikita po ito sa resibo : Philhealth P1200) bago pa man sila umalis bilang OFW.  Monthly payment po para sa mga local employed lamang na direct kinakaltas sa suweldo at sa mga voluntary members.

Isa din ako sa member ng Philhealth (locally).  At lahat ng mga empleyado ko ay member ng Philhealth, aside sa Philhealth member kami lahat, mayroon pang health provider ang kompanya.  At salamat dahil nauso ang Philhealth at ang mga Health provider or Health Insurance lalo na sa panahon ngayon.

Dito sa Pilipinas “Bawal magkasakit”, at bakit? Dahil sa Hospital bills pa lang, for sure, hindi ka sa sakit mo maco- comatose, kundi sa ilang digits na makikita mo na parang metro sa bilis, araw araw, lalo na kapag ikaw ay na confine.  Paano na ang mga walang pera? Emergency na nga, mayroon pang mga hospitals na ke dami daming interview, tapos sasabihin hindi puwede kasi kulang pala ang pera mong dala pang downpayment, etc.

Member na ako ng Valuecare (free ng company) up to 70K ang coverage nito kada sakit (iba’t-ibang sakit).  Ang masaya doon kasi pirma lamang ako nang pirma sa hospital mapa-emergency o check-up lang at kapag na-confine din ako. At kapag lumampas sa 70k ang bill ko, iyon lamang ang babayaran ko, pero minus na doon ang kinaltas ng hospital bilang sagot ng Philhealth.  Depende kung saang category nabibilang ang aking sakit.

Kapag hinde naman gaano kakomplikado ang sakit, mababa lang ang ikakaltas ng Hospital na sagot ng Philhealth.  Tulad nang n confine ang anak ko dahil sa lagnat; walang tigil, 3 days sa hospital at inabot ang bill ko ng P7k+. Ang binayaran ko na lang ay nasa nasa P4200.

Malaki ang discount, di ba?

At isa iyan sa dahilan kung bakit malaking tulong sa akin ang Philhealth. Dahil bukod sa akin, pati ang mga anak ko ay covered, pati na din ang mga magulang natin na nasa 60 na ang edad pataas.  Siguraduhin lamang na naka-update sa inyong MDR (Member Data Record ) ang lahat ng mga qualified beneficiaries ng bawat OFW o Member.

Ang tatay ko ay na- admit last year sa sakit sa liver at umabot sa 35k ang bill na binayaran namin, since ang aking mother ay isang brgy. worker sa province, member ng Philhealth (wala pang 60yr old) at mayroong program ang Philhealth na sinasagot ng mga local government ang bayad nito para sa mga indigent members tulad ng nanay ko at para sa mga senior citizen tulad ng biyenan ko noon na nakinabang din.

Ang mga sumusunod na mga pakinabang na aming nakuha sa pagiging member ng Philhealth bukod sa nabanggit ko sa taas:

Bill ng tatay ko sa PGH,  5 days sa liver ang sakit P 32k ang total bill. Hindi kasama ang mga gamot na nabili sa labas na umabot ng 8k total lahat ay 40k.

Since hindi umabot ang resibo at kailangan nang lumabas, binayaran naming lahat ang bill at humingi ng medical record at mga kaukulang papeles na kailangan namin para personal na kami mismo ang mag claim sa Philhealth office sa Quirino Taft avenue Manila. Wait kami ng within 45-60 days at nang tinawagan ko, mayroon nang cheke na refund ang Philhealth na ang amount ay P14,650.00.

SA HALAGANG P1200 na membership sa loob ng isang taon, ito ang ibinalik na benepisyo ng Philhealth.  Ang ending?   Since merong refund at ang tatay ko ay hindi muna puwedeng magtrabaho, ito ay ipinadala ko sa kanila para pang suporta sa pang araw-araw nila.

  1. Anak ko eldest typhod ang sakit, year 2006, almost 1 month sa hospital at ang bill ay umabot ng 60k+, ang binawas ng Philhealth 7k lang.   After 45 days, tinawagan ko ang hotline ng Philhealth at inalam kung magkano ang sinagot ng Philhealth. Nalaman ko na umabot ng halos 19k+, pumunta ako sa ospital kung saan na admit ang anak ko, dala dala ang record na nakuha ko sa Philhealht ( take note:  yung iba na tama ang address, matatanggap ninyo ito sa pamamagitan ng koreo)  I suggest na personal ninyong alamin mismo sa opisina kung saan ang malapit sa inyo na Philhealth.

Nakuha ko sa ospital ang refund ng Philhealth na halagang  nasa P12k+

TAKE NOTE MARAMI ANG HINDI NAKAAALAM  SA # 2 NA PUWEDE  I- CHECK KUNG TAMA ANG KINALTAS NG HOSPITAL AT KUNG MAS MALAKI ANG BINAYARAN NG PHILHEALTH. ITO AY PUWEDENG  I-REFUND NG HOSPITAL SA INYO.  KAPAG HINDI  NI-REFUND NG HOSPITAL, ILAPIT NINYO SA PHILHEALTH OFFICE kung SAAN KAYO MALAPIT.

MAY TIME LIMIT PO ANG PAGRE REFUND KAYA KAILANGANg TANDAAN ANG PETSA KUNG KAILAN NA-ADMIT AT NA-DISCHARGE ANG PATIENT AT ANG NAME NG PRINCIPAL MEMBER AT PATIENT.

  1. Biyenan ko 60yr old above, 2 mata kailanganG operahan, walang pera pang paopera ang mga anak.  OFW ang aking asawa at hindi siya nakapasok na dependents or beneficiary.  Mayroong project ang munisipyo ng Pasay para sa mga may katarata, basta member ng Philhealth, walang babayaran, gamot lang na pampatak, nasa 800 lahat.  Lahat ay sagot ng Munisipyo at ng Philhealth.  Sa private hospital nasa 60k ang operasyon ng katarata pababa, 2years ago pa iyon.
  2. Kapag nanganak ang inyong mga asawa sa hanggang pang-4 na anak ay covered pa rin.

‘Hindi man kayo makikinabang na mga members dahil nasa abroad kayo, pero ang pamilya na naiwan ninyo ang puwedeng makinabang, at kayo na din dahil maiiwasan ninyo ang mangutang nang napakalaki dahil walang pera ang naiwan ninyo sa Pilipinas”.

At kayo na mga OFW, habang nandito kayo sa Pilipinas at nakabakasyon at sa hindi inaasahan ay nagkasakit at wala na ding pera, ngayon ninyo mapakikinabangan ang binabayad ninyo sa Philhealth.

TIP: 1. Bago umalis, ayusin lahat ng dependents, i-update, dalhin ang birth certificates, Xerox ng NSO at kapag natapos na ay ipasok magpa print ng MDR.  Kapag hindi nagawa, iwanan o itago ang resibo ng binayaran sa POEA at iyon ang ipakita sa Philhealth kapag mayroong na-admit para makakuha ng MDR.  Kapag hindi asawa ang mag-aasikaso,  maaaring kapatid ngunit kailangang mayroong authorization letter galing sa inyo, resibo at kopya ng contract ninyo.

  1. Ang 1200 ay good for 1 year lamang at kailangang  naire- renew ito yearly. IMPORTANTE ANG RESIBO, ITAGO dahil ito ang unang hihingiin ng hospital kasama ang MDR. At ito din ang kailangan para makakuha ng MDR ang inyong naiwan dito sa Pilipinas.
  1. Pasintabi, gusto ko lang magbigay ng idea:   P2400/12mos.=200/month…. sa 30 days = 6.67 per day.  Para lang tayong bumili ng kendi araw-araw na ang halaga ay 6.67 o ‘di kaya’y sigarilyo.  After 3 years of paying, at  mayroon nagkasakit, tulad sa tatay ko  sa liver at ang bill ay aabot ng tulad sa kanya at narefund ng Philhealht ay tulad din sa tatay ko na halos 19k mahigit, ex. 2400 x3years=7,200 total hulog, so magkano lahat ang naitulong o napakinabangan natin sa Philhealht?  (sagot = 11,800).
  1. Bisitahin ang link na ito para sa mga dagdag kaalaman http://www.philhealth.gov.ph/members/overseas_workers/registration.html http://www.philhealth.gov.ph/about_us/
  1. Puwede rin ninyong i-member ang inyong kapamilya dito sa Pilipinas para doon sa mga immigrant na sa abroad bilang tulong ninyo.
  1. Puwede po kayong magcomment direct dito; kung mayroon kayong gustong malaman o itanong at willing ko pong sasagutin lahat during free time para sa mga dagdag kaalaman o mayroon mga problem regarding sa Philhealth membership. Kusang loob, bilang tulong ko, bilang isang kababayan at mamamayan ng Pilipinas

 

author:   Dhors

p.e./mjoyce

Enhanced by Zemanta

  • maria clarisa yamada

    help me advice me kung pwede pa po ako makatangap ng refund mula sa pilhealth thanks..any concern people out there..tnx

  • maria clarisa yamada

    more than 5k nagastos ko walang libre sa public ospital lahat nalang pinabibili,on time naman ako magbyad sa pilhealth sana nman magamit ko more than 2 years na ako nagbbyad..nabasa ko within 60 days lang refundable may 19,2014 ako nakagat ng pusa september 16,ko lang na search sa internet na covered na pala ang animal bites package,bkit dipo alam ng mga doctor yan sa ospital ng angeles at ng magalang pampanga dlwa ospital pinuntahan ko lahat ako bumili pati anti tetanos etc.wala tlga ako natamong libre manlang..

  • maria clarisa yamada

    tanong lang po pwede paba ako maka refund sa pilhealth kasi po nakagat ako ng pusa last may19-2014 lng at 4manths ko lng nalaman na covered na din pala ang animal bites una tinanong ko sa doctor sabi skin di daw covered ng pilhealth kaya discourage ako that time.makaka-kuha paba ako pag nagreklamo ako dahil sa maling informasyon ng doctor sa akin.help me

  • For most up-to-date news you have to pay a quick visit internet and on web I found this
    site as a most excellent web page for newest updates.

  • chid schiwerck

    Pwde po bang gamitin ko ang philhealth ko,kahit pinagmit ko na s father ?kc po ang father q ay ooperahan ng katarata on monday(apr.15)…ako naman po nagpa-consult aq sa doctor…for PROCTO-SIGMOIDOSCOPY po ako s apr.18…pwd po ba un??thanx….

    • Dhors

      puede po

  • Jhing

    share ko lang din po ang bf ko na umuwi noong galing s agyera sa Libya ay nagkasakit s abato,,mahigit 30k dn ang babayaran at sagot ng PHILHEALTH yun ang excess na binayaran nya ay 75 pesos po lamang kaya big help din talaga yan ,,ang kailangan lamang natin ay maunawaan ng mabuti kong ano ba talaga ang kahalagahan nito sa ating mga OFW lalo na s aating pamilyang naiwan sa pinas.. thanks for sahring sis Dhors Godbless!

  • Gary Antonio Gaffud

    @Liean: PhilHealth premiums = fees? I reckon this has been addressed already. 🙂

  • Liean

    Balita ko andito raw Philhealth, ano po masasabi nyo dito?

    RULE XVII OF THE IRR OF RA 10022 (amended Migrant Workers Law), under Section 4 on Government Fees, Administration Costs and Taxes….

    “ALL FEES FOR SERVICES BEING CHARGED BY ANY GOVERNMENT AGENCY ON MIGRANT WORKERS PREVAILING AT THE TIME OF THE EFFECTIVITY OF THIS RULE SHALL NOT BE INCREASED.”

  • tdg

    MS DOREEN

    PAki Basa nyo na rin po yung CIRCULAR 01,s.2012
    (since maalam kayo sa pHIC at sinusundan ng PHIC ang blog nyo)

    yan ang circular n nagsasabing COMPENSABLE sa PHilhealth insurance ang SURGICAL procedures conducted at GOV’t Hospital,sponsored by Local govt unit and national govt under MEDICAL MISSION!!! Naintindihan nyo po MEDICAL Mission
    kasama dyan ang opera sa MATA,TULI,Clefpalate.etc

    PREMIUM ANG BAYAD NATIN, bakit i-cococmpensate ang MEDICAL MISSION hindi ba dapat TAASAN nILA ang COVERAGE para QUALITY HEalth care ANG maiBIGAY Sa mga Member nila, kahit INDIGENT CArd pa yan.. the fact n member hindi dapat sa medical mission.. NAG-INSURANCE pa tayo?
    and NOTE SURGICAL PROCEDUREs Imemdeical mission hindi piso lang ang katumbas ng buhay ng mga kababayan natin.

    kaya, bago tayo mag YEHEY YEHEY at mag THANK U THANK U sa philhealth alamin muna natin ang lahat ng impormasyon. gaya nito, kaya lumalaban ng OPTIONAL ANG MGA OFW DAHIL NANINIWALA KAMING BULOK ANG SISTEMA AT WALANG SILBI ang PHILHEALTH sA nakakarami… NO increase dahil din sa KURAKOT
    iba pa dyan ang kalagayan na hindi lahat ng OFW ay kayang mgbayad.
    ang mga may kakayanan nmn mgbayad HINDI NAgtitiwala sa sistema ng PHilhealth,,

    sana maliwanagan kayo,,isa itong issue na hindi personal,issue ito ng bayan at kababayan natin sa iba’t ibang dako ng mundo. kalusugan at buhay ng mga Pilipino
    na dapat pinapahalagahan at hindi piso lang ang katamubas para i-Medical Mission ng PHILhealth INSURANCE..

    • PhilHealth Rizal

      OFW-members and dependents not deprived of benefits! (PhilHealth’s website posted last July 4, 2012)

      The Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) today denied having deprived overseas Filipino worker-members and their legal dependents of their benefits due to the alleged slow encoding services at its satellite office at the POEA in Mandaluyong City.

      “We would like to correct the impression that 250,000 OFWs are being deprived of their benefits because of our encoding services. While there might indeed be backlogs in the number of membership applications that have to be encoded, the number is way smaller than the figure they posted,” said PhilHealth President and CEO Dr. Eduardo P. Banzon.

      He added that the rising number of membership applications and requests for renewal of coverage is brought about by the increasing membership, but he assured the OFW members that the availment of their PhilHealth benefits “have not been stopped nor compromised. We assure all our OFW-members that they have been and will continue to be covered by PhilHealth,” Banzon said.

      The PhilHealth Chief also added that the government corporation has undertaken measures to help speed up the processing of the application records. “We have increased the number of encoders and our staffmembers are working overtime to fasttrack processing. Enhancements are also being done on our existing IT systems,” he stressed.

      Addressing the issue on the forthcoming increase in premium contribution rate for OFWs which takes effect on January 1, 2013, Banzon emphasized that since the agency took over the Medicare functions for OFWs in 2005, “we have not had an adjustment in the premium contribution rate for OFW-members. It is only this year that an adjustment is being made to enable us to fund the new set of benefit packages that we are introducing to our members, including OFWs. Better packages mean that we’ll be able to protect OFWs, especially their families, more from catastrophic health spending.”

      To make sure that the premium increase will not burden the OFWs as they depart for their destinations overseas, Banzon said that “they have the option to pay only part of the annual premium of P1,200.00.” Currently, the minimum required premium is P900.00 but PhilHealth is currently studying if the amount can still be lowered.(www.philhealth.gov.ph)

    • New Set of Primary Care Benefits Now Available —

      TRUE to its earlier pronouncement of taking bolder moves towards Universal Health Care (UHC), the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) introduces a new set of enhanced benefits designed to improve the financial risk protection for its members.

      Dubbed Primary Care Benefits I (PCB I) Package, the new set of benefits entitles members to basic, quality health care services through accredited public health care providers nationwide. It allows primary health care providers greater flexibility in the range of services they can offer to their enlisted PhilHealth clients.

      Included in the PCB I Package are primary benefits such as consultations, regular blood pressure monitoring and health promotion like education on breastfeeding, counseling on lifestyle modification and smoking cessation. Medicines for common diseases like asthma and acute gastroenteritis (AGE) with no or mild dehydration, upper respiratory tract infection/pneumonia and urinary tract infection are also included and expected to be provided by the providers of this package. “Also available are diagnostic services such as complete blood count, urinalysis, sputum microscopy, fasting blood sugar; lipid profile and chest x-ray,” said PhilHealth President and CEO Dr. Eduardo P. Banzon.

      Initially, these new benefits will be available to members under the Sponsored, Organized Groups and Overseas Workers Program and to their qualified dependents. However, Banzon said that “eventually, all other members in the different categories will have access to these benefits.”

      Availment of the PCB I benefits entails the assignment of SP members to designated Rural Health Units (RHUs), Health Centers (HCs) or outpatient departments (OPDs) of government hospitals nearest them, while OG and OWP members may choose their PCB I providers from the list of government hospitals that provides PCB I services. Since April 1, PhilHealth has been assigning the SP members to designated PCB providers — RHUs, HCs and OPDs of government hospitals nationwide.

      “The accredited provider shall actively seek out the SP members in their localities and once these members sign the master list, then they will be entitled to the benefits by presenting their valid PhilHealth ID cards,” Banzon stressed. These members need not pay any amount to avail of these benefits.

      He also reminded SP members that availment of the outpatient benefits must be made within the validity period specified in their PhilHealth ID cards. Members under the OG must have made at least three (3) months contributions within the immediate six (6) months prior to the month of availment, while OWP members can avail of the benefits as soon as they have paid their annual premium.

      “We re-affirm our commitment to ensure better financial protection for our members in times they need it most and PCB I is a step towards this direction. This new benefit will also allow existing health centers/rural health units to improve and expand vital primary health care services, and continue to meet the increased demand for these services,” the PhilHealth Chief said. (www.philhealth.gov.ph)

  • Gary Antonio Gaffud

    Please “like” the FB account: OWP-PhilHealth for updates.

    Membership, Collection and Benefits availment concerns of OWP members are aptly addressed here.

    Brief Overview: The OWWA Medicare was transferred to PhilHealth only in 2005, ie, OFWs prior to the said date are not automatic members and will have to register under the Overseas Workers Program (land-based OFWs) of PhilHealth. One option is through submission of scanned copies of requisite documents via e-mail to [email protected].

    To date, there are around 2.5M members registered under the program. Of this number, there are those who pay only for the initial premium (one year) and thereafter do not sustain payment of their premiums. This is one reason why members aren’t able to enjoy the benefits, especially when the confinement date falls outside the validity/ grace period. Note: upon payment of premiums, OWP members can start availing the benefits. There’s no reglementary period, unlike with other membership categories.

    The list of accredited banks and tie-ups (remittance centers abroad) are posted in the FB account.

    The top 10 reasons for confinement (CY2011) locally and abroad of members and their dependents are likewise posted there. All healthcare providers abroad are treated as tertiary hospitals (no need for accreditation) and benefits availment docs have been simplified: a copy of the statement of account OR official receipt, AND a copy of the medical certificate. NOte: need not be the original copy. This is so because PhilHealth counterparts abroad secure the original copy.

    In Japan for instance, alien registration card holders only pay 30% of their hospitalization fees. 70% is shouldered by the government. So whether they get to be confined in the Philippines or in Japan, the original documents are submitted to their host country for reimbursement of 70% of their hospitalization expenses and in order to get to reimburse the same with PhilHealth, all they need to submit are the certified true copy of the docs (if confined locally) or a reproduced copy of the docs (if confined abroad).

    In HK, all ORs only reflect $130HK. Thus the statement of account.

    The point is, OWP members and their dependents can still claim for PhilHealth reimbursements even if they have their own health insurance providers abroad.

    As of year-end 2011, total premium collection (2005-2011) from OWP members amounted to 4.5B and total claims availment is also 4.5B. The yearly collection vs. availment (2005-2011) is posted in the FB account and apparently, there is an increasing awareness amongst the OWP members – The Availment rate has been increasing through the years.

    It must be underscored the premium for OWP members is the LOWEST among all membership categories (highest is from the employed sector and self-practicing professionals).

    Finally, under PhilHealth’s Lifetime Members Program (LMP), members who have paid at least 120 monthly contributions (10 years and need not be continuous) AND have reached the retirement age of 60 (except for the AFP, PNP, etc where the retirement age is 57), need not pay any premiums anymore and get to enjoy the PhilHealth benefits. No lumpsum/adv payment of 10 years allowed though. 🙂

  • Gary Antonio Gaffud

    Please “like” the FB account: OWP-PhilHealth for updates.

    Membership, Collection and Benefits availment concerns of OWP members are aptly addressed here.

    Brief Overview: The OWWA Medicare was transferred to PhilHealth only in 2005, ie, OFWs prior to the said date are not automatic members and will have to register under the Overseas Workers Program (land-based OFWs) of PhilHealth. One option is through submission of scanned copies of requisite documents via e-mail to [email protected].

    To date, there are around 2.5M members registered under the program. Of this number, there are those who pay only for the initial premium (one year) and thereafter do not sustain payment of their premiums. This is one reason why members aren’t able to enjoy the benefits, especially when the confinement date falls outside the validity/ grace period. Note: upon payment of premiums, OWP members can start availing the benefits. There’s no reglementary period, unlike with other membership categories.

    The list of accredited banks and tie-ups (remittance centers abroad) are posted in the FB account.

    The top 10 reasons for confinement (CY2011) locally and abroad of members and their dependents are likewise posted there. All healthcare providers abroad are treated as tertiary hospitals (no need for accreditation) and benefits availment docs have been simplified: a copy of the statement of account OR official receipt, AND a copy of the medical certificate. NOte: need not be the original copy. This is so because PhilHealth counterparts abroad secure the original copy.

    In Japan for instance, alien registration card holders only pay 30% of their hospitalization fees. 70% is shouldered by the government. So whether they get to be confined in the Philippines or in Japan, the original documents are submitted to their host country for reimbursement of 70% of their hospitalization expenses and in order to get to reimburse the same with PhilHealth, all they need to submit are the certified true copy of the docs (if confined locally) or a reproduced copy of the docs (if confined abroad).

    In HK, all ORs only reflect $130HK. Thus the statement of account.

    The point is, OWP members and their dependents can still claim for PhilHealth reimbursements even if they have their own health insurance providers abroad.

    As of year-end 2011, total premium collection (2005-2011) from OWP members amounted to 4.5B and total claims availment is also 4.5B. The yearly collection vs. availment (2005-2011) is posted in the FB account and apparently, there is an increasing awareness amongst the OWP members – The Availment rate has been increasing through the years.

    It must be underscored the premium for OWP members is the LOWEST among all membership categories (highest is from the employed sector and self-practicing professionals).

    Finally, under PhilHealth’s Lifetime Members Program (LMP), members who have paid at least 120 monthly contributions (10 years and need not be continuous) AND have reached the retirement age of 60 (except for the AFP, PNP, etc where the retirement age is 57), do not have to pay any premiums anymore and get to enjoy the PhilHealth benefits. No lumpsum/adv payment of 10 years allowed though. 🙂

  • BON

    Your title should be changed to LOCAL PHILHEALTH, wala pong kinalaman sa mga OFW ang kwento mo.. you benefited with it locally, how about us in abroad? the process is far different than the one you told. It’s not automatic here. there are no accredited hospitals, there’s no such thing as “isang pirma” lang..

    am a blogger too, but am responsible and sensitive blogger.

  • Kayo na rin po ang sumagot sa tanong nyo;

    “Sobra lang akong nalulungkot. Hindi dahil sa increase, kundi dahil sa aking palagay, marami ang hindi pa nakararanas na mapakinabangan ang kanilang membership fee o iyong mga ibinabayad nila sa POEA ”

    Yan po ang isinisigaw ng bawat OFW, na alam kong alam nyo rin, sana yan ang mapansin ng Philhealth.

    At ang iba kong kasagutan sa artikulong ito ay makikita dito;

    • nawala ung link ko 😀 spam siguro lolzz nakalink ung article ko sa name ko, kung gusto nyo basahin, click na lang ung LordCM 🙂

  • ip-yon

    galing viral na yata itong blog’s mo nice article!

    • thank you sa isang tulad ko na baguhan dito wala pang 2 weeks sobrang nakaka tense,,pero ok lang at napaka informative po ng talakayan at higit sa lahat napansin ng Philhealth ang blog na ito at mga usapin ay kanilang sinusundan…sabi nga nila kung meron magandang purpose ang ginagawa mo at ito ay hinde lang para sa iyo kundi para sa kabutihan ng lahat…tiyak walang imposible 🙂

      • Reinerio L. Trinidad

        would you mind explaining to us, bakit parang binabalewala ninyo ang Republic Act No: 10022, at tuloy nyo pa rin pagpapa-increase ng premium payments sa mga OFW? Sa aking pagkakaintindi, may loophole na naman kayog nakita sa batas na ito, kaya walang pakundangan ang increase ninyong MANDATORY…Samakatuwid, INUTIL ang BATAS na to, kaya basta basta nyo nalang nilalabag dahil kaya nyong lusutan… Tama ba ako, Ms Dhors? hwag kang mahiyang umamin, masaya na ako malaman ko katotohanan. Immune na kami sa style ng pamamalakad na ganyan pero umaasa pa rin kaming mapuputol pa rin namin ang corruption ninyo…

  • Lion

    Madam Dhors, salamat sa inishare mong website nabasa ko ang nilalaman ng philhealth, maganda ang programa kaya lng tama rin naman ang mg sabi ng karamihan naming ofw na gawin optional ang pagbayad kunwari kung ang isang ofw ay gusto nyang magbayad ng higit sa 900 o kya naman triple dahil nga malaki ang ang kinikita nya sa pinuntahan nyang bansa well and good yun!( ‘Da Best Hero ika nga nila)pero palagay ko karamihan samin halos pareho lng din ang kinikita ng nagtratrabaho sa pinas ang naiiba ay ang ugali at amoy ng nakakasalamuha araw-araw! at marmi din samin ang naglending makaalis at magkaroon lng ng trabaho d2 sa ibang bansa dahil walang trabaho jan pinas! kaya sana maintindihan nyo naman ang hinaing naming ofw na No to Mandantory Increase!!! MAAWA NAMAN KAYO SA KAPWA NYO PINOY…..

    • Thanks Lion nae post ko na po ito sa Wall ng Philhealth official FB page nila at for sure mababasa nila itong mga usapan natin at sana makatulong sa kasalukuyang inaaral pa nila kung ibaba ba nila ang singil..visit nyo rin po ang website nila wwww.philhealth.gov.ph kasi meron sila don lagi nilalabas na mga updates. At sana one of this days ay mabasa natin don ang GOOD NEWS PARA SA MGA OFW kasama na don ang aking hubby na \OFW din

  • ana

    Kudos on your efforts in explaining this rather sensitive topic.Kasi lahat ng “increase” sa gastusin,kinaka highblood lahat eh.Bago magalit nga naman at mag react,sumahin muna ang pakinabang versus contribution! Voluntary member ako,I pay annually kahit sa ngayon hindi ko need (may international health coverage kami sagot ng kumapnya ng aking asawa) pero pag natigil na yon upon project completion wala na kami insurance coverage.Pagdating ng oras sa Pilipinas pa rin kami uuwi.Maliit na halaga ang 2,400 kumpara sa benefits pag nangailangan.Ang hirap sa mentalidad ng iba walang “save for a rainy day”. Kung kailan kinakailangan tsaka hahagilap ng pambayad sa ospital.Oo,totoong responsibilidad ng gobyerno sagutin LAHAT ng medical needs ng mga mamamayan pero come on! Aabot na tayo sa 100 million population-wise tas ieexpect natin libre lahat?

    • thanks ana….pero sabi nga lahat tayo meron kanya kanyang pag iisip kaya ok lang at mas maganda nga po ang ganito na nailalabas ng bawat isa ang saloobin sa issue dahil very informative naman po ito at baka makatulong sa kasalukuyang inaaral ng Philhealth na singil nila sa mga OFW..SPORT NAMAN PO AKO kahit na medyo kabado since am a new blogger here in Definitely Filipino blog. At bago ako gumawa nitong blog na ito I informed one of the publisher here at meron approval kaya go na ako kahit aantok antok pa habang nagta type 🙂

  • drew

    anu po ba ang benefit ng single na ofw at wala pang 60 years old ang mga magulang? mayroon na ring health insurance abroad?

    • sir punta po kayo sa official website or FB ng philhealth lahat po masasagot nila ang katanungan ninyo https://www.facebook.com/PhilHealth

      • Reinerio L. Trinidad

        you have already started explaining the benefits and etc, lubus-lubusin mo ns po…paki-elaborate ng sagot sa tanung ni Drew, ganyan din ang tanung koo kanina, pangakaiba lang 70yrs old na nanay ko.alam ko, taga-PHIC ka, enlignthen us…sana malawanagan mo kaming lahat…For me I want it OPTIONAL… MANDATORY???For heaven`s sake, hwag nyo kaming pilitin lalo na kaming mga single pa na members din ang mga kadugo jan sa pinas…di ba kayu nahihiya, o kami ba ang dapat mahiya sa inyo???

        • for info po sir am not related po sa philhealth am working to my own company and it is a private company kung saan makikita nyo po sa dian sa mga comment na i used my real identity sa pagpaliwanag para po hinde masabihan na ako ay fake or mapagpanggap ng kapwa ko sa usaping ito next to my name is stated the name of my company. At kaya ko po din naipapaliwanag ang mga benefits kadahilanan na meron po ako mga empleyado na kailangan ko e member lahat kasama na ang mga tauhan ko sa isang aking maliit na kainan. At mas kailangan ko sila na ipa member dahil maliit ang sweldo nila at kapag nagkasakit ay kulang pa sa gamot ang naipapasweldo ko at bilang tulong ko sa kanila kailangan ko sila e member sa SSS at philhealth kahit na sabihin pa na serbidora o tagaluto lang sila o kahera at delivery boy, napakalaki tulong iyon sa kanila kapag nagkasakit. Sa case nyo ni drew single kayo at wala pa 60 ang parents at kung andito kayo sa pilipinas at nagkasakit saka nyo lang po magagamit iyan solo po ninyo since single pa po kayo. At sigurado po ako na ang health insurance nyo na sinasabi na meron kayo ngayon dian sa abroad ay para po lamang dian sa lugar kung saan kayo naka base ngayon at hinde covered kapag dito kayo sa pinas nagkasakit po.

          • drew

            Ma’am Dhors, more thanks po sa pag-reply, pero kung ako lang po talaga ang masusunod, mas gugustuhin ko po sana na maging OPTIONAL na lang ang pagbabayad sa PHILHEALTH. Feeling ko po kasi, nag-aaksaya lang po ako ng pera sa philhealth dahil alam ko naman na hindi ko po talaga ito gagamitin at wala rin po akong dependent na maaring gumamit nito.Kapag nagbakasyun naman po kasi ako, nai-rerefund ko naman po yung ginastos ko sa pagpapa-check up. HINDI ko naman po SINASABI na pangit at hindi nakakatulong ang philhealth, ngunit ang sa akin lang po ay, sana bigyan kami ng kalayaan na makapag-desisyon kung saan namin gustong ilagay ang perang pinaghirapan namin.

            KUNG sakali man po na HINDI na ako magtatrabaho sa ibang bansa, VERY WISE DESICION po talaga ang MAGPA-MEMBER sa PHILHEALTH, at kahit na mataas pa po ang aking babayarin ay okay lang, hindi man ako magkasakit, at least alam ko na kapag nangailangan ako ay mayroon akong aasahan na tutulung sa pagpapagamot.

            Ma’am Dhors ito po ang aking saloobin at maaring ito rin ang saloobin ng iba nating kababayang OFW. Sana po ay magawan po ng solusyon ang issue namin. (para sa akin), ayus po ang PHILHEALTH, PERO sana maging FAIR naman po para sa lahat.

            Muli, maraming salamat po ma’am Dhors at lubos kong ibinibigay sa inyo ang aking pag-galang. – ANDREW

  • Reinerio L. Trinidad

    may alam po ba kayo kung sino ang naglagay sa board ng isang Miss Sta.Ana bilang OFW representative? paanu kami nakasisiguro na boses naming mga OFW ang dadalhin nya gayung hindi nga namin alam na andyan pala siya na representative namin KUNO? masakit din pakinggan yung MANDATORY, di ba tayu ang mga mamayan ang mga BOSS nilang nasa gobyerno? bakit bigla bigla nalang silang maglalabas ng ganyan, na walang kunsultasyun sa mga BOSS nila. magPOST lang sila sa website nila, para mabasa ng mga OFW para malaman nila kung anung opinion namin.sabagay anu nga ba magagawa namin, mga mangmang siguro tingin nila sa amin. masyadong mababa ang tingin nila sa aming mga OFW.Parang wala talaga silang respeto sa kapwa nila. di ko tuloy alam kung kumunista o dictador na sistema na tayu ngayun.

  • Dhors

    https://www.facebook.com/PhilHealth paki add nyo po ito at puede kayo mag online inquiry dito sa FB acct ng Philhealth.

  • Reinerio L. Trinidad

    here`s my situation, im single at 40…nanay ko member ng philhealth she`s 70,mga kapatid ko`t mga bayaw member…sss member ako, nag-iisa sa buhay…what use do i have with philhealth?kung sakaling makapg-asawa ako, im sure member na misis ko, pwede ba ko bang magamit ang card ko, gayung member na siya? kung pwede naming gamiting sabay, abay ok yun,libre na kami samga bills…honored ba ng lahat ng hospitals sa bansa, i mean LAHAT pati private? I don`t think so.pabor sa inyo yan sa NCR at mga nasa urban areas, how about us in the remote areas of mindanao.malayu kami sa siyudad,patay na pasyente namin, pagdating sa ospital sa siyudad…sa awa ng Diyos malakas pa ang aking nanay. ok ang philheaalth pero ayusin muna serbisyo nila kasi limitado lang na mga sakit ang covered nila, bago sila magtaas, plantsahin muna nila lahat mga serbisyu. hindi ako naniniwalang nalulugi ang philhealth, dapat sarado na sila kung lugi dahil negosyo yan, dont tell me priority nila ang serbisyo. that`s HIPOCRISY kung nasa govt ka, forgive me but I dont trust govt officials and employees anymore. Sana maintindihan mo rin kami…hindi lahat ng sitwasyun kagaya mo, na napakinabanagan ng husto ang philhealth…maraming salamat po…

    • Dhors

      opo same ninyo magagamit po iyon ang sa member po ay 45days at iyon another 45 days ay para naman sa mga beneficiaries nyo po per calendar year paghahatian (days kapag na confine)Yes po covered po ng Philhealth ang lahat ng private hospitals pati na din ang mga govt hospitals at kasama na din po iyong mga health centers po sa inyong mga lugar. At para naman po sa inyo na mga nasa remote area ang pagkakaalam ko po dian ang inyong baranggay at munisipyo ang nag a assist at meron po philhealth representative office ang bawat munisipyo po.

      Tama po kayo isa ako sa mga walang tiwala at galit sa mga corrupt at alam na alam ko po yan dahil madalas ko yan ma experience..kaya nga nangunguna tayo sa lahat :)) pagdating sa red tape. Kaya tama lang iyong ginagawa din ng mga OFW na kinakalabog nila ang gobyerno. Dapat lang talga nila ayusin at dapat sila mga usap ng mga hospitals dahil madami ang members na nagkakaproblema pagdating sa mga documents na kulang kulang. Then kailangan nila magpalabas ng mga tao lalo na sa mga remote areas para ipaliwanag ng mabuti kung ano ang benipisyo sa lahat ng mga members nito. Meron pa 5 months malay natin magbago ng isip kasi meron ako nabasa na parang meron silang mga options na gagawin re sa payment

  • gusto ko lang po e correct un napansin ko na mali sa pagtype dala na din sa sobrang antok na habang ginagawa ko ito. “facebook” not acebook.

    “Biyenan ko 60yr old above, 2 mata kailanganG operahan, walang pera pang paopera ang mga anak. OFW ang aking asawa at hindi siya nakapasok na dependents or beneficiary.” – ang ginawa ko po ay pinaayos ko sa hipag ko kapatid ng asawa ko, dinala sa Philhealth office ang copy ng birth cerificate ng biyenan ko at ang resibo ng binayaran sa POEA ng aking asawa at agad agad ay nakakuha kami ng MDR kung saan nakapasok na ang biyenan ko bilang isa sa mga beneficiaries ng aking asawa.