by
on
under , , , , , ,
tagged , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author nelash

Isang Hapon Sa Hintayan Ng Bus

http://automotorblog.com/?option=How-To-Select-Best-Binary-Options-Brokers How To Select Best Binary Options Brokers

http://blog.kanojo.de/?p=Binary-Options-Trade-Copier-Experts-Review Binary Options Trade Copier Experts Review

http://fromvalskitchen.com/?p=Us-Binary-Option-Signals-Reviews-Brokers Us Binary Option Signals Reviews Brokers

http://codehill.com/?p=Bloomberg-Stock-Market-Codes Bloomberg Stock Market Codes

http://blog.kanojo.de/?p=Options-Trading-Fake-Money Options Trading Fake Money

Mag-kakalahating oras na kami sa paghihintay ng masasakyan. Maraming bus na ang dumaan ngunit wala ang numerong hinihintay ng lahat. Ang kuwentuhan ng tatlong babae ay nadagdagan nang may nakisali na dalawang binata. Marahil nasa edad 25-28. ‘Yung isa ay medyo may kapayatan, samantalang ang ikalawa ay katamtaman, matipuno. Sila’y mga inhinyero sa seksyon ng kuryente. May galak nilang naibulalas na kapipirma lang nila ng kontrata noong hapon na yun. Halos sabay-sabay na napatingin sa knila ang tatlong babae, tingin na may kasayahan ngunit may halong selos. Hindi naiwasan ng dalaga ang magtanong at mabigkas na “buti pa kayo, maayos na. taas siguro ng sahod nyo dahil kayo’y mga inhinyero”. Sumagot ng may kalungkutan ang mga binata “hindi nga eh, tinanggap na lang namin para lang… alam mo na… para hindi lang umuwi sa Pilipinas”. Lahat sila’y napatahimik. Napatigalgal.

Dahil sa sobrang inip sa bus na hinihintay, naisipan kong tumawag na lang ng taxi dahil lumalalim na ang hapon at ako’y mahuhuli na sa misang dadaluhan. Walang isang minuto, may huminto at nagpasakay. Habang lulan ng malamig na sasakyan, habang kumportable sa aking pagkakaupo, hindi ko mapigilang magmuni-muni, pag-isipan ang mga kuwentong narinig at nasaksihan. Naisip ko, hindi pala pangit ang buhay na mayroon ako. May trabaho ako’t kumikita ng sapat ngunit bakit nag-aasam pa ng higit sa kailangan. Katunayan nga, kung bakit ako napadpad sa bus stop na iyon ay dahil kagagaling ko lang sa isang negosyasyon, sa isang posibleng trabaho. Pero bakit ganun, hayun ako’t puro pa din reklamo, panay ang puna sa hindi magandang nangyayari sa buhay. Puro negatibo.

Bakit hindi ko kaya nasubukang bilangin ang mga biyayang tinatamasa? Ang mga bagay na meron ako at wala ang mga taong nasa bus stop. Bakit hindi ko pa noon naisip na ang suwerte ko pala at hindi ko nararanasang bumiyahe araw-araw at maranasan ang hirap sa pag-aantay ng bus dahil ako’y sinusundo ng dyaber ng kumpanya. Na hindi natutusta ang aking balat sa sobrang init sa labas at sa halip nag-eenjoy sa malamig na simoy ng hangin mula sa AC dito sa aking opisina. Na hindi ako nalilipasan ng gutom dahil meron kaming employee’s meal sa buong maghapon. Ang swerte ko pala talaga…

Sa bus stop lang pala… Doon lang napagnilayan ang lahat. Doon lang pala ako matatauhan.

Sa bus stop…


  • charing

    Ang galing, minsan kailangan lang natin buksan ang mga mata para makikita natin kong ano ang nasa paligid at kong anong biyayang natatamasa natin 🙂

  • bla bla bla

    Being always grateful for what you have is the key of contentment in life. It doesnt mean na makuntento na sa lahat ng bagay na meron ka at karamihan they stop pursuing their goals, but being grateful kung ano ang meron ka makes you feel happy and think that you are still lucky… 😉