by
on
under ,
tagged , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author curiousmandz

Ina at Anak – Obligasyon, Utang na loob at Pagmamahal

About curiousmandz

curious. maraming katanungan, walang alam pero minsan nagmamagaling. duwag! takot! mahiyain, walang self-confidence at minsan nonsense, palakaibigan pero sa totoo lang - takot ako sa tao. Friendly outside, loner inside. :) batugan at walang magawa sa buhay!

Parental Love  (Photo Credit :  Gogoblogs)

Parental Love (Photo Credit : Gogoblogs)

Hindi na bago sa ating mga pinoy, lalo na sa isang anak, ang makarinig ng pagkukumpara sa ibang mga bata galing sa kanilang mga magulang. Lumaki ako na walang ibang nadinig sa nanay ko kund, pagkumpara sa amin ng mga kapatid ko sa mga pinsan namin o mga kapitbahay naming mga bata.

Buti pa siya, ang sipag-sipag niya! Tignan mo siya, bata pa lang marunong na sa buhay, naglalaba, nagluluto, nagsasampay, nagpa-plantsa! Eh Ikaw!?!?

Ako!?!? Ano nga ginagawa ko? Naghuhugas ako ng pinggan, nag-aalaga ako ng mas bata kong kapatid at minsan naglilinis, nag-aaral din ako nang mabuti. Yun lang ang alam ko. Kung anong klase akong tao? Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung anong klase akong anak o kapatid. Mapagmahal ba ko? Masipag? Mabait? Masunurin? Nung bata ako, ang pagkakakilala ko lang sa sarili ko ay yung mga bagay na nadidinig ko sa tao. Mga opinyon na hindi naman naging mahalaga nung tumanda na ko.

Ngayong matanda na ko, hindi ako naging sobrang talino or sobrang successful tulad ng iba. Hindi ako valedictorian, summa cum-laude or nasa kahit anong list ng honors, pero nakagraduate ako na may salitang “scholar” sa pangalan ko.  Hindi naman naging ganoon kalayo ang narating ko sa buhay tulad ng iba na nakapagwork sa ibang bansa, nakakuha ng mataas na sahod or napunta sa field na talagang gusto nila, naging masaya naman ako.

Sa tuwing may bonus or nakakakuha ko ng malaki sa kaka OT ko, binabahaginan ko ang pamilya ko, kumakain kami sa labas, nagbibigay din ako ng bonus bukod pa sa monthly na binibigay ko sa nanay ko. Hindi ako kailanman nanumbat sa pamilya ko lalong lalo na sa nanay ko. Ni hindi ko nga sinabi na – tignan mo yung mga taong kinumpara mo sa amin nung bata pa kami, hindi ko sila minamaliit pero halos lahat sila ay hindi nakapagtapos at nabuntis nang maaga.

Hindi rin ako kagandahan, at lumaking iba sa mga kapatid ko. Mahilig sila sa mga dress at sa heels, hilig ko ay rubber shoes/sneakers and shorts. Hindi ako tomboy, pero hindi ako tipikal na babae, boyish ako. Sa tuwing nakikita ako ng nanay ko, walang ibang napapansin kundi itsura ko at pananamit ko. Naiintindihan ko naman, 24 na ko pero hindi daw ako nannaamit nang naaayon sa edad ko. Para daw akong gusgusing bata kahit na ngayon na nagte-take na ko ng master’s degree.

Minsan, nagbigay ako ng bag nung minsan na kaarawan ng nanay ko, imbis na magpasalamat nakarinig ako na – sana, pera na lang!

Naintindihan ko din naman kung hindi niya nagustuhan at bilang ina, siya ang nagba-budget ng lahat sa bahay namin kaya naiintindihan ko. Ang hindi ko lang maintindihan sa lahat ng nangyayari at mga sinasabi ng nanay ko ay yung mga katagang – dapat nga ngayon, magpapakasaya na lang ako at kayo na bubuhay sa akin!

O kaya naman ito – magwork ka na lang sa Singapore para mas malaki sahod at makapagtravel tayo!  Di naman ako nangangarap magpunta sa ibang bansa, gusto ko lang makapunta ng Hongkong!

Mga pahaging ng nanay ko na minsan ay hindi ko na kinatutuwa at kailan man ayhin di ko maiintindihan ang mga salitang – wala kang utang na loob!

Ano ba ang utang na loob? Yun ba yung tipong, pinanganak kita at binuhay kaya dapat buhayin mo din ako? Naging mabuti ako sa ‘yo kaya dapat maging mabuti ka din, Eh panu kung hindi ka naman naging mabuting ina?

Ano ba ang dapat na  relasyon ng isang ina at isang anak? Yun ba ay yung tulungan ka ng anak mo sa lahat ng bagay na ginagawa mo? Bakit ba na- aanak ang isang babae or isang ma- asawa? Para may ma-aalaga sa kanila pag tumanda sila? Para may mauutusan sila bumili ng pagkain sa tindahan? Para may tagalaba, tag plantsa, tag saing at tagatupad ng mga pangarap nila?

Ano nga ba kaming mga anak? Ano nga ba tayong mga anak? Para saan ba tayo? Hindi ako naniniwala sa salitang utang na loob, pero naniniwala ako sa salitang obligasyon. Obligasyon ng mga magulang ang kanilang mga anak pero naniniwala din ako na hindi obligasyon ng anak ang kanilang mga magulang.

Choice na ng mga anak kung paano nila pupunuan o ibabalik ang mga naibigay sa kanila ng kanilang mga magulang. Naaawa lang ako sa pag-iisip na nag-anak ka para may bumuhay sa ‘yo, hindi pa nga nararanasan ng mga batang magsaya, binigyan mo na agad sila ng malaking responsibilidad na sundin lahat ng gusto mo. Wala pa sila halos kamuwang-muwang sa mundo, tinanggalan na sila ng karapatan maging masaya at magkaroon ng sariling desisyon.

Para sa akin, pagmamahal at suporta lang ng mga magulang ang mahalaga. Doon lang masaya na ko, kasi para sa akin, nag-anak ka kasi gusto mo, kung hindi mo man plinano, dapat tanggapin mo at mahalin mo ang anak mo nang walang kapalit. Yun ang pagiging isang ina at isang magulang. Kung sa sarili mismong mga magulang, hindi mo nararanasan ang tinatawag na unconditional love, saan pa? at sino pa magpaparanas sa ‘yo nito?

Pag ako naging ina, MAMAHALIN KO at BIBIGAY KO LAHAT ng KAYA KO sa mga anak ko, wala nang iba.  Tatanggapin ko sila nang buo. Mahalin man nila ako o hindi, maging mabuti man sila o hindi.

Ngayon, para sa mga anak, nasa inyo na yun kung paano n’yo susuklian lahat-lahat, magiging mabuti ba kayong anak? o pababayaan n’yo ang mga magulang n’yo pag tumanda na sila? Mamahalin n’yo din ba sila unconditionally kung sila naman ang hindi naging mabuti?

Hindi ako mahilig ma compare pero sa  utwing babalikan ko ang nakaraan at ang pagkukumpara, naiisip ko, buti pa ang ibang ina, TANGGAP at MAHAL ang mga anak nila, eh ikaw!?!

author: curiousmandz


You may also like these articles:

  • [email protected]

    You just said exactly what’s inside my mind.

    May asawa at mga anak na ako pero dumating ako sa punto na parang di ko kayang maging close sa nanay ko. Sinusuportahan ko naman siya sa lahat ng pangangailangan niya pero dahil lang sa nag inarte siya ng todo lately na parang wala na akong respeto sa kanya kasi lagi ako napapa angil sa tuwing may ikukwento siya (paano ba naman busy ka tapos kukuwentuhan ka ng mga problema buti sana kung problema nya o ng pamilya kaso problema naman ng kapitbahay or kung sino man) natural ikaw na anak na busy na rin sa sarili mong buhay eh medyo busy rin ang utak at minsan di mo malaman alin ba uunahin mo kasi you are chasing opportunities. now eto ang isang nanay bibigyan ka ng mga bagay na tipong stressful ang dating… di ko namamalayan napapataas na ang boses ko sa pagbibigay solusyon sa hinahain niyang problema. ayun! ang ending emote to death na ang mudra tapos wala na akong respeto ng lagay na yun. mga ilang weeks din pinalipas niya bago bumalik sa bahay. ang mga damit niyang hinakot namalayan ko unti unti na namang bumalik sa cabinet niya.

    Kaya ngayon ang drama ko ay manahimik, hindi na ako nagrereact man lang kung mag oopen siya ng conversation kasi yun at yun din naman ang mga kwento niya–recycled na at fed up na ako sa mga ganun klaseng kwento mula pagkabata ko hanggang naging 46 years old na ako. Simulat sapul kasi very negative thinker ang nanay ko. Totoo na naitaguyod naman kami ng maayos sa pagiging masipag niya pero tama lang na naibigay niya ang financial aspect. Pinalaki kami sa takot. Sumunod kami dahil takot kami (the good side nakabuti naman kaya nga by the book talaga ako di ako nag BF until makatapos ng college pero me sinagot naman ako nung araw na ng graduation–yun ang bilin eh di pwede mag bf hanggat di tapos, eh masunurin akong anak, sinunod ko). Ang downside, noong high school palang ako i felt weird sa relationship namin compared sa mga kaklase ko. sila they can hug and kiss their parents, pero ako wala lang. tanong ko tuloy sa sarili ko bakit kaya sila ganun samantalang kami masyado malayo ang agwat yung tipong langit at lupa (yung tipong anak lang kita, ako ang mas powerful kasi nanay mo ako at lahat ng gusto ko dapat mo sundin mo ng walang kakurap kurap).

    Fast forward…ngayon nga lagi ako naeemote kasi parang di ko kayang maging sweet sa nanay ko ngayong matanda na sya. I feel bad about myself, minsan sinisisi ko sarili ko bakit ako bad pero I’m just being honest. Yun ang nararamdaman ko. Sa totoo lang mas peaceful ako pag wala nanay ko sa paligid kasi parang hanggand ngayon im being haunted sa pagiging masyado niyang matigas, matapang, disciplinarian at pagiging tsismosa kasi kahit bulok namin kaya niyang isiwalat sa buong barangay ang importante totoo naman daw lahat ng pinagkukwento niya at sa kanya mismo galing. Me ganun talaga?

    Hindi ko alam kung hanggang kelan ako ganito. Ang hirap sa kalooban pero awkward na rin sakin mag swit-sweetan ako gayong di ko man lang naramadaman sa kanya ang ganun nung kami ay nasa poder pa niya. Lahat ng oras sagana kami sa mura noon habang nagsesermon siya para sa kabutihan namin. At yun lagi ko naririnig na kaya nga siya nag anak ng anim ay para sa pagtanda niya ay mag aruga sa kanya. Tapos mga linya na pasalamat kayo at kahit papano pinag aral ko kayo at ako mismo gumawa ng paraan para mapagtapos ko kayo ng college kung tatay nyo lang aasahan wala sana kayo ngayon. UTANG NA LOOB? Ito ang isang maling kaisipan ng marami sa ating mga magulang…nakakalungkot.

    THE BOTTOM LINE… ngyong ako ay isang magulang na rin, blessed ako at nabiyayaan ako ng mabait, mabuti at responsible ng asawa, tatlong mababait ang maunawaing mga anak, wala man lang pasaway sa kanila at masasabi kong maganda ang aming relationship ng aming mga anak they can tell us kung ano man ang gusto nila sabihin, open sila at kaya kong sabihin sa kanila na I love you or I miss you anak, Ingat!! mga ganung bagay na di ko man lang naranasan sa aking nanay.

    Kaya napakahalaga ang relationship ng parents at anak dahil dito nakakasalalay kung aarugain ba sila ng mga anak nila later or parang pasa complemento lang. Higit sa pinansyal na obligasyon ay ang pagbibigay ng pang intindi at pagmamahal sa mga anak bad man sila o mabuti.

    HIndi matatapatan ng pera ang pagmamahal yan ang aking napatunayan sa sitwasyon ko ngayon. I am suffering sa nangyayari ngayon kasi pigil ako, minsan nade depress din kasi alam ko parang mali rin ako. Masayahin kasi akong tao by nature, maingay at bubbly. Kaya lang iniiwasan ko nalang magsalita para walang friction samin ng aking nanay. Tahimik na rin siya ngayon, makes me think less stress to both of us. Less talk, less mistake ganun ang aking mantra ngayon. Ang nasa isip ko naman ay ginagampanan ko pa rin ang obligasyon ko bilang anak na gabayan siya kasi senior na siya although she’s tough as carabao pa rin kasi physically fit pa rin @ 70. Yun nga lang di siya nagsisimba kasi nakatanim na sa isip niya na mas importanteng kumayod para magkapera kesa magsimba ang importante raw ay wala kang ginagawang masama sa kapwa (really? eh yung mag tsismis kaya?) Hanggang ngayon ayaw pa rin niya mag attend ng mass pag tinatawag namin kasi naniniwala siyang di siya nagkakasala dahil tama lang ginagawa niya.

    Minsan naisip ko PAANO KA NGA NAMAN AANI, KUNG DI KA NAMAN NAGTANIM?

    Mga Hijas and Hijos, sa tingin nyo masama ba akong anak?

    • [email protected]

      In addition to what I said, I take care of my nanay’s medical needs. I bring her to the doctor monthly for her medical check up and buy her medicines on a monthly basis. I was able to get her a medical insurance and life insurance as well. My husband and I managed to build her a modest house in her lot (by the way byuda na mother ko). When I go to the mall I make sure she has pasalubong. She is not deprived of those things.

      Sa magkakapatid dahil mas blessed ako financially I gave her an ATM so that her allowance will be credited to her account monthly so I will not forget it. So she got enough money kasi di na nya nagagalaw ang SSS pension nya.

      In short, wala siyang problema saming magkakapatid. The only thing is that she keeps on demanding for our time and presence. Gusto nya pag me aandar na ang sasakyan gusto sasama eh minsan it’s business. Sinasama naman siya pag may chance at kung talagang mamamasyal ang family pero siya gusto lagi naka angkas. Minsan pag me client kang kausap gusto niya nakasabad din siya sa usapan which is very distracting.

      Everyone now is busy sa kanya kanyang buhay. Ang nanay kasi was not supportive of her time when we were in Elementary, High School and College. Di siya umaattend ng meetings and activities namin at kadalasan di kami talaga pinapa attend sa mga Quizz Bee or Camping or Field Trip man lang kasi nga pessimistic siya takot siya na baka me mangyari sa amin. Kahit Adviser pa or Principal ang magpunta sa bahay para ako ipaalam ayaw niya. Kaya nga dalaga (20 years old) na ako di pa ako nakakita ng swimming pool.

      The thing that I cannot forget until now ay noong ni request ko siya na samahan ako manganak sa ospital for may eldest son…hindi siya pumunta pero ang mga hipag ko pag nanganganak sinasamahan niya at all out support siya pati buong angkan para abangan ang baby. Noong ako wala siya, ang sakit pala nun. I suffered from post partum blues dahil doon I was crying every night for 2 months. Buti nalang nariyan husband ko and he comforted me. 1 week na akong nanganak wala pa rin siya. Nalaman ng mga kakilala nya na di niya ako sinilip, medyo napagsabihan din siya ang reason niya bakit daw siya pumunta? Noong ipanganak nya ang kuya ko at ako eh wala naman ang tatay ko nag iisa lang daw siya sa ospital. Iba naman ang case niya eh. Nasa bundok ang tatay ko noon kasi mekaniko at nasa Davao sila, at ang parents and relatives nila nasa Bicol. Nung manganak ako nandiyan naman sya kaso tinikis lang talaga niya ako. Lahat ng panganganak ko wala siya. Pinanindigan niya na di ako silipin. Kasi ganun din naman daw ang narasanan niya. May magulang palang ganun?

      She was not able to gain friends kasi chismosa nga, wala man lang siyang mabarkada at makausap na ka age niya kung gusto nya. Kasi maybe the neighbors are tired of her kwento kadalasan kasi manufactured at me dagdag-bawas- sakit yata niya yun. I remember pati kaming magkakapatid may mga pagkakataon na nag aaway away na kami dahil sa mga parating na kwento ni nanay sa bawat isa samin, in the end we discovered that the culprit is her. By the way, hanggang Grade 6 lang inabot ng nanay ko (pero ang alam ko nung araw pag grade ka na eh pwede ka nang maging titser).

      If she asks money, I give her. The only thing I cannot give her wholeheartedly is my “love”. Very easy naman to reciprocate if you received one kaso….I DON’T KNOW HOW.

  • Ladyrider

    As they said…mahirap mag palaki ng magulang…pero usually communication is the key…

    I also can relate on this scenario…mahirap at masakit malaman na kahit anong ginagawa mo…disappointed pa rin sayo…

    One thing… don’t hold grudges at wag kang mag salita ng tapos…kasi magiging magulang din tayo… i wish natin na di tayo maging tulad nila…

    Again communication is the key…at as you said – its a choice…its a choice to be treated like that…We also should make them feel that we are a person with feelings…Unless that we are accepted as we are, they will be disappointed for the rest of their lives…They should also know – dahil magulang sila – kung ano ang issue ng anak nila…dahil kung gusto nilang ma achieve ang mga expectation nila saatin they should know kung paano tayo tutulungan…

    Sana malaman din nila na kung dis appointed sila saatin…mas disappointed tayo sa kanila…sa pag trato nila sa atin ng ganun…

    Goodluck na lang saatin… 🙂

  • Marie Ramirez

    My mom used to be like that too. Pero nung nag dalaga nako explain nya na sinadya nya daw kahit masakit saknya ang pg trato nya saakin. Single mother sya, she was always working kya she wanted me to become independent. To be strong without relying on other people. Maybe you should tell your mom how you feel… and tell her nasasaktan ka. Nasa tamang idad kana nmn diba… so why not ask her anung purpose nya for treating you that way. I hope na maging maayos din kayo ng mama mo someday, just have faith & keep trying… good communication is key.

  • I could totally relate. I think keyword yung diyan yung sinabi mong ‘susuklian’. If you were raised well, you’d give back in kind.

    Sometimes it’s annoying when parents don’t appreciate the things we do for them in the way we expect them to. Sometimes, a ‘thank you’ would be enough pero hindi nasasambit because they feel it’s our duty to please them.

    I guess all I can say is keep doing what you think is right. In the end yun din naman ang basehan kung naging matino kang anak at tao.

    Cheers!

  • MrQinB

    I’m just curious on how you decided to paint your mom at such a bad light. I’m sure she still loves you very much despite of all the things she says.