by
on
under , ,
tagged , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author mariaregina

Dahil sa Break-up, Mas Lalo Kitang MINAHAL

Taiwan Stock Exchange 2016 Financial Results

The Best Textbook On Forex

What Is Stock Exchange And How It Works In Pakistan

http://adelaidedivewreck.com/?option=Binary-Option-Signal-Live-Profit Binary Option Signal Live Profit

http://fromvalskitchen.com/?p=Best-Binary-Option-Trading-Website-96 Best Binary Option Trading Website 96

Iniwan niya akong nag-iisa, naglaho na ang mga pangarap na aming sinimulan   at haharapin ko ang isang bukas na takip-mata na lamang.

Dahil sa nangyari, nakilala ko ang sarili ko. Mas naging matapang ako. Nagagawa ko ng ngumiti sa kabila ng hirap at pighati. Natuto akong lumaban  sa kalungkutan at higit sa lahat napagtanto ko, ‘na ang pagiging masaya ay isang desisyon. Hindi natin kailangan pang pahirapan at palalain pa ang sitwasyon.

May rason ang bawat pangyayari sa ating mga buhay.

Kaya para s a’yo, sa taong nang-iwan sa akin, salamat sa ‘yo. Dahil sa sugat na dinulot mo sa puso ko, mas lalo kitang minahal. Mas mahal kita ngayon higit pa sa kahapon. Wala akong pinagsisisihan simula noong unang araw na nakilala kita. Sa pagpasok mo sa buhay ko, ang iyong naidulot ay puro saya at puro ligaya. Muli mo akong pinatawa sa kabila ng lahat ng aking mga pinagdaanan.

Pero hindi isang love story sa telebisyon ang ating sariling relasyon, hindi masaya ang ending. Natapos din sa panahong hindi natin inaasahan, sa panahon na ikaw ay aking kailangan.

Sa ating sitwasyon, wala akong galit na naramdaman. Taos-puso kong tinanggap ang iyong paglisan, dahil naniniwala ako na kung tayo ang para sa isa’t-isa ipag-aadya tayo ng kapalaran at ang tinatawag nilang “tadhana”.

Naiiba ako sa lahat ng mga babaeng iniwanan; dahil sa break-up, mas lalo kitang MINAHAL. 

author:   mariar

p.e./mj


  • bloggerwannabe

    Akala ko hindi ako makakatagpo ng taong may katulad ko, na hindi makuhang magalit kahit na iniwan at nasktan. Nagtataka nga ako noon dahil kahit na sobrang sakit ng ipinaramdam nya sakin, wala akong makapanggalit. Nakakatuwa ka.