by
on
under , , , , , , , , , , , , , , , , ,
tagged , , , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author the slickmaster's files.

Ang Patutsada sa Isyu ng Opisina’t Relihiyon.

About slickmaster

Eat. Sleep. Rant. Repeat.

Kabataan Partylist representative Raymond Palatino, the man behind HB 6330.
Photo credits: http://definitelyfilipino.com/blog/wp-content/uploads/2012/07/292695_10150835824472735_555031161_n1.jpg

Isang pasada sa isa sa mga napakumplikadong pero naging mainit na balita halos tatlong linggo na ang nakalipas. Kamakailan lang ay may panukala ang isang kongresista na ipagbawal ang anumang mga bagay na may kinalaman sa relihiyon sa loob ng mga opisina ng pamahalaan.

Ayon kay Kabataan partylist representativeRaymond Palatino, ang House Bill 6330 ay naglalayon na i-ban ang ang mga gawaing may kinalaman sa relihiyon, kasama ang mga panalangin, misa, pagbababasbas at paglalagay ng mga anumang bagay na tulad ng crucifix, Bibliya, Koran at iba pa sa loob ng mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon kasi kay Palatino, ang mga relihiyosong simbolong nakikita sa mga lugar na ito ay tila nag-eendorse ng isang particular na pananampalataya. Yung ibang empleyado daw e napipilitan daw na umattend ng mga misa at iba pang mga relihiyosong gawain ng kanilang mga superiors. Yung iba, hindi makagawa ng mga dapat na transaksyon tuwing lunch break dahil sa nasa misa ang mga kawani nito.

Naging isang mainit na balita na naman ito sa iba. Kaliwa’t kanan ang mga taong naglahad ng opinion sa panukalang ito sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at iba pa; at pati na rin sa mga blogs, at diyaryo sa iba’t ibang panig ng bansa.

May mga sumang-ayon. OO nga naman, ‘di ba dapat ang isang opisina ay isang lugar para magtrabaho? Bakit hahaluan ito ng ibang mga bagay tula ng relihiyon? At isa pa, hindi lahat ng mga nagtatrabaho sa ating bansa ay magkakasapi rin sa pananampalataya. Talagang may tao sa ating mga pamayanan na iba ang Panginoon na sinasamba, yung iba, walang relihiyon pa nga e. Hindi nga naman magiging pantay yun, di ba?

At sa kabilang banda, mayroon ding tumuligsa. Sabagay, sa isang bansa na ang dominanteng relihiyon ay ang Kristiyanismo at Katoliko, hindi yata puwede yan. Lalo na kung ikaw ay yung tipong nagsa-sign of the cross bago mo buksan ang mga papeles at PC mo para simulan ang isang nakakastress na araw dahil kailangan mong magtrabaho para may mai-contribute ka sa iyong kumpanya at pamilya.

As usual, talagang kokontrahin ito ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Asahan mo na iyan. Ayon sa kanila, hindi freedom ang nasabing panukala. Pagkitil daw ito sa sa kalayaan ng tao para manampalataya.

At yung iba, ang OA lang. May masabi lang kasi. Isa sa mga matutunog ay yung tila sinusumbatan ang mambabatas na Palatino ng “anti-God.” Oo, OA na nga. Pag-aralan ninyo kaya yang mga salita n’yo bago n’yo isumbat yan sa iba, ano?

Pero dahil sa tahasang pagbatikos ng nakararami e humingi siya ng paumanhin at hindi na niya ipinatuloy na ipasabatas ang Constitutional Provisions on Religious Freedom in Government Offices. Nilinaw ni Mong na hindi niya intensyon na i-ban si God. Sa malamang, ay hindi naintindihan ng karamihan ang batas na ito. Names-interpret.

Hmmm… sa tingin ko, oo. Baka nga hindi ito lubusang naintindihan ng iba. Iba kasi ang mga bagay sa ganitong aspeto e. At isa pa, mahirap makipag-argumento sa mga bagay-bagay na may relasyon sa politika at relihiyon.

Ito lang siguro, ano? May mga bagay kasi na dapat e inilulugar. Katulad ng opisina, simbahan at iba pa. Kung idadagdag mo ang bahay na “bakit may mga taong nagrorosaryo sa kani-kanilang mga tahanan?” e ibang usapan na yan. Ang sa akin, puwedeng ipatupad yan. Dapat talaga ipagbawal mo ang misa, Bible Study at iba pa dahil nga hindi naman lahat ay nakakarelate sa mga ganitong bagay.

Pero sa kabilang banda kung hindi mo trip ang nakikita mong mga ganito sa workplace mo, e respeto na lang din sa relihyon, mga tol, at tanggapin mo na lang din ang katotohanan na hindi mo kasi garantiya na masusunod yan ng mga manggagagawa yan e. Kasi nga naman, may mga tao na pinaka-top priority si God, which is tama lang din naman para sa akin. Ayon na rin sa mga obserbasyon ko, may mga tao kasi na nagdadasal muna bago magtrabaho at yung iba, pagkatapos ng isang mahaba-habang araw ng pagtatrabaho. At hindi mo na matatanggal yun sa kanila, hindi dahil sa nakasanayan nila pero dahil sa ito ay ikinapapanatag nila.

At, bago ko pala tapusin ang lahat, isang bagay na lang dapat ang ipagbawal sa relihiyon — ang pagiging HIPOKRITO.

Author: slickmaster

Date: 06/26/2012

Time: 2: 50 PM

(c) 2012 september twenty-eight productions

 

 

Enhanced by Zemanta

You may also like these articles:

  • hahay ano ban bakit ebaban , baka hidi sya naniwala sa dios . baka naman hindi sya katoliko. o iglisya ni christo sya o bay isang katulo loko. baka naman sya ay isang islam. oi mr .rep , respito naman kami nga katoliko nirerespito nga namin ang malacanyan na mag bigay pugay sa mga muslim na bigyan na isang araw na walang trabaho. e sa katoliko may ganyan ba . wala . kahit sa mga malalking companya e nag kahalohalo ang mga trbahador may katoliko ,mya muslim ,may iglisya at iba pa walang nag rereklamo e ikaw pa kung hindi mo nirispito ang ebang relidion ererispo mo rin ang sarili mo. o ba ka naman wala ka lang respito sa sarili mong religion hahahahahahaha.

  • joy

    Anti God nga…hope and pray God wil open ur mind and heart..what a nonsense…dami prob.ang pinas yan pa ang inuuna u jajajaja

  • Ang hindi nagdarasal ay hindi naniniwala sa DIYOS at ang hindi kumikilala sa DIYOS ay kampon ng demonyo,bakit hindi na lang gawing batas ang magkaroon ng maigsing panalangin bago mag umpisa ng bawat trabaho sa lahat ng sangay ng gobyerno, ang mga hindi naniniwala ay hayaan na lang at isama na lang sa dalangin na sana sila man ay magkaroon din ng matahimik at maayos na buhay sa bawat araw.