How to be a Good Boyfriend  (Photo Credit:  Wiki.how)

How to be a Good Boyfriend (Photo Credit: Wiki.how)

Heto na, dahil babae ako, isisiwalat ko sa buong sanlibutan ang mga katangian ng isang lalaki na dapat mong hanapin.

Tulad ng mga lalaki, ang mga babae ay iba-iba rin ang ‘ideal boyfriend’. Pero ewan ko lang ha, kasi sa dami ng ‘t*nga’ sa panahon ngayon baka wala ni isa sa mga babanggitin ko ang katangian ng kanilang boyfriend. Magbasa nang mabuti, kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay. Hahaha. Biro lang po.

Paunawa: Ito po ay isang blog lamang. Kung sasang-ayon kayo o hindi ay  nasa inyo na ang paghahatol.

Ideal man, marunong magluto. Vise versa lang naman, kahit hindi siya talaga marunong magluto, atleast mag eeffort  talaga siya. Kumbaga, magpapakitang gilas siya kay girlfriend. Gusto naming mga babae ang pinag-eefor-tan kami. Try mo magluto, kahit binudburan mo pa yan ng isang sakong asin..masarap pa rin yan para sa amin.

Ideal man, marunong rumispeto sa nararamdaman ng babae at sa babae mismo. Hindi siya mag te-take advantage, kung medyo madrama ang girlfriend, uunawain niya ito. Hindi niya pinipilit si girlfriend kapag ayaw muna nito makipag-sex (parental guidance).

Ideal man, hindi pinapaiyak ang babae. Wapak! Sino sa inyo ang hindi ‘pa’ nagpapaiyak ng babae? Ang ideal man ay hindi hahayaang umiyak ang girlfriend sa kahit anong dahilan at hindi niya bibigyan ng rason para masaktan ang girlfriend. In otherword, ang babae minamahal hindi pinapaiyak – Quote mula sa isang Ideal man.

Ideal man, mala-superhero – ipagtatanggol niya si girlfriend sa bitch na kasabunutan niya. Ipangtatanggol niya ito sa kahit kanino.Handa siyang makipagsuntukan o makipagsampalan sa sinumang mambabastos sa girlfriend. Ang ideal man ay laging nasa likuran ng girlfriend, hindi siya mauuna sa paglalakad.

Ideal man, marunong magpatawa. Gusto naming mga babae ang hindi boring kasama, kaya kahit corny basta may trill ang samahan, highest level ang relasyon nyan. Kung wala kang talent sa pagpapatawa at gusto mo siyang tumawa, eh di kilitiin mo ng bongga. Mga pare, hwag lang po sobra dahil baka matigok. {Trivia: Alam nyo ba na ang sobrang kiliti ay nakamamatay? Oo totoo, itanong mo pa kay Google.}

Ideal man, walang ka textmate o ka chatmate. Tulad ng lalaki, ayaw din naming mga babae ang may epal kang ka textmate dahil nature kaming selosa. Ang ideal boyfriend ay hindi pinagseselos ang girlfriend dahil maaaring humantong ito sa away.

Ideal man, ay laging may time para sa girlfriend. Kahit gaano pa siya ka busy, maglalaan pa rin siya ng oras para makausap o kumustahin o makasama ang girlfriend. Gusto ng mga babae (lalo na ako) ang lagging kasama ang boyfriend.

Ideal man, hindi nagpapalibre sa girlfriend (please, mahiya ka naman). Pwera nalang kung wala ka talagang barya o aminado kang walang pera. Ok lang din kapag first time o second time kang magpapalibre..hwag ugaliin.

Ideal man ay protective. Pinangangaralan ang girlfriend dahil ayaw niyang mapahamak ito. Siya yung mala-tatay mo kung makasita kapag may ginawa kang mali.

Ideal man always tell the truth. Wala namang gusto pinaglilihiman, kung alam mong may nagawa kang mali, tell her. Mas makabubuti kung magalit siya sa iyo dahil nagkamali ka kaysa ipagsisigawan niyang sinungaling ka.

Ideal man never cheats. Ever. Dahil ang ideal boyfriend ay marunong makontento sa isa. If you do, get prepared for a slap. Or kung mag asawa na kayo, pakitago ng mga kutsilyo at gunting, dahil baka putol ang masasayang araw mo.

Ideal man ay hindi mahilig magbigay ng compliment sa ibang babae. Hindi siya mahilig tumitig o tumingin sa ibang babaeng nakakasalubong niya.

Ideal man ay malambing. Inaalo niya ang girlfriend kapag umiiyak ito o kaya ay  pinapangiti niya ito kapag nalulungkot si ‘ksp’ girlfriend.

Ideal man ay inuuna ang girlfriend kesa sa mga barkada. Mas masaya siya kapag kasama niya si girlfriend. Mas inuuna niyang samahan ang girlfriend kaysa sa inuman nila ng barkada.

Ideal man ay marunong mag appreciate sa effort ng girlfriend. Palagi niyang pinaparamdam na importante sa kanya ang girlfriend. At kahit hindi siya ng ‘I ilove you’ in words pinaparamdam naman niya ito.

Ideal man ay hindi ‘two-timer’, ang ideal man ay walang kabit. Ang ideal man ay totoo sa sarili, kapag hindi na niya mahal ang isang babae, sinasabi niya ito at hindi niya ginagawang tanga.

Ikaw, matatawag ka bang ‘Ideal Man’?