Love - Engagement1

Love – Engagement1 (Photo credit: Wikipedia)

Dear Nina,

Please call me Mr. Impatient. I think I’m in love at natagpuan ko na ang babaeng matagal ko nang hinahanap. Isang buwan pa lang kaming magkakilala at magkarelasyon, pero niyaya ko na siya agad na magpakasal. Ayoko na siyang pakawalan, Nina, dahil nararamdaman ko na siya na yung matagal kong hinihintay at inaasam-asam. Pero nalungkot ako kasi tumanggi siya. Dapat daw ay planuhin at pag-isipan namin itong mabuti at hindi basta-bastang isinasagawa. Nawindang ang puso ko, Nina. Ano ang dapat kong gawin? Gusto ko na siyang makasama habang buhay…

Mr. Impatient

Dear Mr. Impatient,

Bakit ba para kang nagmamadali? What’s the big rush at iisang buwan pa lang kayong magkakilala ng iyong kasintahan eh gusto mo na agad kayong magpakasal? May kinatatakutan ka ba o pinangangambahan? Natatakot ka bang pag nakilala ka niya nang lubusan at malaman ang iyong tunay na ugali ay di na siya magpakasal sa iyo? I totally agree with your girlfriend, Mr. Impatient. Ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na isusubo na kapag napaso o namuwalan ka ay basta mo na lang iluluwa. You need to plan and consider things carefully. You can’t expect her to decide on such an important and delicate matter so quickly. Kung ayaw mong pagsisihan itong desisyon na ito balang araw, I suggest you both get to know each other muna before you rush to the altar. Ang ilan pang buwan na paghihintay ay hindi naman siguro magiging kainip-inip kung kayong dalawa ay tunay na nagmamahalan. Good luck sa inyong dalawa at salamat sa iyong liham.

Nina

Most people make careful plans when they decide to take a vacation. Mayroon din yung iba na kapag may gustong gawin o bilhin nagre-research pa talaga. Kapag gusto mong magtayo ng negosyo, may feasibility study pang isinasagawa para dito. Pag magpapagawa ka ng bahay mo, kailangan din ang planong gawa ng arkitekto at ng engineer. So kung susumahin mo, ang mga bagay-bagay sa mundo at sa buhay mo ay dumadaan talaga dapat sa pagpa-plano. Nararapat na ito’y masusing pinag-aaralan at hindi basta na lang isinasakatuparan.

Pero may isang bagay sa buhay natin na kadalasan ay wala sa plano at basta na lang nangyayari. Ito yung magical feeling na basta na lang umuusbong sa mga puso nating pasaway at kahit na anong pigil natin ay pilit na nag-uumalpas at gustong kumawala.

Pag-ibig. Kayo ba, dear readers, pinlano n’yo ba ang umibig sa isang tao? Gumawa ba kayo ng mga do’s and don’ts saka ng mga what-to-do list para sa taong itinitibok ng inyong puso? Nagawa n’yo bang diktahan ang inyong puso na huwag mahulog para sa isang tao at iwasan ito? Maaaring sa huli kong nabanggit, may nakagawa nun. Sila yung mga taong may conviction sa sarili. Pero ang tanong, masaya ba sila sa ginawa nila? Did they feel comfortable by suppressing their feelings for that someone na gustong-gusto naman nila? I wonder…

Tunay at marapat lamang na pinag-iisipan at pinagpaplanuhang mabuti ang mga bagay na gusto nating gawin. Pero simula nung ako’y magkamuwang sa larangan ng pag-ibig, wala pa yata akong nakakuwentuhan at nagsabing pinlano nila na si ganito o si ganoon ang maging bf/gf o maging asawa nila. Most of my friends, and I include myself, ay magsasabing yung emosyon na yun ay kusa na lang umusbong para sa taong minahal namin.

Hindi ko pinili ang napangasawa ko. Sa pagkakatanda ko pa nga, sobrang iwas ko sa kanya dahil hindi naman siya yung tipo ko. Kumbaga, hindi siya pasado sa standard ko sa isang lalake. Pero kahit anong iwas ko, nahulog pa rin ako sa kanya. Hindi ko napigilan yung pag-usbong ng damdamin ko para sa kanya and we  ended up together, got married and produced our offsprings.

Yung planning for love yata applicable lang sa mga arranged marriages at marriage for convenience. Mabalik tayo dun sa liham ni Mr. Impatient at sa sagot ni Nina. Sa isang banda, tama naman talaga si Nina. Ang pag-aasawa ay hindi nga parang kaning isusubo na pag napaso ka ay basta mo na lang iluluwa. Mahirap na itong bawiin at tuldukan kung dumating yung araw na marealize niyuong hindi niyo pala mahal ang isa’t isa.

Oo, totoong ang emosyon ng pag-ibig ay kusa nga lang na umuusbong sa mga damdamin natin. Ang mahalaga, dapat tayong maging aware at kilalaning mabuti kung sino yung mamahalin o minamahal natin. Maging mapagmasid at alerto sa mga senyales na magpapatunay kung siya ay seryoso sa iyo o hindi. Dapat pareho kayo ng hilig, ng mga gusto para maiwasan ang laging pagtatalo.

Kailangang matched kayo mostly sa mga katangian n’yo para kayo magkasundo. Pinakaimportante sa lahat, marunong siyang makibagay at rumespeto at dapat tanggap siya ng pamilya mo, ng mga kaibigan mo  at sa sirkulong kinabibilangan mo. Utang na loob, wag mo nang ipilit yung dramang ‘you and me against the world.’ Hindi yun healthy para sa isang relasyon.

No man is an island…I’m not sure kung may relevance yan sa gusto kong sabihin. Lol! Ibig ko lang sabihin, hindi lang kayo ang tao sa mundo at magmamahalan nang walang pakialam sa paligid n’yo. Tanggapin na natin na lagi na ay may makikialam o pupuna sa atin. Pero nakatitiyak naman ako na mostly sa mga taong ito ay with good intensions naman para sa inyo.

Ang pag-ibig, kusang nararamdaman yan. Hindi matuturuan ang puso kailanman. Tama. Pero mayroon at mayroon pa ring mga paraan para hindi ka masaktan at magsisi sa bandang huli. Sabi nga, when you love, follow your heart…but don’t forget to take your brain with you.

Enhanced by Zemanta