Are You a Good Girlfriend?    (Photo Credit:    Bebo)

Are You a Good Girlfriend? (Photo Credit: Bebo)

Lahat naman ng lalake iba iba ang ideal girlfriend. Naitanong ko na sa ‘Precious Man’ in my life ang tungkol sa topic natin ngayon at mga katangian ng isang ‘ideal girlfriend’. Ito ang ilan sa nailista ko para sa mga babaeng gustong mag-effort para sa boyfriend o gustong magka-boyfriend (peace).

Ideal girlfriend, marunong magluto.(ako yun) Well, obvious naman yun. Pero hindi kailangang maging expert sa pagluluto. Ang gusto lang naman *kunu* ng mga boys ay simple lang. Gusto lang naman daw nilang  may makain. Hindi kailangan ng pagkaing pang Chef na level. Sila raw mga lalaki ay tipong ipinanganak ng simple. Magulo lang daw talaga mag-isip ang mga babae kaya ginagawa nilang kumplikado.

Ideal girlfriend, marunong umintindi at dinadaan sa mabuting usapan ang away. Alam niyang kailangan lang ng space ng lalake at hindi niya dapat kulitin ang boyfriend kapag parehong mainit ang ulo nila.

Ideal girlfriend, hindi sinungaling.Kapag nagkamali o kahit ano pa man ay magsasabi siya siya ng totoo kay boyfriend. Hinding-hindi siya maglilihim.

Ideal girlfriend, nakokornihan sa mga pelikulang hindi naman mangyayari sa tunay na buhay. Hindi siya kinikilig kay Edward o Jacob o kay Justin Bieber.—Paano kaya kung ang boyfriend mo kinikilig kay Paris Hilton, anong mase-say mo?

Ideal girlfriend, ay astigin ngunit mahinhin sa ibang tao. Nagtatakip siya ng dibdib at pwet kapag sasakay ng jeep. Hindi siya nagsusuot ng sexing damit kapag wala ang boyfriend niya. Hindi siya nakikipaglandian. Wala siyang ka-chat na lalaki sa FB or YM dahil takot siyang mapagdudahan ni boyfriend. At hindi nagtatanga tangahan at sasabihing friend lang talaga turing sa kanya ng isang paksyet na lalakeng aali-aligid sa kanya.

Ideal girlfriend, magpacute lang ang isang lalake sa kanya supalpal agad ang inaabot. Hindi bibigyan ng ideal girlfriend ng pagkakataon ang kahit sino mang lalake na sirain ang relasyon nila ng kanyang boyfriend. Hindi siya bitch. Hindi siya mahilig sa papuri ng opposite sex dahil iisa lang tao ang magbibigay sa kanya ng perfect compliment—ang kanyang boyfriend lang at wala ng iba. (bukod pa doon ang nanay at tatay).

Ideal girlfriend, marunong magpaubaya. Hindi siya nagagalit kapag kasama ni boyfriend ang kanyang barkada. Kailanman hindi siya magseselos sa mga barkada ni boyfriend. Nakikisama si ideal girlfriend sa barkada. Kung ma-effort siya, magluluto o bibili siya ng pulutan para sa inuman. Hindi siya eepal sa usapan dahil ang usapang lalake ay usapang lalaki, hindi dapat nakisawsaw ang babae.

Ideal girlfriend,  hindi mahilig makipag-away sa public. Hindi siya mahilig magpapansin para lang maawa sa kanya ang mga tao.

Ideal girlfriend, malambing. Lagi niyang inaalagaan ang boyfriend. Ipaglalaban niya ito kahit sa magulang pa niya. Hindi niya binibitawan ang boyfriend kapag natutulog sila. Lagi siyang naka-hug. Tipong ayaw na niyang  bitawan ang boyfriend. (Baka mawala pa)

Ideal girlfriend, ipagtatanggol ang lalake sa mga bitch. Mang-aaway siya sa kung sino mang magtatangkang agawin ang boyfriend niya. Dahil ang ibang girlfriend, ang aawayin ay boyfriend, hindi ang babae.

Ideal girlfriend, hindi paiba iba ang isip. Kung sinabi niyang papayat siya, magpapapayat siya. Hindi siya magsasabi ng kung anu anong bulok na dahilan.

Ideal girlfriend, hindi mahirap kasama magshopping. Hindi niya lilibutin lahat ng tindahan para lang bumili dun sa unang tindahang pinasukan ninyo. Hindi rin siya magsisisi sa pinamili niya. Ayaw ng mga lalaki obviously ang maraming chechebureche; nababadtrip sila.

Ideal girlfriend, marunong dumiskarte. Hahanap at hahanap yan ng paraan para lang makausap, makita o makasama ang boyfriend. Hindi yan magdadahilan ng kung anu ano kung bakit hindi siya nagparamdam. Ayaw niyang nag-aalala ang boyfriend. Ayaw ng mga lalake ang kung anu anong rason. Pag gusto mo talaga ang isang bagay gumawa ka ng paraan.

Ideal girlfriend, supportive. Matutuwa siya kapag may achievement ka, kahit na minsan may chance na masasacrifice ang time n’yo magkasama.

Ideal girlfriend, proud sa boyfriend niya. Ipapakilala niya sa www este whole wide world or whatever. Kahit pa hindi ka gwapuhan si boyfriend, o kahit pa ini-echos siya ng ibang tao dahil kesyo hindi sila bagay, wapakels at proud pa rin si girlfriend. Dahil ang ideal girlfriend, tanggap ng buong buo ang boyfriend.

Ikaw, ideal girlfriend ka ba?  

author:  aimeeindubai