Waking Up  (Photo Credit:    Starwinar.wordpress)

Waking Up (Photo Credit: Starwinar.wordpress)

Kapag nagmahal ka hindi mo naman kailangang ibigay ang lahat. Pero kadalasan yun yung nangyayari hanggang sa wala nang matira. Pero paano kung yung taong mahal mo mayroon nang ibang taong gusto? Anong gagawin mo? Ipaglalaban mo ba siya o ipapaubaya na lang sa taong mahal niya? Ang hirap, di,ba?

Para kanino ba ang iyong pagsisikap? Para kanino ka umaasa? Para kanino ka nangangarap? Para kanino ka nabubuhay? Para sa kanila o para sa kanya? Imposibleng wala. Dahil kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap, mayroon pa din tayong dahilan para gumising tuwing umaga.

Patuloy pa rin ang ating buhay. Kung ikaw ay nabigo, nanaisin mo pa bang ipagpatuloy ang nararamdaman mo? Ang buhay ay masaya, pero ang tanong para kanino nga ba tayo bumabangon? Ang sarap gumising sa umaga, di ba kapag alam mong may nagmamahal sa ‘yo?

Nandiyan yung pagmulat mo ng mga mata mo wala siya sa tabi mo dahil nagluluto pala siya sa kusina ng almusal na kakainin n’yo. Nandiyan yung sabay kayong mangangarap para sa inyong magiging buhay sa hinaharap. Minsan nangangarap tayo na sana makahanap din tayo ng magpapasaya at makakasama natin hanggang sa pagtanda. Pero bakit minsan kailangan nating magsakripisyo para lumigaya ang taong mahal natin? Bakit kailangan nating ipaubaya sa iba ang taong mahal natin?

Matagal ko na siyang pinagmamasdan. Bawat ngiti niya ay katumbas na din ng mga ngiti ko, mga ngiti niya ang nagpapasaya sa akin. Kaya kapag Masaya siya masaya na din ako, pero kapag malungkot siya parang dinudurog naman ang puso ko. Nakahiligan ko ang magbasa ng mga blog, ebooks etc. Dahil gusto kong bigyang kasagutan kung ano ba talaga kami. Minsan kasi aminin natin na sa pagbabasa may nakukuha din tayo kahit papaano. Dahil sa pagbabasa ko hindi ko namalayan pati pala ako makakagawa ng sarili kong artikulo na ngayon ay naka publish na sa DF (Definitely Filipino). Isang blog site para sa mga writer na gustong ibahagi ang kanilang mga pananaw at mga opinion sa mga bagay bagay. (makapag plug lang talaga. hehehe. http://definitelyfilipino.com/blog/author/kelvinjonas/)

Sa bawat takbo ng araw na hindi ko siya nakakasama, parang kulang ang isang araw ko na hindi ko siya nakikita. Sa bawat hampas ng hangin na nagpapakilig sa akin tuwing kasama siya pakiwari’y ko’y parang unti-unti nang nawawala. Pero anong gagawin ko? Sa kanya ako Masaya. Para sa kanya ako bumabangon tuwing umaga. Para sa kanya ako nangangarap. Kahit anong sigaw ng isip ko na hindi ko siya mahal, bulong lang ng puso ko na mahal ko siya para na akong tulala kapag kakikita ko siya.

Gumawa ako ng paraan para maging kami. But in the end he refuses me many times. Kaibigan lang daw ang tingin niya sa akin. At ayaw niyang masira yun, dahil baka kapag nasaktan niya daw ako mas lalong maging kumplikado. Hindi ko inaasahan mahuhulog pala siya sa iba.

Alam mo yung feeling na nakaharap ka sa kanya tapos nakatalikod siya sa yo dahil nakaharap naman siya sa taong mahal niya? Pero yung taong mahal niya naman nakatalikod din sa kanya dahil hindi naman siya gusto nito at malay ko ba kung in a relationship sila.

Sa bawat araw na nakikita ko siyang masaya, masaya na rin ako kahit alam kong hindi naman ako ang dahlian. Kahit alam kong hindi na magiging kami. May nagsabi nga sa akin, “hindi mo ba siya ipaglalaban?” Napaisip ako sa tanong na yun. Bakit ko pa ipaglalaban to the point na hindi naman talaga ako ang gusto niya. Masaya na ako kapag nakikita siyang masaya. Dahil ang mga ngiti niya ang buhay ko. Sapat na sa akin yung mahalin siya kahit hindi niya alam kung gaano ko siya kamahal.  Hindi ko na ulit sinubukan pa baka kasi kapag sinabi ko ulit ang nararamdaman ko sa kanya at binalewala niya lang ulit ako, baka hindi ko na makaya, buhay ko na ang maitaya ko.

Panahon na ang nagsasabi na hindi kami para sa isat-isa dahil alam kong anytime aalis na siya. Sana lang handa ako, dahil kapag iniisip ko na aalis na siya hindi ko mapigilang mangulila. Pero salamat dahil kahit magkaibigan kami ,alam kong mahal namin ang isat-isa. It’s just like we love each other more than a friend, but less than a lover. (Wow may ganun ba?) Ayoko ng lumutang sa kawalan. Naduduwag na ako. Nawawalan na ako ng pag-asa. Titibayan ko na lang ang puso ko na sana kaya ko kapag nawala siya.

May mga pagkakataon ba na nais na nating isuko ang ating nararamdaman para sa taong mahal natin? Iniiwasan ba natin ang mga bagay na makakapagpahirap at magbibigay sakit sa atin at pipiliing itago na lang ang nararamdaman? Kapag ikaw ay nabigo, pilitin mong subukan sapagkat may mga taong pinipilit at ginagawa ang lahat para sa kanilang minamahal. Dahil baka malay mo kayo din sa huli, di ba? Maaaring nasasaktan ka ngayon sa mga nangyayari, pero hindi mo masasabi na ang sakit na nararamdaman mo ngayon ang maging daan para bigyang kasagutan ang iyong kaligayahan.

Ikaw? Para kanino ba ang yong pagsisikap? Para kanino ka umaasa? Para kanino ka nangangarap? Para kanino ka nabubuhay?