Conceited    (Photo Credit:    Crystalscomments)

Conceited (Photo Credit: Crystalscomments)

Maganda ka? Gwapo ka? K!

Madaming magandang babae dito sa Pilipinas. Naniniwala ako na kahit hindi tayo biniyayaan ng magandang ilong at malaporselanang kutis.

Maliban sa kagandahang panlabas, paborito ng mga foreigners ang mga Pilipina dahil sa pagiging maaalahanin at maasikaso natin.

Pero higit sa magagandang katangian na ito, nakakabagabag lang na madaming babae ngayon ang nagmamaganda—sila yung tipo na, oo, maganda, pero hindi sapat ang kagandahan para manlait ng iba at bigyan ng limang patong na pedestal ang sarili. Sila yung biniyayaan ng magandang mukha, pero hindi sapat para itanghal na ang sarili na diyosa o kaya ay anak ni Athena. Yung umaastang Miss Universe at pinupuri ang sarili? Tsk. Hindi lang akma.

Usong-uso ngayon sa mga comedy bars o kahit sa tsismisan ang panlalait bilang sort of conversation, bonding o kaya ay form of entertainment. Ewan ko ba kung bakit tayong mga Pinoy ay napapahagalpaksa tawa kapag nakukuwentuhan tayo ng mga taong nilalait. Hindi ako nagmamalinis dahil kahit ako ay guilty sa ganyang pagkakasala. Pero hindi sa pagbubuhat ng bangko, ginagawa kong katatawanan ang tao kapag kaharap ko at kung ang mga kasalamuha ko ay mga kaibigan ko din (at kaibigan ng nilalait ko). Yung tipong komportable kaming nagbabasagan at sa bandang huli, sarili ko din binabasag ko. Sports lang.

Sa paningin ko lang, ang hindi magandang gawain ay yung isumpa mo ang kapangitan/kapintasan, kulay, lahi o hitsura ng tao dahil lang maganda ka. Ang masaklap pa, kapag yung nanlalait eh maganda, pero hindi sapat ang hitsura para manlait. Yung tipo pang iaangat ang sarili para lang masabing maganda sila at pangit yung iba. At ang pinakamasaklap sa lahat, dun nabu-boost yung confidence nila. Pero hindi yun ganun sa paningin ko. Ang tawag doon ay pagiging conceited.

Sabi ni Pareng Google, conceited is having an excessively favorable opinion of one’s abilities, appearance, etc. in short, sila yung mga taong gandang-ganda o guwapong-guwapo sa sarili nila. Ang tingin nila sa sarili nila ay sobrang maganda o matalino at lahat ng magagandang katangian ay nasa kanila na.

Oh eh, ‘di sila n, ‘di ba? Kadalasan, sila yung mga tipo din ng tao na naninira at nananapak ng iba para iangat ang mga sarili nila. Sa palagay ko, aayon ang lahat kung sasabihin kong nakakapanira ito ng self-worth ng ibang tao. Sila lang kasi ang maganda sa paningin nila Kung maganda sila at alam nila yun, hindi na nila kailangang  manlait pa para lang sila ang umangat.

Paano ba natin malalaman kung ang tao ay confident at hindi conceited?

Confident siya kapag pinuri siya, simpleng thank you at ngiti ang igaganti niya. Hindi na siya magdedetalye ng nalalaman niya at kung gaano kadami ang laman ng utak niya. Kapag confident kasi yung tao, hindi nagpapabibo dahil alam na niya sa sarili niya kung ano ang kakayanan niya at wala na siyang balak na ipagmalaki o ipagyabang ito.

Conceited siya kung siya ang nagdadagdag ng nakakalulang adjectives sa pangalan niya. Beautiful, Stunning, Smart, Intelligent (Inser Name Here) ang drama niya. Yung tipong lahat na lang ng papuri at magagandang katangian nasa kanya. Oo maaaring biniyayaan siya ng magagandang katangian, pero hindi mo dapat pinupuri ang Sarili mo. Hindi mo ba mahintay ang ibang tao na makapansin nito at pumuri sa ‘yo? Mas maganda yata kung mananatili na lang tayong humble at tahimik kaysa naman binubuhat natin ang universe.

Ang conceited ay kapatid ng mayabang at pinsan ni Insecure. Tingnan mong mabuti. Ang taong hindi makapaghintay na mapuri ay insecure. Bakit? Kung hindi siya insecure, he/she would care less mapansin man ang gawa niya o katangian niya dahil alam niya sa sarili niya ang kakayahan niya. Hindi niya kailangang makarinig ng ilang libong papuri para lang masecure ang confidence niya. Kung aaralin nating mabuti, tahimik lang ang mga confident na tao—yung mga tao sa paligid nila ang nagsasabi ng katangian niya at hindi mismong siya. Bakit mayabang? Simple lang. Kuda sila ng kuda ng mga bagay na meron sila at di makapaghintay na purihin sila.

Conceited ang tao kapag masyadong defensive sa mga mali nila. They cannot tolerate anyone who corrects their mistakes. Wherein a confident person knows how to listen to others and takes criticisms as an opportunity to improve his skills. (English bigla?)

Ang taong confident, magaling mag-english pero kayang ibagay ang gamit niyang language sa audience niya. Hindi siya mag-eenglish kapag alam niyang hindi siya maiintindihan ng kausap niya. Samantalang ang conceited, magmamagaling. Ipagmamalaki niyang magaling siya magsalita ng foreign language kahit alam niyang hindi siya maiintindihan ng kausap niya. Nagpapaimpress imbes na mag-express. Para lang masabing magaling siya, i-i-intimidate niya ang audience niya.

Ang taong conceited, lait nang lait sa ibang tao at puro mali ang nakikita. Para lang masabing siya ang tama at wala siyang mali.

Ang taong conceited, sarili lang niya ang maganda sa paningin niya.

Maaaring madami pang items ang hindi ko nabanggit. Hindi ko naman kasi kabisado ang mundo at psycho ng bawat tao. Maaaring hindi rin kayo sang-ayon sa iba kong nailagay-hindi rin ako nagmamagaling subalit ang mga nabanggit ko sa itaas ay base sa aking kaunting karanasan.

Para sa akin lang, lahat naman tayo ay may sariling kayabangan pero ang kaibahan lang may mga taong nailulugar ang kayabangan, yung iba naman akala mo lobo na ang ulo sa dami ng hangin na laman nito. Huwag lang tayong pangungunahan ng yabang, huwag lang puro mali ang nakikita sa ating kapwa. Antayin din natin ang ibang tao na pumuri sa atin.

Kung maaari, huwag din lait nang lait dahil lahat tayo ay hindi perpekto. Pero it doesn’t mean that we are not capable—let’s use our imperfections at our own advantage. At tandaan, ginawa tayo nang sadyang kung ano tayo ngayon upang sa gayon mapaunlad ang ating mga sarili-para may pagkakataon tayong icustomize ang buhay natin.